5

20 2 1
                                    

Eris' POV

This is one of the best day everrrr! Nakakatuwa kasi ang masayang kasama si Stein tapos ang gentleman pa. Feeling ko,babaeng-babae ako kanina dahil ganoon ang trato nya sa akin. Hahaha. But still,hindi ko pa rin maintindihan si Xien kung bakit ayaw nya akong lumapit kay Stein. Psh. Kung papipiliin nga ako sa kanilang dalawa,I will choose Stein. Lagi kasi akong inaaway ni Xien e. Hahahaha. Pero--thankful pa rin ako sa kanya dahil nag-exist ako sa mundong 'to.

Paano kaya kung may biglang sumaping anghel kay Xien tapos maging ganito sya kabait sakin? Juskooo! Pano ba naman kasi,hindi ko talaga magets yun minsan. Ang gulo masyado ng ugali e.

"Mind to share your thoughts?" Pambabasag ni Stein ng katahimikan. Haaayyyy Lord! Bakit may nilalang na kagaya nyaaaa? Ang gwapo gwapo na,gentleman pa.

"Ah...iniisip ko lang kung bakit parang sobrang bait mo naman yata." Pareho kaming napangiti nang dahil sa sinabi ko. He stretched his arm then ginulo ang kulay pink kong buhok.

Wow ha! Ano ako? Aso? Napatingin tuloy yung ibang tao dito sa parking lot nitong mall. Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa cafeteria ay nagpasama sya sa akin dito. Noong una,ayaw ko kasi syempre,alangan naman na sya lang ang may bibilhin diba? Hahahaha. Pero wag na daw akong mag-alala kasi libre nya naman daw. So ayun,ang ending,sumama na rin ako. Palalagpasin ko pa ba naman ang pagkakataon?

"Uhm,Eris may gusto ka pa bang puntahan? Maaga pa naman e,at saka ihahatid din naman kita." Such a gentleman talagaaaa. Pero...may gusto pa nga ba akong puntahan sa ganitong oras? Ah! Alam ko na.

"Okay lang ba sayo kung tumambay muna tayo sa park? Marami kasing puno doon kaya sariwa ang hangin." Medyo nahihiyang tanong ko. E paano ba naman kasi,sa tagal naming magkasama ngayon,idagdag nyo pa yung ngayon lang din kami nagkakilala parati nya akong tinatanong kung anong gusto ko,kung saan ko gustong pumunta,and such. Kapag naman sinabi kong bahala na sya kung saan at ano ay mamimilit pa rin so yeah. Eto na nga,kakapalan ko na ulit ang mukha ko ngayon na magrequest.

Bihira ko naman 'tong magawa kapag si Xien ang kasama ko. Boss ko daw sya e. Arte.

"Okay na okay syempre. Ikaw ang may sabi e. Para narin makapagrelax tayo kasi kanina pa tayong paikot-ikot." Diretso ang tingin nya sa daan pero nakangiti pa rin sya. Pansin ko lang,ang hilig palang ngumiti ng isang 'to? Hahahaha. Kanina pa syang ngiti nang ngiti e. Hindi ba nangangalay ang panga nya?

Lalo naman syang gumagwapo kapag ngumingiti e. Huehehe.

"We're here." Oh~hindi ko na namalayan na nandito na pala kami. Sabagay,hindi naman 'to masyadong malayo sa pinuntahan naming mall e.

Bubuksan ko na sana ang pinto para maunang bumaba pero mabilis syang lumabas para pagbuksan ako ng pinto at alalayang lumabas. Haaayyyy~ ambait nya talaga. Hindi ako sanay sa ganito e. Nahihiya na naman tuloy ako.

Naglakad-lakad muna kami ng ilang sandali bago napagpasyahang umupo sa di kalayuang bench.

"Let's stay here for a while. Medyo malamig ang hangin dito,nakakagaan lalo ng pakiramdam." Malumanay na sabi ko.

Sa pagkakataong ito ay tanging paggalaw lamang ng mga dahon sa puno ang maririnig. Isama na ang mahinang usapan ng bilang na tao sa paligid at huni ng kuliglig.

Medyo awkward sakin ang atmosphere dahil ngayon nga lang kami nagkakilala tapos parang wala lang sa kanya. Kung umasta kasi si Stein simula kanina ay parang matagal na nya akong kilala. Yun bang parang alam na nya kung ano yung mga gusto ko tapos tinatanong nya lang ako para makasigurado. Hindi naman sa pagiging assuming pero ewan,ganon talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan.

"Thank you." Napalingon ako nang may halong pagtataka kay Stein. Ngumiti naman agad sya sa akin.

"For what?"

"For accepting me as your friend." I smiled when I heard his answer. Dapat nga ako pa ang mas magpasalamat e,sobrang bait nya kasi talaga sa akin.

"Sus,wala 'yon. Pero,thanks din dahil nagkaroon ako ng kaibigan na mabait gaya mo." Mas lalo namang lumapad ang ngiti nya kaya mas napangiti na rin ako. Nakakadala e.

Matapos ang maikling usapan na iyon ay muli na naman kaming binalot ng katahimikan. Pagabi na nang pagabi kaya lumalamig na rin ang paligid.

"Hey,are you cold?" Bigla nyang tanong at...hinawakan ang kamay ko!

OH.MY.GOD.

Napatayo ako at sinubukang hilahin ang kamay ko pabalik pero tumayo na rin sya at mas hinigpitan pa ang hawak dito. Lalo akong nanlamig sa ginagawa nya.

Anyare na? Okay,so...how to react?

"Let's stay like this just for a minute,please? Friendly holding hands lang 'to. May naalala lang ako bigla." Paliwanag nya. Hindi naman ako lalo nakagalaw at tiningnan lang sya ng diretso sa mata. Parang ang lungkot lungkot nya pero nakikita pa rin ang kaunting saya. I don't know but...I feel comfortable with him now.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may lumapit sa kinatatayuan namin ni Stein. Hindi agad ako lumingon kasi lutang ako pero agad ding nawala iyon nang...

"Eris?" Omayghad. I-is that...is that m-my creator? Did he just called me by my name?

Sheeeet! First time 'yon. Magpapaparty na ba ako?

Pero sa aura nya ngayon parang hindi pa ito yung time para magpaparty ako.

"X-Xien,anong g-ginagawa mo rito?" Nauutal na sabi ko sa kanya. Shems. Iba ang aura nya ngayon ah! Hindi ko pa sya nakikitang ganyan.

"Oh! Hi there,Xien." Hindi naman sa pang-aano pero parang nang-aasar yung tono ni Stein. O ako lang ang nakapansin?

Hindi naman iyon pinansin ni Xien at tumingin lang bigla sa gawi kung saan magkahawak pa rin kami ng kamay ni Stein.

Magkahawak pa rin pala kami ng kamay! Hindi ko namalayan.

"Let's go." Malamig na sabi nya at agad akong hinila palayo kay Stein. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Hinigit nya ako hanggang makarating kami sa harap ng kotse nya at agad syang sumakay. Hindi man lang ako pinapansin. Psh.

Pinaandar nya lang ang kotse nya at itinigil ito sa likod na bahagi ng park kung saan kakaunti ang tao saka bumaba. Ano ba yaaaaannnn!

Ano ba talagang nangyari sa kanila ni Stein noon at parang ang laki ng galit nila sa isa't isa?

Dear CreatorWhere stories live. Discover now