Biglang Liko

1.4K 17 0
                                    


Tawagin nyo na lamang po ako sa pangalang Dina, hindi ko man gusto pero bukas ang third eye ko.
Nagtatrabaho ako sa Sta. Mesa sa isa sa mga motels doon. Bilang Front Desk hindi ko na babanggitin ang pangalan ng motel dahil baka wala ng mag check-in, matagal na ako sa trabaho ko at matagal na din akong nakakakita ng kung anu-anong elemento at hindi lang ako, karamihan ay ang mga guest din. kadalasan ay tuwing GY Shift ako.

*ROOM-CA1*

Dito sa room na ito maraming complain na guest at marami ding nag babackout. kung titingnan mo ang kwarto ay parang wala lang pero kapag nag stay ka ng matagal doon na sila gumagambala. may isang guest nag backout sya dahil hindi pa man sila nakakapasok ng kwarto ay may narinig na silang naliligo sa loob. nung pinuntahan ng roomboy wala naman ibang tao. isang beses may nag 24hours sa kwarto madaling araw nagkakaripas ng takbo patungo sa front desk natutulog daw sila ng may biglang makarinig sila na may umiiyak sa banyo habang nakabukas ang mga gripo. pinuntahan ng roomboy wala naman tao.

*TELEPHONE OPERATOR*

Sa pagiging Front Desk kasama sa trabaho ang pagiging Telephone Operator o Customer Service.
minsan nakakatanggap ako ng tawag ng makukulit na guest at minsan mga kaluluwang nag checheck-in. nakakatawag sila na at umoorder kapag dinala na ang food wala naman tao. at minsan hatinggabi may mga oras na may tumatawag at umiiyak alam kong walang tao sa room gusto ko man itanong kung anong kailangan nya ay hindi maaari dahil ang sabi ng lola ko kapag nagtanong ka daw ng ganon sa kaluluwa ay hinihimok mo sya na lalong lumapit sayo bagkus ipagdasal sila.

*HALLWAY*

Minsan ayaw maglinis ng mga room attendant sa hallway na ito pero no choice sila, madalas daw kasi may mga naririnig silang may naglalakad sa likod nila, sinasabayan ang lakad nila. kapag nilingon nila wala namang tao pero kapag naglakad na sila ulit mararamdaman nilang may tao na sumasabay sa lakad nila.

*SALVAGE ROOM*

Ewan ko ba bakit pinagamit na naman ang dulong kwarto sa second floor na hindi naman dapat dahil nga sa dulong yun ay may namatay sa room na yon. pero bihirang-bihira lang ipagamit yung kwarto na yon sa mga medyo bata pang nag checheckin na nakainom madalas. may nagpakamatay kasi na magkasintahan don sa kwarto na yon sabay sila nagbaril sa ulo. malas daw talaga ang room na may 13 pero dito sa hotel na to may 13 sila. at doon nagpatiwakal ang magkasintahan.

*ALAY*

Napansin ko sa may ari ng motel na ito kada buwan ay nag-aalay sila, kanino? hindi ko din alam. nakita ko na may hawak siyang papel at tumatakbo sa bawat sulok ng kwarto at nagba-bow. medyo weird sa akin yun dahil hindi ko alam kung kanino sya nag aalay at para saan. mailap ang may-ari ng motel na ito kung may sasabihin ka sa kanya sa sekretarya niya ikaw magsabi. sabi nila illuminati daw ang may ari ng motel na ito! hindi ako masyado naniniwala pero may mga nagpatunay na.

Marami talagang bagay sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng kahit sino man. ako man minsan ay naguguluhan, natatakot parin paminsan-minsan.
sana ay maipost ang kwento kong ito!

DINA
Manila

Scary Stories 2Where stories live. Discover now