Elevator

2K 36 0
                                    




           

Hi spookifiers.

I'm an avid fan of spookify since I really love to read/watch horror movies.

And masasabi ko na magaganda mga stories na shini-share ninyo. Anw, this is my first time to share a story in your page so please bear with me. :p

Hindi ko alam kung matatakot kayo or hindi, pero sshare ko paren sya.:)

(1st Story)

Nagtatrabaho ako sa Makati dati. Di ko na imemention kung anong name ng building or company.

Shift ko that time is 5 AM. So dahil nga 5 am ang shift ko, umaalis talaga ako ng bahay ng maaga. Minsan nakkarating ako ng office ng 4:30 or 4:45 am.

Pero nung araw na yun, talagang sobrang aga ko nakarating.

Wala pa sigurong 4 yun, nasa baba na ako ng building. Bukod sa dalawang guard sa baba wala na akong nakita na iba pang tao.

So deadma nalang ako, umakyat nako sa floor namin which is sa 3rd floor.

Aminado ako kinabahan ako habang papaakyat yung elevator sa floor namin. Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator.

Madilim sa hallway, yung ilaw lang na may nakasulat na ""EXIT"" sa magkabilang dulo yung nagsilbing ilaw sa floor na yun. (Alam nyo yun diba? Yung sa may fire exit, kulay green ilaw nya).

Nakakatakot kasi parang horror movies yung datingan ng awra sa hallway, samahan pa ng malikot kong imagination na baka may biglang magpakita o ano. Haha

Syempre di naman ako bayani para maglakad sa hallway ng ayun lang ang ilaw, eh ang office namen sa dulo pa, yung malapit na sa fire exit. So binuksan ko yung ilaw. Medyo okay na maliwanag na.

Bawas kaba ganon. Bago makarating sa office madadaanan mo muna yung cr, eh since andun naren naman, pumasok ako ng cr para alam nyo na girls, retouched retouched ganun.

Pero habang nagsasalamin ako, i felt something na parang someone was staring at me.

Alam nyo naman yung ganong feeling yung kahit di mo makita kung asan, alam mong may nakatingin sayo.

Sa sobrang kaba ko, lumabas ako ng cr tapos bumaba ako ulit ng building namen.

Mga around 4:10 am, habang nasa baba ako dumating yung isa kong katrabaho. Sa isip isip ko, 'Yes sa wakas may kasama na ko umakyat!'

Syempre malakas na loob ko may kasama na ako eh. Ako pa nauuna maglakad. HAHAHAHA!

Eto na nga, kayo na bahala mag imagine ha?

Ang style kase ng office namen, 2-glassdoors sya. Parang sa pinakalabas may glassdoor, tas tanaw mo na yung loob, yung 2nd door pati yung pinakaloob kasi yung window sa office malaki tas salamin ren.

Dahil nga ako ang nauuna, pag open ng 1st pinto kinapa ko agad switch ng ilaw para maliwanagan.

Bali yung ilaw palang sa labas yung nabuksan, pero parang matatanaw mo na yung nasa loob since naaaningan sya ng ilaw galing labas.

Papahakbang na sana ko para lumapit sa 2nd door pero napahinto ako.

Di ko alam kung namamalikmata lang ba ko o dala na namna ng imagitaion ko.

MAY SHADOW NG BABAENG NAKATALIKOD NA NAKAUPO SA VACANT CHAIR SA DULO.

Kinabahan na ko oo. Pero inaaninag ko parin talaga kung meron ba talagang nasa loob. Nung nafeel ko na meron talaga lumingon ako sa kasama ko. Nakatingin sya sakin tas sabi nya baba raw kame.

Hindi ako umimik, naglakad ako palabas ng 2nd door mabilis na lakad.

Pumasok kami sa elevator para bumaba, papasara na yung elevator as in konting konti nalang sasara na, bigla syang nag open.

Yun bang parang may humabol na sasakay.

Yung kaba ko non naging takot na talaga kasi bumukas ang elevator, walang pumasok na tao.

Madalian talaga namin pinindot pasara elevator non.

Nung nasa labas na kami. Biglang nagtanong yung kasama ko.

Sya: Nakita mo ba?

Me: Ha?

Sya: Nakita mo rin diba?

Me: Nakita mo rin? :O Akala ko ako lang :O

Sya: Oo nasa dulo sya nakatalikod saten. Babae.

Pucha imbes na mawala takot ko lalo akong natakot eh! Yung kasama ko kasi na yun may third eye sya.

So di nga ako nagkamali ng hinala. Di ata tao yung nasa loob.

Matagal kami nagstay sa baba, hanggang sa may mga pumasok na iba kaya napagpasyahan namen na umakyat naren.

Pero ang di ko malilimutan sa pangayyari na yun nung nagsalita yung guard kinausap kame.

""Oh, bat dalawa nalang kayo asan na yung isang kasama nyo? Tatlo kayong galing sa taas diba?""

Kingina, feeling ko mahihimatay ako sa lakas ng heartbeat ko sa kaba.

Scary Stories 2Where stories live. Discover now