CHAPTER ELEVEN

5 3 0
                                    

MJ's POV

"Maxine Jane A. De Guzman"- tawag nung dean na magiinterview samin. Omg. This is it!! Ngumiti ako bago tumayo. Nilingon ko si Eliza tsaka tumango. Pumasok ako sa office of the dean ng hindi inaalis yung mga ngiti ko sa labi.

"Goodmorning sir!"- masiglang bati ko atsaka humarap sakanya pagtapos kong isara yung pinto ng office nya. Nawala yung kaba sa dibdib ko nung nagsalita sya. Akala ko kasi masungit sya.
"Goodmorning hija, come and take your seat."- malumanay na sabi nya gamit ang tenor nyang boses. Hindi ko tuloy maiwasang isiping bading sya. Napahagikgik ako sa naisip ko.

"So, your name is Maxine Jane... How do you want to call your name?"- nakangiti nyang sabi.
"MJ na lang po."- nakangiting sagot ko din. Tumango sya atsaka ngumiti ng makahulugan. Bahagya syang tumungo atsaka umayos ng upo.
"By the way, I'm Mr. Michael Dotis. College dean of NCA."
"Nice meeting you Sir Dotis."

FASTFORWARD

Palabas na kami ng campus pero di ko pa din mapigilang mapangiti. Omg!!
"Hoy men. Pwede bang umayos ka? Kanina ka pa lakad-takbo-talon dyan."- reklamo ni Eliza. Nung nilingon ko sya, nakita kong nakakunot ang matataas nyang kilay saakin. Hmp, sungit.
"Pake mo ba."- angal ko.
"Tsk."
"Pano mo ba naging kaibigan tong isip batang nilalang na to baby?"- sabat ni Garrett. Aba! Ako nga di ko iniintriga kung pano sila nagkakilala tapos sya magtatanong? Lakas ng loob neto ah!
"Hoy! Ano bang pake mo? Epal ka eh."- saway ko sakanya habang nakaduro sakanya ang hintuturo ko.
"Wala kang galang! Mas matanda kaya ako sayo ng tatlong taon!"- rebutt nya. Pffft. Itsura neto.
"Eh ano namang pake ko? Tinanong ko ba ha? Palibhasa kase, kayong dalawa ni Eliza, lola't lolo na! WAHAHAHAHAHAHA!"

"Aba't!"- Eliza
"Ah ganon?"- Garrett, tapos may binulong kay Eliza. Owkay. Hindi maganda to...
"HUMANDA KAAAA!"- sabay na sigaw nilang dalawa sakin tsaka naglakad palapit sakin.
"WAAAAAAAH!! TULOOOOOONG!!"- sigaw ko habang tumatakbo palayo sa kanila.

Pagkalabas namin ng NCA, napagdesisyunan naming tatlo na pumunta muna ng park. This time, si Eliza ang manlilibre. Hehehe. Ganun talaga! Kung sino ang pinaka-bata, sya lagi ang dapat ilibre.
"Dito ka na muna beshy ha? Bibili na muna kami ng malalamon mo."- paalam ni Eliza sakin habang nakapulupot sa braso ng kanyang iniirog. Wahaha!
"Sigeeeeeee! (^v^)"
Nung nagsimula na silang maglakad, nilabas ko muna ang cellphone ko. Kahit kasi niloko ako ni Harvey, di ko maiwasang tingnan kung anong balita tungkol sakanya. Syempre! Kasi nga minahal ko yun... Kaya heto ako. Sa timeline nya. Inistalk sya..

'Today is Harvey Mariano's birthday. Help him to celebrate!'

Birthday nya pala ngayon.. Aish, so? Hmp. Scroll down lang ako ng scroll down pati profile picture nya ng biglang nag-lag ang phone ko. Wtfudge?!
-----

Antagal nila Eliza, in fairness ha. Haaaaaaays! Ano ba naman to! Kahit kelan talaga, badtrip tong si ex eh. Tingnan mo, tiningnan ko lang yung bago nyang profile pic nya sa fb, nag-lag na phone ko. Ngayon, kailangan kong i-off tong phone ko!! Malas talagang lalaki yun. May balat sa pwet siguro yun! Hay! Nakakagigil naman oh!

"Miss, upo ka lang. Wag kang masyadong maharot."

Napatingin ako sa gilid ko nang may narinig akong boses. Napaupo ako ng maayos. Kase naman! Sa sobrang inis ko, gumagalaw pala tong upuan na kinauupuan ko dito sa park. Naistorbo ko tuloy tong si kuyang na nag-aayos din ng cellphone. Teka nga, bat ko ba sya tinitingnan?!

[Eh pogi kasi eh...] -Konsensya

Ay anuba! Napailing na lang ako tsaka tumutok sa phone na inaayos ko. Natanggal ko na yung takip at battery ng cellphone ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nilagay ni Kuyang yung sim card nya sa gilid nya, bale katabi ko yung sim. AY ANUBA!! BAKIT BA INIINTINDI KO BA YUN?!

[Eh pogi nga kasi...]- Konsensya

Epal ka konsensya ha. -_- Tatanggalin ko na sana yung sim card ko nang maayos na ang phone ko at ma-stalk ko na si ex nung biglang tumahol yung aso sa tapat ko, tumalsik tuloy yung sim card. Kasabay ng pagtalsik ng sim card, umugong din ang upuan. At ang malupet?! Asan dito ang sim koooo?! Yung sim ni kuya at sim ko magkatabi. Alin ang kukunin ko?! Pareho kami, kung minamalas nga naman oh! Eh etong kuyang to, hindi manlang tumingin at kinuha yung isa sa mga sim tsaka umalis.

Waaaaah! Akin ba tong sim na to? Sure ka kuya ah? Ayon, nagmuka kong baliw na sinundan sya ng tingin habang papalayo sya. Naman! Sana ito yung sim card ko. Yung number ni ex. Huhu.

***

"Eh bakit ba kasi nagkapalit kayo ng sim?"- tanong ni Eliza pagkatapos naming kumain ng pizza. Napabuntong hininga ako atsaka uminom ng soda.
"Yung aso kasi tumahol eh, tumalsik tuloy yung sim ko."- pagpapaliwanag ko. Napangiwi lang si Eliza at Garrett.
"Eh pano na gagawin?"- tanong ni Garrett. Umiling ako. Huhu.
"Ewan... Di ko pa naman memorize yung number ni mama, ni kuya, ni papa... WAAAAAAAAH!!"- naiiyak na talaga ako. Walang fb mama ko eh. Tapos si papa ganun din. Si kuya naman, parang hindi na nagoopen ng fb yun... Ano ba naman toooo!
"Namukaan mo ba yung nakapalitan mo ng sim?"
Nabuhayan ako ng loob sa tanong ni Eliza. Oo nga naman! Buti na lang namukaan ko sya!

"Oo, namukaan ko yung lalaki."

Make It YoursWhere stories live. Discover now