CHAPTER TWENTY FIVE

Start from the beginning
                                    

Hindi ko namalayan na tapos na pala akong mag-linis ng katawan kaya agad din akong lumabas ng banyo. Red na loose shirt at shorts lang ang sinuot ko dahil wala namang nabanggit si Key na aalis kami. Tumingin ako sa wall clock pagkatapos. 11:40 am na din kaya dumiretso ako sa kusina at nagluto ng pancit canton para saming dalawa.

*

Bandang 12:12 ng tanghali nakarating si Key sa bahay. Dirediretso syang pumasok sa bahay namin, pumunta ng kusina, kinuha yung niluto ko, at sumugod sa kwarto ko. Dalawang beses palang syang nakakapunta dito sa bahay pero kung umasta akala mo isang dekada ko na syang kilala. Napailing na lang ako.

Pagkatapos kong isara yung pintuan, sinundan ko sya sa kwarto ko. Nadatnan ko syang nakadapa sa kama ko habang kinakain yung pancit canton.

"Wow Key ha. Ang kapal ng muka, wala manlang 'hi' bago pumasok."- natatawang sabi ko sakanya.

Inirapan naman nya ako tsaka umupo habang tumatawa.

"Oh edi, Hi. Pfft!"- sarkastikong sabi nya sabay kain ulit.

Lumapit ako sa study table ko para kunin yung upuan tsaka pinuwesto yun sa gilid ng kama ko. Nasa paanan kasi ng kama nakapwesto yung study table ko eh. Nung makaupo ako, sumubo din ako ng pancit canton.

"Bakit ka nga ba kasi nandito?"- tanong ko sakanya habang iniscan yung suot nya. Naka-pajama syang pink at shirt na itim. Nakatsinelas lang din sya pero hindi nawala ang itim nyang lipstick na bumagay sa bangs at maputi nyang balat.

Ano bang trip neto? Umalis ba naman ng bahay ng naka-pajamas at tsinelas lang? Pffft!

"May pag-uusapan tayong plano this coming school year."- seryosong sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Pinagsasasabi mo dyang plano Key ha? Kung kasali ka man sa sindikato, parang awa mo na wag mo kong idamay. Mahal ko ang future ko."- sagot ko naman sakanya. Nakakaloka!

Nagulat ako ng bigla nya kong batuhin ng unan sa muka! Sakto sa muka ko talaga! Walanjo!

"Stupid! Do you think sumasama ako sa sindikato? Duh! Sa yaman kong to? Wake up, MJ! Oh my god.."- maarteng sabi nya sabay flip ng hair.

Ngumuso na lang ako tsaka niyakap yung unan na binato nya sa muka ko tsaka sya tiningnan ng masama.

"Nagdecide kasi akong doon sa apartment mo tumir-----"

Hindi pa man natatapos yung sasabihin nya, agad na akong nag-react.

"WHAT?! OMG, NO WAY!!"

"AND WHY THE FUCK N----"- gulat na sabi ni Key

"WAAAAAAAAH!!"- sigaw ko naman

"WHAT THE HE--------"

"Bakit ka doon sa apartment ko titir----- ARAY NAMAN! Nakakadalawa ka na Sean Key Mariano ha!!"- inis na singhal ko sabay ngumuso habang kinukuha yung unan na naglanding na naman sa muka ko.

"Because you're fucking so loud Maxine Jane! I can't even finish my sentence!"- inis naman nyang sagot sakin. Napabuga na lang ako ng hangin tsaka nag-roll eyes.

"Bitch.."- I murmured.

"Yeah, yeah. I know, no need to mention."- nakangising sabi naman nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin and groans in frustration. Hindi talaga sya pumapalya sa pambubwisit sakin!!

"So tulad nga ng sinabi ko kanina, sa apartment mo ako mamamalagi. Because my father said so."

"Oh come on, Mariano. I don't believe you. Hindi nga ako kilala ng ama mo!"

Nagseryoso naman ang itsura nya tsaka ako iniripan. Hays! Bitch!

"Sino namang nagsabing hindi ka makikilala ng dad ko? Duh, he did a background search about you."- paliwanag nya habang nakatingin sakin.

Hell, yeah. Honestly, it creeps me out. Huwaaaaaa!! Stalker ko ang daddy nya! Ewyyyyyyy!!

"But I still don't get it, Key!!! Bakit doon ka sa apartment ko??!"- bugnot na bugnot kong tanong sakanya. Napahilamos na din ako sa muka ko dahil sa inis. Bakit kasi hindi na lang i-direct to the point nitong isang to?!

"Seriously?! Okay, okay fine. Doon ako titira dahil kumukuha pa lang ng condominium ang daddy ko para sakin. Doon na din kasi ako sa manila mag-aaral. Plus, balita ko same school ang papasukan natin."

"What??"- gulat na tanong ko.

"Yup, New Cresent Academy. Exciting, right??!"- nakangiting tanong nya sakin na ikinangiwi ko naman.

"Teka nga, sinusundan mo ko no?! Omg! May mga lahi kayong stalker!!!"

"What the hell?"- dismayadong sabi ni Key ng mawala ang ngiti nya.

Totoo naman eh. Stalker. Kailangan pang doon sa papasukan ko din sha pumasok. Hmp

Make It YoursWhere stories live. Discover now