Unusual

1.1K 22 0
                                    


Hi po admins. Sana ma-post itong weird and creepy experiences ko. I'm using my mother's account. To hide my identity. Thank you!

Bulalakaw
Di ko alam kung may konek ito sa mga kababalaghang nangyayari sa buhay ko, kung wala naman. Sorry po. Pero ikukwento ko pa rin.
Dati kaming nakatira sa isang malayong barrio sa Polomolok, South Cotabato. 10 years old ako nang mangyari ito.

Since laging ginagabi ng uwi si papa galing golf course (caddy kasi siya noon), nakaugalian na namin nina mama at dalawa ko pang nakababatang kapatid na hintayin si papa sa labasan pagkatapos kumain ng dinner.

Sobrang lawak ng pinyahan (pineapple field). Medyo maliwanag naman kasi may poste sa gitna ng field at maliwanag ang buwan at maraming stars noon. Sa dulo ng field ay mayroong Creek na natatakpan ng mga puno ng ipil-ipil, macadamia nuts at bamboo trees.
May nakita akong or should i say kami ni mama ng isang big ball of fire. Sobrang laki. Maglaland don sa creek. Kulay orange, red, yellowish at sky blue lang ang kulay na natatandaan ko dahil mabilis ang pagland niya. Sobrang ganda niya. Kaya naman napaturo talaga ako. Sayang lang at namissed ng dalawa kong kapatid.
Kinabukasan ay nilagnat ako. Mainit ang katawan ko pero malamig ang mga talampakan ko. Kasabay din non ay sobrang sakit ng ulo ko. Parang nabagok, gusto ko nga non iuntog sa wall eh. Dahil malayo ang ospital sa amin nagtawag nalang si mama ng albularyo.

Sa pagkakatanda ko ang sabi niya ay nasinda ako. Dapat daw di ko tinuro yong bulalakaw. So ginamot niya ako. Nilagyan ng dahon ang ulo ko na parang isang indian girl at pinaliguan ako ng sukang nilibing sa biyernes santo. Basta tuwing biyernes santo nakaugalian na ng matatanda sa amin na maglibing ng sukang buko, nilalagay sa bote. Nagmo-move pa nga yon, wala na sa dating pinaglibingan. Good thing, naglibing ang lola ko. After two days, okay na ako.
Daanan naman daw talaga ng bulalakaw yong creek. Tapos may malalaking bato don. Higante. Sa tansya ko mga nasa 8-15 ft.

Si Kagawad
So dito na nagsimula lahat ng kababalaghan sa buhay ko.
Same year. Pumunta kami sa burol ng isang namayapang kagawad. Halos kilometro din ang layo mula bahay namin. Walang masasakyan don. Alay lakad talaga.

Gabi non, di ko alam kung anong oras basta pagkatapos ng Goin' Bulilit kami umalis. Papunta kami ng bahay nila ng makita ko si Kagawad na nakatayo sa gilid ng FX niya, malapit sa gate.

Pumikit ako baka epekto lang ng pinanood kong nginig. Nakahawak ako kay mama non. Nong dumilat ako, nandon talaga siya. Naka-blue siya. May sugat sa dibdib at parang malungkot ang mukha. Don na ako umiyak at pawis na pawis.
Pinainom ako ng tubig nina mama at kaanak niya. Tinatanong ako kung ano nakita ko, anong pakiramdam ko etc.

Nabigla sina mama dahil di ko naman alam na nasaksak si Kagawad at naka-blue siya nong nangyari ang insedente. Unang beses 'tong nangyari sa akin.

Mga kaluluwa
Mula noong taong 2007, lumipat na kami sa isang kilalang lungsod dito sa Negros. Dito na ako nagpatuloy ng highschool hanggang college. sunod na ang mga nakakatakot na nakikita ko. Di naman madalas pero sapat na para tawaging normal nalang.
May mga nakikita akong kaluluwa sa simbahan, school, sa gate ng isang public cementery, sa dati naming inuupahang bahay at ilang beses ay sa highway. Di gaanong clear pero alam kong kaluluwa. Yong multo ng isang batang lalaki sa TLE room na may putik ang damit na bigla nalang nawawala. (Likod kasi non ay Football field). At ang babae sa CR ng apartment. Umiiyak tuwing ala-una na hubo't hubad. Noong una akala ko may diperensya na ako sa pag-iisip (nakakahiya pero totoong naisip ko yan). Pero nung in-open up ko sa lola ko, may naintindihan naman ako kahit paano. At least may karamay ako. Pero TBH takot akong pagkamalang baliw. Kaya pikit nalang, bawal magkwento at dedmahin ang naging ways ko. FF

Mind Reader
Nasundan pa ng isang weird na pangyayari. Nakakarinig ako ng pinag-uusapan kahit malayo pa sa kinaroroonan ko. Maraming beses na nangyari. Pero ito ilan sa di ko makakalimutan.

Scary Stories 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin