Chapter 2B

1.4K 69 0
                                    


MASAMA ang tingin ni Xeen sa lalaking tinawag na 'Sir Ezio.' Naroroon na sila sa isa sa mga silid ng yate. Mukhang humulas na ang tama ng alak at maayos na rin ang katawan. Hindi naman yata ito nalunod, eh. Bakit ang bilis ng recovery?

At ang walanghiya, pinagbibintangan siya nitong magnanakaw.

Hayup na 'to! Dapat pala hinayaan na lang niya itong malunod kanina. Gusto na din niyang pagsisihan na binigyan niya ito ng mouth-to-mouth resuscitation. Nakakagigil, eh!

Dapat inuna nalang niyang maghanap ng underwear. Speaking of underwear. Madaming cabinet doon. Baka may mga damit oboxers na pwedeng mahiram. Kahit iyon nalang ang kunin niya bilang bayad nito sa utang na loob sa kanya. 'Yon ay kung marunong itong tumanaw ng utang na loob.

"So? Ano na? Nag-iisip ka pa din ng isasagot?" Nakakunot ang noo na tanong nito. Ang mga mata ay deretso sa mga kamay niyang hindi magkaintindihan sa paghila sa laylayan ng dress.

"Hindi ko nga kasi alam kung bakit dito ako inilabas ng lagusan! Malay kong sa lugar na may aroganteng lalaki pala ako mapupunta?" paangil na sabi niya.

Bigla na lang napunit ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Ezio. Natigilan naman si Xeen. Naalala niya kasi kung gaano kalambot ang mga labing iyon kaninang mapalapat sa kanya. Hindi niya lang masyadong binigyan ng atensyon dahil sa pagkataranta.

Pero totoo nga. Malambot ang mga labi ni Ezio. Gusto niya tuloy maramdaman ulit iyon at i-enjoy. At kapag naramdaman niya ulit, dapat iyong hindi na siya aligaga at natataranta. Para naman ma-discover niya kung ano pa iyong ibang damdamin kapag nahahalikan. Katulad ng sinabi ni Kroen. Iyong nanlalamig, na parang may nagkakarerang mga aliptaptap sa tiyan. At may mga kabayo sa loob ng dibdib. Pero masarap daw sa pakiramdam. Gusto niyang malaman kung totoo nga. Paano naging masarap kung magulong-magulo ang internal system?

Ah, ewan!

"So, you mean, iniregalo ka sa 'kin ng isa sa mga kaibigan ko kaya bigla ka na lang lumitaw dito?" Titig na titig sa kanya si Ezio. Kung makatitig ito, para siyang gustong tunawin.

Gusto niya tuloy maasiwa pero sinaway niya ang sarili.

At ano ba iyong sinasabi nitong kaibigan? Teka! May kaibigan ba itong nakakaalam na may lagusan papunta sa Engkantasya?

Baka nga!

Ibig sabihin, kaya siya dito iniluwa ng lagusan kasi may kaugnayan ang bruhildong ito sa taong may alam tungkol sa mundo nila.

Hinahanapan ng mga mata niya ang katawan ni Ezio ng bagay na puwedeng makapagpatunay na may alam nga ito tungkol sa mundo nila. Huminto ang mga mata niya sa singsing sa hinliliit nito. Korteng dahon iyon, bubot na dahon na palamuti nila sa katawan kapag nasa anyong lambana sila. Bubot na dahon na galing sa Puno Ng Buhay.

Tama! Iyon nga siguro ang nagsilbing susi ng lagusan kaya muling nagbukas. At kaya siya nakatawid.

"O-oo. Oo! Ako nga ang regalo ng kaibigan mo," excited at tuwang-tuwang sagot niya.

Nakita niyang sinenyasan ni Ezio ang crew kanina na nag-aasikaso ng kailangan nito. Mabilis naman iyong umalis sa silid. Kukuha siguro ng pagkain.

Ang lapad na ng ngiti ni Xeen sa sarili. Kung nalaman niya lang kaagad na iyon pala ang paraan para maging maganda ang pakikitungo nito sa kanya, sana kanina pa niya sinabi.

Nakangiting tinapik ni Ezio ang space sa tabi nito sa kama habang nakatitig sa kanya. Para bang sinasabi na maupo siya sa tabi nito. Sumunod naman nga siya. Naupo siya roon at nakangiting hinarap ito.

Enchanted World Of Xeen (SPG-fantasy,Completed-Published)Where stories live. Discover now