CHAPTER TWENTY FIVE

9 3 0
                                    

MJ's POV

5 days later...

"Bakit ba kasi pupunta ka pa dito ha?"- inis na tanong ko sa kausap ko sa phone ko.

Wala sila Ate at Kuya para magpunta ng bayan. Nag-withdraw kasi sila ng pera dahil bukas na ang alis namin pabalik ng Manila. Ihahatid muna nila ako sa apartment ko pagtapos didiretso sila ng airport para naman umalis papuntang Korea.

Kasalukuyan naman akong nasa loob ng kwarto habang nagbabasa ng libro. Syempre about love to. Hehehe.

"Bakit parang ayaw mo kong papuntahin ha? Gusto mo bang isumbong kita sa insan ko ha? Wag kang maarte."- mataray namang sagot ni Key. Aba't ang babaeng to! Namblackmail pa!!


Flashback

"Huy, sure ka bang makakaclose ko yun? I mean, masungit kasi na mabait first impression ko dun eh."- kinakabahang tanong ko habang nakaupo sa sofa sa loob ng mansion ng mga Yu.

Alam nyo bang ngangang nganga ako sa ganda ng bahay---este mansyon nila? Parang fairy tale! Pagpasok pa lang ng malaking gate, tatambad agad sayo yung napakalawak na patio. May fountain pa nga eh! May red carpet pa yung diretsong hallway papuntang main entrance. Sa paligid ng hallway punong puno ng mga puno. Grabeeeee! Ang sabi pa ni Key may malaking swimming pool dun sa likod ng bahay. Takteng yan.

"Mabait naman pala para sayo eh. Wag ka ngang umakto ng nega dyan. Hindi naman pati yun nangangain."- sabi ni Key na nakatayo sa harap ko at may kinakalkal sa phone. Ngumuso na lang ako.

Maya-maya dumating yung maid na full outfit! Yung parang sa mga anime! Yumuko pa sya samin! Napatayo tuloy akong bigla. Nag-angat ng ulo si Key tsaka ako tiningnan ng masama. Bwisit na to, ano bang problema neto sakin?

"Tss, wag kang praning dyan MJ."

"Young lady, pababa na po si young master"- magalang na sabi nung maid na nasa mid-30's. Napabuntong hininga ako ng malalim nang yumuko ulit yung maid bago umalis

"Ano ka ba, Key. Mahirap lang ako kaya what do you expect? Napaka-pormal ng maid na yun!"- inis na bulong ko kay Key.

Key just rolled her eyes at me. Sabay naman kaming napalingon ng makarinig kami ng footsteps galing sa main stairs. Kulay puti sya na napaka-lawak na akala mo eh higante ang maglalakad. Bakit ba sobrang laki ng bahay-----ay mansyon nga pala kaya malaki. Stupid, MJ. At waaaaaaaa! Nakita ko na naman si Thunder. Hihihi! Naka-white syang polo sleeves, black pants at leather shoes. Wag nyong sabihin saking pambahay nya lang yan?!

"Omygad Key, crush ko na ata sya..."

End of flashback

Napabuntong hininga na lang ako bago sya sagutin.

"Oo na sige na babae. Pumunta ka na dito ng matigil ka na!"- inis na sabi ko tsaka pinatayan sya ng tawag.

Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago tumayo para mag-ayos ng sarili. Habang naglalakad papuntang banyo, naalala ko na naman si Thunder. Hihihi! Naalala ko kung pano nya ko paupuin nung lunch ng araw ding yun.

Huwaaaaa! Ang gentleman nya. Naglaro din kami nung badminton, inasar pa nga ako ni Key nun dahil na-sprain ang right ankle ko na si Thunder ang nagbigay ng first aid. Isa pang huwaaaaaa dahil ang lambot ng kamay nya, bwisiiiiit!! Ahihi! Ang sweet namin diba? Wahahaha!

Pagkatapos tinuruan nya pa kong magbake ng cookies, oha! Yung time lang na yun, nakita kong tumawa si Thunder. Ang puputi nga ng ipin nya eh! Nung una kasi, maliliit na ngiti lang ang pinapakita nya samin ni Key. Pero nung madapa ako dahil sa natapon ni Key na vanilla extract sa sahig, doon ko lang nakitang tumawa si Thunder. Nakakainlove, huwaaaaaaa!!

Make It YoursWhere stories live. Discover now