Chapter 16

1.1K 54 4
                                    

PAALALA:
Ang NEXT UPDATE po nito ay SPG kaya i-private ko. Sa mga hindi ko pa po follower at gustong mabasa ng kompleto ang lahat ng parts kasama ang mga private parts, pakialis muna po ninyo sa library ang story na ito. Saka niyo po ako i-follow, then refresh your library 2-3 times. Tapos saka niyo po ilagay ulit sa library ang story na ito. Para po mag-update sa inyo ang mga naka-private parts.
Maraming salamat.

PABILING-BILING sa kama si Xeen. Nakikita niya sa kanyang panaginip sina Zayleigh, Simone, Caiorroa at Vymerra na abala sa pagsasanay sa kanya-kanyang sarili.

Sa paningin niya, mas makinang ngayon ang mga pakpak ng mga kaibigan niya. Kakaiba rin ang mga suot ng mga ito: kasuotan ng pandigmaan. Naka-corselet na may kutamaya o armour, may matitibay na safety gear sa mga siko at tuhod maging sa braso at binti. Ang kulay ay katulad sa kung ano ang kulay ng lambana. Katulad ni Zayleigh na kulay luntian at ganoon din ang kasuotan nito. May matitibay na bagin na nakapalamuti sa mga braso at binti. Kung nahahalata man sa aura ng mga ito ang pagiging handa sa anumang laban, hindi pa rin naiwala ang pagiging fashionable. Isang bagay na natural sa mga tulad nilang lambana.

Nakikita niya ang takot sa mukha ng mga ito pero naroroon din ang determinasyon at pilit na pagpapakatatag. Nararamdaman niyang nalalapit na ang pinakamalaking sagupaan sa mundo niya at naririto lang siya, walang pakialam basta nagiging masaya sana mundo ng mga mortal, sa piling ni Ezio.

Parang sinisibat siya ng kanyang konsiyensiya. Ano bang klaseng kaibigan siya at napakamakasarili niya?

“Mas mabuti na hindi ka na muna bumalik, Xeen,” sabi ni Simone.“Diyan ka na muna. Kung sakaling malipol kami rito, may isa pang lahi ng mga lambana na maisasalba. Maipagpapatuloy mo ang lahi natin.”

“Oo nga naman! Humanap ka ng merman na magtatanim sa 'yo ng binhi para dumami ulit tayo.”

“Bakit pa maghahanap? Nandiyan naman si Ezio. Akit na akit sa ganda ng kaibigan natin.”

“Ay! Dapat mo munang asikasuhin ang pagpapaibig sa kanya. Mahirap na. Kahit mataniman ka ng binhi, kung may expiration ka, wala na rin. 'Wag ka munang umuwi dito. Akitin mo muna si Ezio.”

Ramdam at alam ni Xeen na kahit nagbibiro ang mga kaibigan, natatakot ang mga ito. Na para bang inilalagay na ang loob na matatalo at mauubos ang lahi nila. Nasasaktan siya at nagagalit sa sarili dahil wala siyang magawa. Kung bumalik man agad siya doon, baka mawalan din ng saysay dahil mabilis ang oras sa kanila. Baka sa pagtawid pa lang niya ay mamatay na siya.

Ang Gitbutay ay malamang na maglaho rin sakaling maubos ang lahi niya.

“Gusto ko nang umuwi. Baka may maitulong pa ako,” pakiusap niya sa mga ito. “Sabihin n'yo sa akin kung paano magbubukas ang lagusan pabalik diyan.”

“Kapag nasa kamay mo na ang susi ng lagusan, ano mang oras na bukal sa loob mo na bumalik, magbubukas iyon. Malaki na ang nabago sa nilalaman ng Aklat Na Tagapagpatupad. Pati ang oras dito ay bahagya na ding bumagal. At patuloy ang mga pagbabago base sa mga kilos at desisyon ng mga lambana. Lahat ng desisyon, may epekto sa lahat. Kaya maging maingat ka sa desisyon mo, Xeen.”

Halata man ang pag-aalala sa boses ni Simone pero nakangiti ito sa kanya. Nakakaunawa at gustong matunaw ng puso ni Xeen sa concern na nakikita sa mga mata ng mga kaibigan.

Gusto niyang maiyak. At hindi na niya iyon napigilan. Napakasuwerte niyang nagkaroon siya ng mga kaibigan na tulad nila. At gusto niyang makabawi sa mga ito. Gusto na niyang bumalik. Kailangan na niyang makuha ang singsing kay Ezio.

“Xeen... Xeen... Come on, wake up, Xeen!”

Naalimpungatang nagdilat ng mga mata si Xeen nang maramdaman ang pagyugyog ng kung sino sa mga balikat niya. Ang guwapong mukha ni Ezio ang agad na nakita niya sa pagmulat ng mga mata. Masuyo at puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Kasunod niyon ang marahang pagpisil sa kamay niya at pagpahid ng mga luha sa pisngi niya.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now