Prologue

10 5 3
                                    

I'm Daniella C. Ricafranca, 19 years old.

Ang tingin sa akin ng iba, isang malanding babae.

Flirt
Easy to get
Haliparot

Mga ilan lamang sa mga bansag sa akin sa unibersidad na pinapasukan ko.

Halos ginawaan pa nga ako ng record ng iba.

Ex boyfriends: 20 at ang sampu daw doon ay nagalaw na ako.

I admit, 20 nga ang naging ex boyfriend ko. Pero ang hindi ko tanggap ay ang akusahan akong hindi na daw virgin at sampu na ang nakagalaw.

Proud ako sa sarili ko because yes, I'm virgin.

Last boyfriend ko ay noong grade 12 ako. At na-encounter ko ang isang pangyayaring kailanman ay hindi ko inasahan.

Nang mag-break kami ng last boyfriend ko, isinumpa kong magkasakit silang lahat sa puso. Para alam nila ang sakit, sa tuwing sinasaktan nila ang puso ko.

Pero mali, ang sarili kong sumpa ang siyang nagpapahirap sa buhay ko ngayon.

Allergic ako sa mga kalalakihan.

At everytime na madikit lang ako sa lalaki, ay sumasakit ng literal ang puso ko. At kapag naman kumausap ako ng isang lalaki, doble ang sakit na para bang hindi na ako makahinga at anytime ay sasabog ang puso ko.

Hindi ko akalaing sa akin mangyayari ang sumpa. Isa nga ba itong sumpa? O isang senyales na kung hindi na ako magmamahal, ay hindi na ako masasaktan...

________________________________________

Hello! Hopefully, maging successful itong story ko. Para ito sa lahat ng PH armys hehehe pero kahit di ka pilipino basta knows ang tagalog why not hehe sana po ay suportahan niyo! Maraming salamat.

~kookieness~

Her 21st (BTS fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon