Ćapitulo Veinte Uno

Comincia dall'inizio
                                    

"Inalis ko sila sa kanilang posisyon." Diretsong sagot nya.

"Ngunit bakit? Bakit ginagawa mo ito sa'ken sa kabila ng mga hindi magandang nagawa ko sayo? Bakit nananatili kang ganyan saken?" Tanong ko sa kanya. Sandaling tumahimik ang paligid. Humarap sya sa akin at tinitigan ako ng mata sa mata.

"Sa totoo lang, nagtatampo talaga ako sa iyo bebegerl. Napakabilis mong magdesisyon ng hindi iniisip ang maaaring mangyari sa hinaharap. Taandaan mo bebegerl, kung ano ka ngayon, bunga iyon ng desisyon mo kahapon. At kung ano ka bukas, bunga iyon ng desisyon mo ngayon" Panimula nya.

"Maaaring may mga pagkakataon na pinag-iisipan mo ako ng masama. Pinipilit kong maging malinis ang pagkakakilala mo sa akin, nang sa gayon ay manatili ka. Manatili sa piling ko"

"May mga pagkakataon na nasasaktan mo ang damdamin ko, ngunit sa tingin mo ba ay sapat na iyong dahilan upang hahayaan ko ang pinaka iingat ingatan kong binibini ay sasaktan lamang nila ng ganun-ganun na lamang?" patuloy pa nya. At tumayo na.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makita kong nahiga na rin sya.
Kailangan ko ng matulog, kailangan kong magkaroon ng lakas para harapin ang bagong hamon sa akin ng buhay.

Kinabukasan, nagising ako ng wala si Mateo sa hinihigaan nya. Teka, saan naman kaya nagpunta yun?
"Magandang umaga po Binibini" masiglang bati sa akin ng isang babae na sa tingin ko'y 38 years old na. Maputi sya kaso medyo pandak.

"Magbihis na daw po kayo binibini, sapagkat ihahatid na raw kayo ni Heneral Mateo sa San Luis" masiglang bati nya at maingat na iniabot sa akin ang isang magarang baro't saya.
"K-kanino ito?" Tanong ko sa kanya.

"Binili po iyan ni Heneral Mateo kanina. Nais daw po niya na maging komportable ka" nakangiting tugon nya sa akin. Teka para nakaka echos naman yung ngiti nya.

"Maraming Salamat" tugon ko sa kanya. Inalalayan naman niya akong tumayo at sinamahan papunta dun sa maliit na parang liguan.
"Ang akin pong ngalan ay Matilda. Kung may kailangan po kayo ay tawagin nyo lamang ako. Narito lamang po ako sa labas" sabi nung babae na Matilda pala ang pangalan.

Napatingin akong muli sa kulay pulang pula na baro't saya. Napakasimple lang pero napakaganda.

Maya maya pa'y natapos na ako sa pagbibihis. Sa totoo lang ayoko pa umuwi, kaso wala akong magagawa, takot na takot na ako dahil baka mabugbog ulit.
Pero paano kung di pa rin ako tanggapin ni ama? Anong gagawin ko?

"Bebegerl Angelita? Tara na, iuuwi na kita sa inyo" bati sa akin ni Mateo na ngayon ay naka barong tagalog na pula rin. Ugh!
Anong meron? Ha?

"Pero di ko alam kung tatanggapin ako ni ama. Pinalayas niya ako at hindi pa ito ang tamang oras para magpakita ka kay ama" tugon ko sa kanya. Napatingin ako sa mata nya at napansin ko ang pagka disappoint.
"Ganoon ba bebegerl? Sige ipapahatid na lang kita sa mga Guardia Civil" tugon nya. Alam kong gusto nya akong ihatid pero bawal talaga e. Hays

Kaso ayaw ko pa talaga umuwi e. Huhu

"Kung gusto mo, mamasyal na lang muna tayo? Ipasyal mo ako dito sa bayang pinamumunuan mo" tugon ko sa kanya sabay ngiti ng malaki. Hihi

Napatigil naman sandali si Mateo at napaisip.
"Ayos lang ba sa iyo?" Tanong nya sa akin.

Tumango ako sa kanya at binigyan ng nagpapacute na look. Mwehehe
"Hmm... Sige bebegerl. Maraming magagandang lugar dito" Masiglang tugon ni Mateo at niyaya na akong lumabas.

Huling HimagsikDove le storie prendono vita. Scoprilo ora