Chapter Zero

62 2 2
                                        

"Forest, dapat na nating tigilan 'to. Magagalit sya sa atin. A-ayokong mangyari iyon." Isang maliit na boses ang nagwiwika. Siya at ang kaniyang kasama ay nasa loob ng isang madilim na kwarto na ang tanging nagpapailaw ay ang maliwanag na buwan.

Ngumisi lamang ang lalaki habang hinahaplos ang kaniyang kanyang teddy bear, pero kapansin-pansin na malinis ito.

"Nagbibiro ka yata, Ted. Alalahanin mong ginagawa natin ang lahat nang ito para sa kanya." Nawala ang ngisi sa mukha ng lalaki at napaltan ito ng kalungkutan."A-ayaw kong masaktan s'ya at maging mag-isa tulad ng dati. Mahina pa din sya, Ted. Kailangan n'ya pa din tayo."

"N-ngunit, hinahabol na nila tayo. Hinahanap na tayo ng maraming tao. Lalo s'yang nalalagay sa panganib, Forest. Maari s'yang husgahan ng lahat." Malumanay na sagot sa kan'ya ng tinig.

"Kaya nila tayong hanapin at habulin, pero kailanman ay hinding hindi tayo magpapahuli." Ang malungkot na boses ay muling nabuhayan. "Tandaan mo, Ted. Kailanman ay hindi nila tayo makukuha."

The ChaseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora