OO8

187 14 4
                                    

Uuwi ngayon ang mga magulang ni Minghao at Junhui kaya nag-aayos silang dalawa ngayon sa unit. Si Minghao ang nagaasikaso ng living room, si Junhui naman ang nag-aasikaso ng makakain nila dahil lunch ang dating ng mga magulang nila.

Nagpupunas ngayon si Minghao ng mga furniture dahil matagal na din itong hindi napupunasan. Masyado ng maalikabok, "Tagal na palang hindi nalilinis 'tong putanto." Reklamo niya habang nakatakip sa ilong niya ang isang kamay niya.

Sunod niyang inayos ang bookshelf, nakita niya naman 'yung album na naglalaman ng pictures nila ni Junhui, kinuha niya ito at naupo siya saglit sa sofa. "Luh ang pabebe ni Junhui dito," Natatawang sabi niya sa sarili niya. Natanaw siya ni Junhui, tapos na siya magluto. Kanina pa. Nakatingin lang siya kay Minghao.

Napapangiti siya ng walang dahilan, nakatingin lang siya kay Minghao na busy magtingin ng pictures. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nung nasa likod na siya ay inilagay niya ang baba niya sa balikat ni Minghao, "Ano 'yan?"

Automatic namang nasampal siya ni Minghao, "Ay jusko! Wen Junhui! Wag kasi manggugulat! Tangina." Nilapitan niya ang bestfriend niya na tumatawa pa din kahit napalakas ang sampal niya. Wag kasi ganon, Junhui. Pinapabilis mo tibok ng puso ni Minghao e.

"Sorry na, pero ang epic mo don." Napagisip-isip ni Minghao na dapat tinuluyan na niya ang malakasang pagsampal niya kay Junhui.

"Hayop," Umirap siya at ibinalik ang tingin niya sa photo album. Natawa nalang si Junhui, gustong-gusto niya kasi kapag si napipikon si Minghao. Nagiging cute ito sa paningin niya. Tumabi nalang ito sakanya at sinamahan niya si Minghao.

"Dab pa Hao," Sabi sakanya ni Junhui. Napangiti nalang siya dahil sa picture niyang 'yon.

"Teka nga, tapos ka na bang magluto?" Tanong niya sabay sara ng album. Tumango naman si Junhui.

"Kanina pa," Tumayo naman si Junhui para ligpitin ang natitirang kalat sa living room. Hindi na umimik sa Minghao at tinulungan nalang si Junhui.

Dahil pawis na pawis na si Minghao ay naunan na itong maligo. Antok pa nga ito dahil maaga palang ay gising na siya. Pumasok na siya sa loob ng banyo at binuksan ang shower.

Pagkahawak niya sa may bandang tagiliran niya ay nakaramdam siya ng sakit, at nung tiningnan niya ay nagtaka siya, "Bakit ako may pasa?"

Inaalala naman niya kung saan siya nakakuha ng pasa, "Tumama 'yung braso ko sa table. Napalakas 'yon. Braso naman e, ba't sa tagiliran? Abnoy. Bahala na nga."

Itinuloy na niya ang pagligo niya dahil malapit na rin dumating ang mga magulang nila. Paniguradong magkakagulo na naman. Paniguradong aasarin na naman sila.

"Minghao! Nag-text sakin si Papa, malapit na daw sila dito!" Nataranta naman siya kaya nasilam ang mata niya, malapit na daw pala e. Nung natapos siya sa paliligo e dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Basang-basa pa ang buhok niya. Muntik pa madulas.

Simple lang naman ang suot niya, nag-blower ng mabilisan, konting ayos ng buhok at lumabas na din siya. Tinulungan niya si Junhui na maghanda ng makakain, "Nasaan na daw?" Tanong niya habang nilalapag ang mga putaheng niluto ni Junhui.

"Nandito na daw," Sabi sakanya nito habang tinitingnan ang phone. Sa malamang ay nagtext kay Junhui ang mga 'yon. Excited naman si Minghao na makita ulit niya ang magulang niya at magulang ni Junhui.

Ma nag-doorbell, "Sila na 'yan." Pumunta na sila ni Junhui sa pinto. Sumalubong sakanila ang mga ngiti ng mga magulang nila. "Pasok po," Pumasok naman sila sa unit na binili nila para sa dalawa.

My I | junhaoWhere stories live. Discover now