Chapter 27 : Traitor

16.6K 455 11
                                    


ZACHARY'S POV

Dahil sa gulat at takot ko para kay Emily ay na-deactivate ko ang invisibility ko. Hindi ko suot ang hood ng itim na cloak ko kaya tumalikod ako from them at isinuklob ko ito sa ulo ko, pero huli na...

"Z-Zachary? B-bakit..." Sabi ni Emily, gulat na gulat na siya... takot sa mangyayari sakanya kapag kinuha ang kapangyarihan niya, at gulat dahil sa nandito ako.

Natatakot ako... una, dahil kay Emily. Kapag nawalan siya ng kapangyarihan ay may possibility na mamatay siya, at kung kayanin niya man yun at hindi mamatay, she'll still be powerless at hindi na siya makakatira pa dito sa Magic school o sa Magic world. Pangalawa, natatakot ako dahil... iisipin ni Emily na traydor ako. I- I'm sorry... I'm sorry Emily...

"Z-Zachary... bakit... bakit n-nandito ka?" Tanong ni Emily sakin. Nauutal siya dahil pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak niya.

"Hayys ... alam niyo naman siguro na ayaw ko ng drama 'di ba? Aalis na ako." Sabi ng Hari sa amin. Bago naglakad palabas, huminto naman siya ulit.

"There's no turning back, Emily... nandito ka sa kaharian ko at gusto ko ang lahat ng kapangyarihan mo." Sabi ng Hari kay Emily bago tuluyang umalis. Napa-upo naman sa sahig si Emily, tuluyan na siyang umiyak. I'm sorry... I'm sorry Emily. Tumingin naman si Emily sakin, nakaharap na ako ngayon sakanya.

"Z-Zachary... traydor ka." Sabi ni Emily sakin. Parang sinaksaksak ng maraming daggers ang puso ko ngayon. Ang sakit... sobra. She wiped her tears at tumayo. Umalis na siya... I'm sorry, Emily...

EMILY'S POV

Hindi ko inaakala na makikita ko si Zachary dito, wearing a black cloak. How could he... how could he betray his friends and everyone at school like this? How could he do this to us!? We trusted him, we became a good friend to him but what is this? He betrayed us... he's a traitor! 

Also, yung mom ko kanina... bakit ganun siya? Bakit parang hindi siya? After ko siyang i-embrace, agad na umalis siya without even saying a thing to me. Gusto ring kunin ng Hari ang lahat ng kapangyarihan ko. Kapag kinuha niya ang kapangyarihan ko, it's either I die, or I survive without any magic left in me. So even if I survive, hindi na ako pwedeng pumunta sa Emerald Academy, why? Wala na akong magic.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room ko. Ang dilim dito... it's all black and grey, nakakatakot. Pagkapasok ko sa room ko ay dumeretso ako sa bintana. May malaking black curtain na humaharang dito kaya tinabig ko yun. I looked at the boring view outside... the trees are all grey, they're all leafless. The flowers are all black and their leaves are grey. The skies are grey, the grasses are grey... everything's grey and black around here.

Napagpasyahan ko na matulog nalang. Inaantok narin ako eh... humiga na ako sa kama ko. Well, hindi pa ako masyadong sanay dito. Naninibago pa ako... tinignan ko yung wrist watch ko. 3:40 am na pala!?

BERNARD'S POV

It's already 3:40 am. Wala pa akong tulog... napagpasyahan ko nalang na maligo na dahil mamayang 4:15 am kami magkikita-kita ni Mr. Kim sa likod ng school building. Sana mahanap namin kaagad si Emily... I'm getting really worried for her. Sana safe lang siya, sana walang gawing masama kay Emily ang mga enemies... pero imposible yun... kailangan naming mahanap si Emily kaagad.

Emerald Academy : School of Magic [COMPLETED] Where stories live. Discover now