My Fake Wife
By: CatchMe
Chapter 19
PANAY ang tingin ni Carmilo sa suot na wrist watch. Hindi na yata siya mapakali sa kanyang kinauupuan dahil sa bagal ng takbo ng oras.
Nasa kalagitnaan siya ng meeting kasama ang mga board of directors ng hotel at pakiramdam niya ay nabuburo na siya sa sobrang tagal matapos ng kanilang meeting.
Damn! Ano bang nangyari sa akin?,lihim na mura niya sa sarili.
Kanina pa magulo ang kanyang utak simula nang makita niya ang hubo't hubad na katawan ni Izabelle kaninang umaga sa kanilang kwarto.
Napahugot siya nang malalim na hininga nang maalala na naman ang kanyang nakita.
Hindi niya inaasahang makita ang katawan ng dalaga. He was shocked nang tumambad sa kanya ang perpektong hugis ng katawan nito. Ang maputi at makinis na balat nitong tila nakakasilaw sa kanyang mga mata ay hindi maalis sa kanyang utak. Lalong-lalo na ang...
Shit! I'm crazy, muling sambit ng binata sa sarili.
"What do you think, Mr. President?"
Naagaw ang pansin niya ng isa sa mga Board of Directors ay nagsasalita sa kanyang harapan.
Lumilipad na naman ang isip niya at hindi na siya nakikinig sa kanilang meeting. Parang hindi na siya ang dating Carmilo Calsado na dati-rati ay ayaw na ayaw niyang may nami-missed na importanteng bagay na kanilang pinag-uusapan tuwing may meeting.
Pero ngayon, first time yatang lumipad ang kanyang utak dahil lamang sa hubad na katawang kanyang nakita kaninang umaga.
"Well-" naputol ang sasabihin sana niya nang biglang mag ring ang kanyang cellphone.
Inis niya iyong kinuha at tiningnan kong sino ang tumatawag. Nang makitang ang pangalan ni Izabelle ang lumabas ay pinindot niya ang cancel button. Sandali siyang natahimik na nakatitig lamang sa kanyang cellphone. 'Tsaka lang siya muling nagsalita nang marinig ang pagtikhim ng isa sa mga Board of Directors na nasa kanyang tabi.
"Well, kailangan muna nating matyagang mabuti kung tama bang magdagdag tayo ng isa pang branch sa---" muling naputol ang pagsasalita niya nang marinig naman ang message alert tone ng kanyang cellphone.
Napilitan na naman siyang tingnan kung sino ang nang-iistorbo sa kanya sa kalagitnaan ng kanilang meeting at muling binaba ang cellphone nang malamang si Izabelle na naman ang sender niyon.
Magsasalita na sana ulit siya nang magbago ang kanyang isip. Muli niyang kinuha ang kanyang cellphone at binalingan ang lahat.
"We'll talk about this tomorrow," aniya at agad na tumayo palabas ng conference room.
Naiwan namang nagtataka at nagtitinginan ang mga board of directors sa inakto ng kanilang presidente.
"HINDI mo ba alam na nasa kalagitnaan ako ng meeting nang tumawag ka!" singhal agad ni Carmilo nang sagutin ng dalagang nasa kabilang linya ang kanyang return call.
"Kasi, maleletchon na yata ako dito sa bahay 'eh. Ang Mommy mo ang daming tanong. Natatakot na ako at baka madulas na naman ang dila ko at mabuking na tayo."
"Bullshit! Sa galing mong magsinungaling ay natatakot ka pang mabuking?"
"Grabe ka naman! Ngayon lang naman ako nagsinungaling 'ah! 'Tsaka, hindi talaga-"
"Stop that crap! Mag dahilan ka nalang na masama ang pakiramdam mo at magkulong ka sa kwarto," agaw niya sa sasabihin pa sana nito at napaupo sa kanyang swivel chair.
"Nasa kwarto na nga ako. Saka ang dami-raming ipinasok na kung anu-ano ang Mommy mo rito. Marami siyang pinapakain sa akin na makakabuti daw sa baby. Nasusuka na ako dahil hindi ko maintindihan kung anu-ano ang mga lasa noon! Carmilo, mamatay na yata ako rito."
Lihim siyang napatawa na nakikinig sa reklamo ng dalaga. Nakikinita niya kasi ang mukha nitong hindi maipinta habang kinakain ang ipinapakain ng kanyang ina.
"Alright! Ipapasundo nalang kita kay James," pigil ang tawang sagot niya niya at ibinaba ang telepono.
"GOOD afternoon, Ma'am," sabay-sabay na bati ng lahat nang makapasok ang dalaga sa opisina ng binata.
Nakangiti naman siyang sumagot sa mga ito. Alam na siguro ng mga itong asawa siya ng kanilang presidente kung kaya't wala ng tanung-tanong pa nang pumasok siya sa malaking opisina ng binata.
"Ma'am, sabi ni Sir ay maghintay nalang daw kayo sa loob."
"Bakit? Nasaan ba siya?"
"Nasa restaurant pa po siya at may kinausap lang na kliyente."
"I see," aniyang pumasok na agad sa private office ng binata.
KANINA pa nakaupo si Izabelle sa sofang nasa private office ni Carmilo. Nakaramdam na nga siya ng antok pero hindi pa rin ito bumalik sa opisina. Kaya napagpasyahan na lamang niyang pumunta sa restaurant ng hotel para kumain dahil nagugutom na naman siya.
Pagkapasok sa restaurant ay agad niyang hinanap ang binata. Napakunot siya ng kanyang noo nang makita ito sa isang sulok.
May kausap na isang napakagandang babae at tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Nakita pa niya nang magpunas ng luha ang babae at mas lalong lumalim ang pagkunot ng kanyang noo nang yakapin ito ng binata at hinalikan. Hindi niya matanto kung sa labi ba nito hinalikan o sa gilid lang ng labi ng dalaga.
Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso at nag aalburuto ang kanyang kalooban para sugurin ang dalawa. Pero napigilan niya ang sarili nang maalala ang minsang sinabi ng binata na wala silang pakialaman sa kani-kanilang tunay na karelasyon kung saka-sakali.
Kaya mabigat ang mga paa'ng humakbang na lamang siya palabas ng naturang restaurant.
"WHY she's not answering her phone?"
Inis na inilapag ni Carmilo ang hawak na cellphone. Kanina pa niya tinatawagan si Izabelle ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Napatayo siya sa kinauupuan at lumabas ng opisina.
"Wala bang iniwan na note si Izabelle nang umalis kanina?" agad niyang tanong kay James.
"Wala po, Sir. Basta nalang po siyang lumabas sa opisina niyo at hindi sinabi kung saan pupunta."
"Damn!" mariing sambit niya at muling bumalik sa kanyang opisina.
YOU ARE READING
My Fake Wife (2nd Version) Complete
General FictionPublished Book na po ito. Published ang FIRST VERSION. Limited Copies. Kung may interesadong bumili ng kopya nito kindly Message lang po ako dito. Thanks! :D Paubos na ang kopya o ubos na yata, not sure kasi nga limited lang, kaya post ko na dito p...
