CHAPTER FOUR

13 3 0
                                    


MJ's POV

Nakangiti ako habang nagluluto ng noodles. Eeeeeeh! Ano ba, may boyfriend na ko. Hihi!
"Ipapakilala kita kay Harvey, miyaki."- paalala ko kay Miyaki nung makita ko syang naglakad papunta sakin.

Grabe, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. Haaaays. Ang gwapo kaya ni Harvey. Matangos ang ilong, maputi. Waaaaaa! Kaso... Nawala ang ngiti ko nung maalala ko.

Ex sya ni Yvonne.

Jusko, paano na? Hays! Eh pake ko ba sa ibon na yun? Fuck girl kasi kaya sya iniwan ni Harvey. Hmp. Excited na ko sa mangyayari bukas. Sabi nya, lagi na daw kaming sabay kumain pag breaktime at lunch tapos ihahatid nya ko lagi tuwing uwian. Eeeeeehhhh!!!
"Kinikilig ako miyakiiiiiii!"- tili ko sabay binuhat sya at niyakap. Nagpaikot-ikot pa nga kaming dalawa na parang timang eh. Hehehe.

Pagkaluto nung noodles, naghain na ko agad. Gutom na kasi ako eh. Bago ako umupo, pinaghandaan ko na din ng dog food si miyaki. "Hala miyaki, ubos na food mo. Bili tayo sa saturday." Oo ganito ako tuwing nasa bahay. Walang kausap maliban sa aso ko. Pero okay lang, pinili ko naman to eh, kaya dapat maging masaya ako. Kaso di pa rin maalis sa isip ko sila mama noh. Lablab ko kaya sila. Si kuya kaya? Hays. May asawa na kasi yun kaya malamang, hindi masyadong ieexpose ni author yung kuya ko na yun. Pagtapos kong kumain, nagligpit agad ako tapos dumiretso na ng kwarto. Pagdating namin dun ni miyaki, tinanggal ko agad sa saksakan yung phone ko na naka-charge at nakita ang 5 unread messages ni Harvey. Nangiti ulit ako ng malapad. Nabitawan ko pa nga sa kama si miyaki dahil sa excitement. "Ay sorry, miyaki..."- nagpout ako nung tingnan ako ni miyaki tas medyo lumayo sakin.

From: harvey
Message: nakauwi k na b, love?

From: harvey
Message: kain ka n ha? I love you

From: harvey
Message: uy love. Miss you.

From: harvey
Message: gusto ktang tawagn...

From: harvey
Message: i love you, love.

Napahiga ako sa kama ko habang nasa tapat ng puso ko yung phone ko. Anuba. Ambilis ng tibok ng puso ko. Eeeeeeh!! Muka kong timang na naka-all smile... Teka, rereplyan ko muna sya.

To: harvey
Message: love ba ang tawagan natin? I love u too.

Shems! Kinikilig talaga ako sa boyfriend ko. Hihi! Wala pang ilang minuto nagreply sya at tuloy tuloy na kaming nag-usap hanggang sa antukin kami pareho.

From: harvey
Message: tnx sa oras mo love. Gudnight, sweetdreams. Matulog k ng mahimbing. I love you so much.

To: harvey
Message: goodnight love. I love u too.

--------

Kinabukasan, as usual pinagtitinginan akong muli habang naglalakad ako sa corridor. Malamang trending yung nangyari kahapon saming dalawa ni Yvonne. Akala kasi ng babae na yun na hindi ako papalag porket tatahitahimik ako. Utot nya. -_- Pagdating ko ng room, sinalubong ako ni Eliza. Ang lapad ng ngiti nya. Problema naman nito?

"Woooooow. Ang blooming ha! Kabog yung kwento ah? Ang angas mo. Sayang wala ako dun nung nangyari yun!"- inarte ni Eliza with matching flip pa ng hair. Ngumisi na lang ako at umiling sakanya. Ako pa ba? Hahaha!

Mabilis lang ang oras at breaktime na agad. Yiiiieeeeh!
"Huy! Ano yan bat ganyan ka makangiti dyan!?"- puna ni Eliza sakin.
"Eeeeeeh. Kami na kasi ni Harvey. Ano? Okay lang ba face ko, hm? Hm? Hm?"
"Tsssssh. Wala akong beshy na pangit noh. Congrats! Dalaga ka na! Ayiiiieeeh!"- pagkokomento nya with matching palakpak pa. Haha, adik amp.
"Hmp."- usal ko. Nagpaalam na ko sakanya na hindi ako sasabay sakanya ngayong breaktime at lunch dahil nga sa boyfriend ko. Nag-inarte pa sya pero pumayag din dahil may Garrett naman sya. Nung makalabas ako ng pinto ng room ko, nakita ko na agad si Harvey. Ngumiti ako.

"Hi love. Hindi ako makakasama sayo sa lunch. May meeting kami eh."- sabi nya. Tsk, ang gandang bati naman nun! Kakainis. Dahil sa badtrip ko, tumango na lang ako sakanya tsaka naglakad.
"Uy love, tampo ka? Sorry na. I love you."- pagsuyo nya sakin. "Oo na"- sagot ko kahit medyo nagtatampo pa din ako.

Nakarating kami sa canteen at bumili ng pagkain. Ham sandwich lang binili ko at tubig. At ang kay Harvey? Wala akong pake. Ewan ba! Nagseselos ako kasi wala yung time nya sakin mamaya. Badtrip...
"Kay Eliza na lang ako sasabay. Bye."- paalam ko sakanya at naglakad na palayo.
"Bye. Ingat ha."- sagot naman nya. WTH!? HINDI MANLANG AKO PINIGILAN??! Sa sobrang inis ko, nagdabog ako papuntang fourth floor ng JICA building.

Hindi ganung relationship ang inaasahan ko kay Harvey. Akala ko pag naging boyfriend ko na sya, magiging all the time sweet sya. Feeling ko tuloy wala lang ako sakanya. Hays.
"Oh, akala ko ba sabay kayo ni Harvey?"- boses ni Eliza
"Bakit?"- boses naman ni Garrett. Nakarating na pala ako dito.
"Buti pa si Garrett sweet sayo noh beshy?"- tanong ko at umupo sa tabi nya. Bale, napapagitnaan namin ni Garrett si Eliza.
"Kayo ba ni Harvey?"- tanong naman nito ni Garrett. Di ko sya pinansin.
"Beshy, okay lang yan. Siguro ngayon lang yan, next time okay na."- pangkocomfort ni Eliza sakin. Bumuntong hininga na lang ako at binuksan ang pagkain ko.

"Bahala sya sa buhay nya."

*

Mabilis lang akong kumain ng lunch tas dumiretso ako ng library. Gagawin ko na lang yung final task namin sa MAPEH. Kesa naman isipin ko pa yung walang kwenta kong boyfriend. Tiningnan ko yung phone ko at ni isang text na galing sakanya, wala. Aish! Naiinis lang ako eh. Padabog kong binalik sa bulsa ng skirt ko yung phone ko at nilabas naman sa bag ko lahat ng gagamitin ko para sa mosaic painting ko. Matapos ang 25 minutes, natapos na ko. Nakabuo ako ng heart kaso ang ginamit kong paint red at black pero nangibabaw yung black. Tsk. Ano ba naman to, relate masyado sa puso ko. Kakainis ha. Ayoko namang umulit kaya tumayo na ko at binitbit lahat ng gamit ko para bumalik na sa classroom ko.

Habang naglalakad, iniisip ko yung sitwasyon at nararamdaman ko kay Harvey. Hayyyys, parang gusto ko tuloy syang ibreak...

Make It YoursWhere stories live. Discover now