Chapter Sixteen: After Three Years (Part 2)

190 87 3
                                    

Add nyo na rin ako sa Aking Real Facebook Account search nyo lang Kierby Deonila isang Boy Wattpader!! :D o kaya Click this Link na lang: https://www.facebook.com/keeiidii


Dedicated itong Chapter na ito kay @reaperbase dahil sya ang uanng nagcomment.. actually dalawa lang silang nagcomment.. hahaha. dahil minessage mo ako na binabasa mo yung story ko ikaw na ang may dedication.. Salamat sa pagbabasa ng Story ko sana wag kang magsawa,,


GUYS WAG MAHIYA. MAG VOTE TAYO O KAYA NAMAN MAGCOMMENT KAHIT NA TULDOK PARA NAMAN ALAM KO KUNG MAY NAGBABASA PA BA NITO. TSK TSK TSK. WALA NA ATANG NAGBABASA EH..


O Sya Part Two ito nung last Update sa side naman tayo ni Francine..



Chapter Sixteen: After Three Years (Part 2)


Francine's POV


"DAMN that alarm clock!" Naiinis na sabi ko.


Pinagdarasal ko na sana ay malusutan ko ang matinding traffic na kinasusuungan ko sa mga sandaling ito!
Pero parang imposible, parang pagong ang usad ng mga sasakyan.



Nagkaroon ng despedida party kagabi para kay Mr. Victorio Dionisio na dating may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Madaling araw na nang matapos ang party. I-s-in-et ko naman ang alarm clock ko nang mas maaga pero ang malas parin hindi ko to narig nung tumunog!


Ipinagbili ni Mr. Dionisio ang restaurant dahil nag-migrate na ang pamilya nito sa Estados Unidos. At nang araw nga na iyon ang nakatakdang flight ng mga ito. Nalulungkot ako at magkakahiwalay na kami. Napalapit na rin kasi ako rito pati na sa pamilya nya.


Malaki ang utang na loob ko rito. Nagtatrabaho pa ako noon sa isang bangko kasama ang kaibigan kong si Erika bilang teller. Isa sa pinaka importanteng kliyente ng bangkong pinapasukan ko si Mr. Dionisio.


Kilala na ito ng lahat ng mga empleyado sa bangko.


Pauwi na ako noon nang makita kong nahilo si Mr. Dionisio malapit sa kotse nito. Katulong ang Driver nito, isinugod namin ito sa ospital. Nakagaanan ko naman ito ng loob at inalok ako ng trabaho bilang supervisor sa restaurant nito.


Maganda naman ang inialok nitong sweldo sa akin at marami pang benifits. At dahil talagang nabo-bore na ako sa pagiging teller, hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang alok nito.


Napakabait nito kaya naman ibayong sipag at dedikasyon sa trabaho ang isinukli ko. Nang mag-asawa ang anak nitong si Margie na tumatayong manager two years ago, ibinigay ni Mr. Dionisio sa akin ang dating puwesto nang anak nito dahil sa states na ito namalagi. Doon kasi nakabase ang napangasawa nito kaya kinailangan nitong doon na rin manirahan.


Maganda naman ang naging resulta nang pamamahala ko. Lalong nadagdagan ang aming regular customers dahil ako mismo ang kasama sa pag-eestima sa mga ito.


Matagal bago makakita nang tamang buyer si Mr. Dionisio na pumayag na panatilihin lahat ng empleyado at wala ni isa mang matatanggal. At ngayon nga namin makikilala ang bagong may-ari ng restaurant.


And it seemed like I was going to make a bad impression if I wasn't going to get off this traffic first!



Pagka-park na pagka-park ko ng kotse, nagmamadali na akong pumasok sa restaurant. Agad akong sinalubong ni Minnie, ang sking secretary.


"Francine!, at last you came," parang nabunutan nang tinik sa lalamunan na bungad nito sa akin.


Hindi ako nito tinatawag na "Ma'am" dahil na rin sa kagustuhan ko. Ang closeness namin ang isa pa sa mga dahilan.


"Kanina pa ba naghihintay ang may-ari?" Tanong ko.


"Yes, at every two minutes, eh tinatanong nya ko kung dumating ka na ba raw. Mukhang Istrikto at masungit ang bago nating among si Mr. LEE."


Lee? Sa twing may maririnig akong nagngangalang Lee ay hindi ko maiwasan ang kabahan.


Sa bangko na dati kong pinapasukan, Lee rin ang apelyidong branch manager namin.


"All right Minnie, pakidala na lang itong gamit ko sa office ko. Didiresto na ako sa Office ni Mr. LEE."


I Knocked thrice before I heard a voice telling me to come in.


Nakatalikod ang lalaking nabungaran ko.


Matangkad ito at maganda ang tindig. Likod pa lang ay alam ko nang bata pa at matikas ito.


I thought Mr. Lee was of the same age as Mr. Dionisio, but the man was a lot younger for me.


"Good Morning, Mr. Lee. I'm sorry I was Late," sabi ko.


"Mr. Dionisio spoke highly of you, Competent, punctual, responsible. Now I'm beginning to doubt his words." Nakatalikod paring sabi nito sa akin.


His Voice.......... Sounds familiar.



"Lost your tongue, Miss Dela Fuente?" Sabi nito, sabay harap sa akin.




At nung tuluyan ko nang makita ang mukha nya..................










....................................END OF CHAPTER SIXTEEN PART TWO





A/N
Bitinin ko lang kayo guys hahahahhahahahahahaha sorry sa sobrang ikling update. Wala eh wala nang nagbabasa at nagvovote sa story ko kaya parang nawawalan ako nang gana.! Tsk tsk tsk.


Sino kaya yung bagong may-ari nang restaurant!? Hahaha obvious naman nadiba readers!? Binitin ko lang talaga kayo hahahaha.

Official Hashtag: #LESSLoveMOREHate
#keeiidii

Yun lang see yah sa next update!

LESS Love, MORE Hate (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora