Chapter 2

15.2K 235 10
                                    

CHAPTER TWO

"ZAN, bakit ngayon ka lang?"

Iyon ang bungad sa kanya ng matalik na kaibigan niyang si Alyssa pagpasok niya sa kwarto kung saan makikita ang mga sari-saring kagamitan sa pagpapaganda nila sa mga modelo. Malaki ang hair and make-up salon sa loob ng TMA. Marami rin ang mga make-up artist kagaya ni Alyssa at mga hair stylist na kasama niya na nagtatrabaho roon.

Doon sila nagkakilala ni Alyssa at kalaunan ay naging matalik na kaibigan niya. Magka-edad lamang sila nito. Parehas silang twenty-seven.

Ibinaba niya ang kanyang bag sa upuan at hinarap ang kaibigan. "Naku. Mahabang kwento kung bakit ako na-late. Mamaya ko na lang sasabihin sayo." sagot niya rito.

"Kanina ka pa hinahanap ni ma'am Michelle" Ang tinutukoy nito ay ang may-ari ng TMA. May kakambal si ma'am Michelle na lalaki na kasama nitong nagpapatakbo sa agency. Kaya iyon tinawag na Twin's Modeling Agency.

"Bakit raw?" takang tanong niya. Mabait ang may-ari ng TMA sa kanilang mga empleyado. Parang kaibigan ang turing sa lahat ng empleyado sa TMA. Ni minsan ay hindi niya naramdaman na alangan siya dahil mayayaman ang mga nagtatrabaho sa TMA. Pero nagtataka siya kung bakit hinahanap siya nito.

"May sasabihin daw siya sayo. Pero babalik naman siya mamaya. May pinuntaha lang daw siya."

"Ganun ba? Kung ganoon anong gagawin natin ngayon? Na-miss ko itong kwartong ito." Inilibot niya ang pangingin sa paligid. "Lalo na ang malaking salamin na ito," turo niya sa harapan.

Tinignan niya si Alyssa na matamang nakatingin sa kanya. "Bakit?" takang tanong niya rito.

"Ayos ka na ba?" ramdam niya ang pag-aalala sa tinig nito.

Ngumiti siya rito. Ikinwento niya rito nang minsang dalawin siya nito sa apartment niya ang tunay na dahilan kung bakit nag-leave siya sa trabaho. Hindi ito naniwala na may sakit nga siya kaya nang puntahan siya nito ay sinabi niya ang totoo. Naintindihan siya at nakisimpatya ito sa kanya. Nagpapasalamat siya at may kaibigan siyang kagaya ni Alyssa.

"Oo naman. Ayos na ayos na ako. Tama ka naman sa sinabi mo sa akin. Bata pa naman ako at marami pa akong makikilalang lalaki sa buhay ko. I know in time this hatred and pain will get lost. I just need more time. Sa ngayon kailangan ko munang harapin ang trabaho ko. Para may pagkaabalahan ako at 'di ko maalala ang sakit. Marami namang nagmamahal sa akin. Nandiyan ang pamilya ko. Siyempre nandiyan ka," nakangiting niyakap niya rito.

Natatawang gumanti ito ng yakap. "Basta best friend kapag may problema ka nandito lang ako palagi. Kapag may nanakit sayo, uumbagin ko siya." Natawa siya sa biro nito. "Maganda ka Zan. You don't deserve to be treated that way. You deserve pure love." Kumalas ito sa kanya at ngintian siya.

"Palagi kong tatandaan 'yan best friend."

"Ay! Hindi dapat kita dina-dramahan. I think you need a distraction. Ang mas maganda nating gawin ay mag-hunting ng mga gwapong nilalang dito sa loob ng TMA. Alam mo naman nandito na ang limang machong nilalang sa TMA. Simula ng dumating sila rito lalo akong sinipag na magtrabaho. Shit! Kinikilig talaga ako kapag nasisilayan ko ang limang iyon. Lalo na ng minsang ako ang mag-make-up kay Josh. Grabe ang ganda ng dimple. Para akong nag-make-up sa isang anghel na bumaba sa langit. Pero mas crush ko si papa Phi, ang ganda-ganda ng mga mata. Sasali na talaga ako sa PPA or widely known as Papa Phi Association."

Napasimangot siya ng banggitin nito ang pangalan ni Phillip. Crush na crush nito ang bwisit na lalaking iyon. Doon niya nakilala si Phillip. Unang tapak nito sa TMA ay hindi na maganda ang pakikitungo niya rito. She remembered their first meeting. Noon din ang unang araw ni Phillip sa TMA. Kung saan ay nagmamadali itong sumakay sa elevator dala ang inumin nito. Nagmamadali rin siya dahil pinatatawag siya ng boss nila sa kanilang department. Sa kaniyang labis na pagmamadali ay nabangga niya si Phillip na dahilan kung bakit tumilapon sa kanya ang hawak nitong inumin. Marahil sa labis ring gulat nito ay mabilis na pinunasan nito ng kamay ang nabasang blusa niya. Ngunit hindi sinasadyang nahawakan nito ang dibdib niya. Dahil doon ay suntok ang inabot nito sa kanya. Nagulat lamang siya kaya niya nagawa iyon. Labis din siyang nagsisi ng malaman niyang ito ang isa sa mga bagong modelo nila sa TMA. Kuntodo ang hingi niya ng dispensa sa nagawa. Simula niyon ang kalbaryo niya sa mga pang-aasar ni Phillip sa kanya.

Let Me Be Your Only One (COMPLETED)Where stories live. Discover now