Chapter 6: Anong Title ba ang maganda?

Začít od začátku
                                    

"Malinaw pa naman ho."

Kinuhanan siya ng blood sample ni Dr. Roque. Matapos iyon ay ininjectionan siya na, gagamitin daw para sa MRI niya. Mas malinaw daw kasi ang MRI kapag may ganoong injection. Matapos ang kanyang MRI scan ay pinabalik siya sa opisina ni Dr. Roque. "Ok. Lian nakikita mo ba ang straight line sa sahig?" Napansin ni Lian ang kulay red na tape na nakadikit sa sahig. "Pwedeng lumakad ka. Check lang natin ang balance mo." Matiwasay namang nakalakad si Lian sa linyang iyon. Sumunod doon ay ang physical examination.

Isang mahaba at nakakapagod na proseso ang lagi niyang pinagdadaanan sa tuwing magkakaroon ng check-up. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang check-up niya kung saan tamad na tamad siyang gumalaw dahil alam naman niyangwalang patutunguhan ang mga check-up na iyon, ngayon ay parang may kung anong lakas na tumutulak sa kanya na parang sabik na malaman ang resulta ng test. "Ok Mrs. Centeno. Babalik na lang po kayo sa Wednesday para makuha yung full result. Sa ngayon po masasabi ko na hindi naman naapektuhan ng kanyang sakit yung mga senses niya saka yung balance niya. Base rin po sa physical examination, hindi naman kumalat sa ibang parte yung cancer cell." Nangiti si Lian sa narinig mula sa doktor. Nakahinga naman ng maluwag ang kanyang ina. Magandang balita na iyon para sa kanila. Matapos iyon ay umuwi na sila.

.............

Dumating ang hapon ngunit wala pa rin si Shot. Hindi niya alam kung bakit asang asa siya na darating ang binata. Alam naman niyang maraming responsibilidad ang binata sa schol at imposible namang maging priority siya nito gayung bagong kilala lang sila. At isa pa wala naman siyang naidudulot kay Shot.

Naisip niyang pumunta na lamang sa ilog mag-isa. Siguro hindi sa lahat ng panahon ay dapat niyang hintayin ang pagdating ni Shot. Hindi dapat siya mawili na parati na lamang nandoon ang binata para gumaan ang pakiramdam niya. Pero nanghihinayang pa rin siya. Ibabalita pa naman niya dito sana ang initial findings ng doktor.

Pagdating niya sa ilog ay parang dinadalangin niya na naroon na si Shot at nauna na sa kanya, kaya lang ay wala pa rin pala doon ang binata. Gusto sana niyang itext si Shot pero parang hindi naman yata tama na magdemand pa siya na dapat ay nandoon ang binata at isa pa wala pa siyang mobile number ni Shot. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang ginawa ni Lian.

*Hindi kaya nagsawa na siya. Hindi rin naman madaling makisama sa isang tulad ko. Bakit pa ba ako nagugulat na may magtitiyagang makasama pa ako* Wika ni Lian sa kanyang sarili. Hindi niya alam pero nasasaktan siyang isipin na ganoon nga ang ginawa ni Shot.

Gaya ng dati ay hinubad niya ang kanyang tsinelas at ginawang upuan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Akmang tatayo siya at aalis ng marinig niya ang boses ng binata.

"Bakit naman hindi mo ako hinintay. Dinala ko pa naman ang bike." Parang lumilipad ang pakiramdam niya sa tunog pa lang ng boses ni Shot. Lumingon siya at nakita ang binata. Ang mga ngiti ng binatang iyon ang nagpapakalma sa kanya. "May sorpresa ako sa'yo" wika ni Shot. Tipong may sinenyasan si Shot mula sa kalayuan at tinawag palapit sa kanilang lugar.

Malayo pa ay natanaw na ni Lian ang sorpresa ni Shot. Bumagsak ang luha niya ng makitang ito ang kanyang tatlong kaibigan. Kitang kita niyang umiiyak si Mimi habang tumatakbo papunta sa kanyang lugar. Niyakap siya nito ng mahigpit gayundin ang dalawa pa niyang kaibigan.

Halos hinahabol niya ang kanyang paghinga sa bigat na kanyang nararamdaman. "Sorry! Sorry sa lahat! Sorry at kailangan ko pa kayong pagtulakan palayo. Hindi ko gusto yon." Sunod sunod na hingi ng tawad ni Lian sa kanyang mga kaibigan.

"Sorry din at hindi ka namin napuntahan agad, ang akala namin ay kailangan mo ng panahon para makapag-isip isip" paumanhin din ni Trina.

"Tama na nga tong iyakan natin na to. Kuwentuhan niyo naman ako." Sabay pahid ng luha ni Lian. Nagpahid na rin ng luha ang tatlo niyang kaibigan.

Hope in a Bottle (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat