TCHB: Chapter 33

1.6K 61 15
                                    

NATHAN'S POV

Naglalakad kami ngayon papunta kila Avery. Ang sabi niya kasi eh konting lakad na lang at makakarating na kami sa ampunan na tinitirahan nila pero kalahating oras na ata kaming naglalakad pero wala pa rin kami sa destinasyon namin.

Alam niyo, feeling ko talaga eh nililigaw kami ni Avery para di na kami makabalik sa Manila. Sayang naman kung sa Cebu ko lang maibabahagi ang kagwapuhan ko hahaha joke!

"Dude, malapit na ba tayo?"tanong ni Kyle sa akin na nasa tabi ko lang

"I don't know. Mukha bang alam ko kung nasaan tayo ngayon?"taas kilay kong tanong sa kanya

Hindi siya sumagot pero inirapan niya ko. Aba! Ang arte ng luko na 'to. Siya na nga 'tong nagtatanong dyan tapos siya pa ang may ganang mang-irap. Dapat nga ako yung nang-irap sa kanya eh hahaha lol.

"Sa tingin mo ba nag-away ulit sila? Kanina pa kasi sila hindi nag-uusap."bulong ko kay Kyle

"I don't think so. This is not the right time para magkaroon sila ng away. Sa palagay ko eh hinahayaan niya na makapag-isip isip ngayon si Avery dahil sa nangyari sa nanay niya."bulong sa akin ni Kyle kaya naman napatango na lang ako

Napatingin ako kay Avery at Zero na tahimik lang na naglalakad. Pati sa byahe namin eh tahimik lang din silang dalawa. Kapag tinitignan ko sila eh laging nakatingin si Avery sa kawalan habang si Zero naman eh nakatingin sa kanya na para bang nag-aalala.

Nakwento na sa amin ni Zero ang nangyari kaya kahit alam namin ni Kyle na imposible eh pilit pa rin naming pinapangiti si Avery kanina kahit konti lang. Nginingitian at binibiro niya kami pero hindi naman talaga siya mukhang masaya. Kitang kita ko talaga ang lungkot sa mga mata niya ngayon. Ang tamlay tamlay niya. Hindi siya yung Avery na nakilala naming masayahin at mukhang walang problema sa buhay.

"Aray!"daing namin ni Kyle nang bumangga kami sa bato--eh este sa likod pala ni Zero

Sh*t! Ang tigas naman. Muntik nang mabangasan ang gwapo kong mukha. Akala ko nabunggo na ko sa higanteng bato eh. Bakit ba kasi bigla biglang tumitigil 'tong si Zero?!

"Nandito na tayo."mahinang sabi ni Avery at nginitian niya kami ng konti

Napatigil kami ni Kyle sa paghimas sa noo naming tumama sa likod ni Zero at tumingala kaming dalawa. Nasa tapat kami ng isang malaking gate. Puro halaman din sa loob na para bang nagsisilbi bilang isang garden dito sa ampunan. May mga batang naglalaro sa loob at may ilang madre din akong nakikita. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kaganda sa ampunan.

Napahawak kami ni Kyle sa gate at sa palagay ko eh mukha kaming preso dito na gustong gusto ng makalaya. Joke! Ang gwapo ko namang kriminal. Siguro makukulong ako sa salang pagiging sobrang gwapo.

"Mother Superior!"sigaw ni Avery

Unang napatingin yung isang madre na sa palagay ko eh nasa edad 60 pataas na pero tumingin din yung ibang madre na mukhang mas matanda lang sa amin ng kaunti. Nyek! Sino yung tinawag ni Avery sa kanila? Teka, baka naman silang lahat talaga yung tinawag ni Avery? Ayy ewan! Naguguluhan na ko.

"Ate Avery!"

Napatingin na rin yung mga bata dito sa gate. Nung una eh mukhang nagulat pa sila nang makita kami--eh este si Avery lang pala pero kami pa ata ang nagulat dahil mas nauna pang lumapit dito yung mga bata kesa dun sa mga madre hahaha!

"Mga bata, dahan dahan lang. Baka matumba kayo."saway nung madre na unang tumingin kay Avery kanina

Nakangiti si Avery sa mga bata habang niyayakap siya ng mga 'to. Pakiramdam ko eh maiiyak na si Avery pero pinipigilan lang niya. Hindi ko alam kung naiiyak ba siya dahil malungkot siya o naiiyak siya kasi masaya siya na nakauwi na ulit siya dito sa Cebu.

Their Cold-Hearted Brother [ On-going ]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora