2_She's A Star?

Magsimula sa umpisa
                                    

Lumabas ako ng boutique at tiningnan ang suot ng mannequins. Hindi siguro napansin ni Sander ito kanina dahil naka-shades siya.

“Babe! Come here.” Agad naman lumabas si Sander ng boutique at tumabi sa akin.

“How about that one?” tinuro ko ang suot ng isang mannequin. It’s a black tuxedo with white polo inside. Sander wants a simple look. He doesn’t want those elegant looking tuxedo.

“You really know my taste, babe.” Hinalikan niya ako sa ulo at sabay na kaming pumasok ng boutique para bilhin ang tuxedo.

Now, it’s my turn to buy a dress.

We go straight to my favorite boutique. Before entering, a dress caught my attention.

It’s a simple green tube dress with a ribbon on the hips.

Hinawakan ko ang hanger kung saan nakasabit ang dress pero may isa pang kamay ang nakahawak sa kabilang dulo ng hanger.

Tiningnan ko kung sino ang nakahawak dito.

I looked at her intently.

She looks familiar.

“Why are you staring at me?” Ang sungit niya ha.

“Ah, wala naman. Familiar ka kasi. Nakita na ata kita kung saan pero hindi ko lang matandaan.” sagot ko dito. Syempre, kahit sinungitan ka, dapat maging polite ka pa rin. Iyan ang isa sa mga natutunan ko as a general manager ng hotel.

“Oh my! You don’t recognize me?! Are you an alien or something?” Aba! Talaga naman! Maka-alien kala mo kung sinong maganda. Well, maganda nga siya pero ang pangit naman ng ugali niya. Barahin ko nga ‘to!

“Sino ka ba? SIKAT ka ba?” nakita kong namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Naghagikgikan naman ang mga staff pati si Sander sa tinuran ko. Sikat nga ba siya? Kasi, kung sikat siya, imposible naman na hindi ko siya makikita sa five-star hotel kung saan ako nagtratrabaho as general manager. Halos lahat na ata ng sikat, mapa-showbiz o politics, nakapag-check in na sa hotel namin.

Yeah, hotel namin. Dahil family namin ang may-ari noon hotel kung saan ako nagtratrabaho. Si Ate Alexis naman, sa mismong company namin nagtratrabaho as the EVP. Syempre, si Dad ang CEO.

Imbis na sagutin ang tanong ko, inirapan lang ako ng babae at hinatak ang dress sa kamay ko.

Hay. Sayang yun dress. Ang ganda pa naman. Di bale, may mahahanap pa akong mas maganda doon.

Hinintay ko muna siyang lumabas ng boutique bago ako nag-ikot. Mahirap na. Baka bigla na lang niya ulit ako agawan ng dress. 

Lumapit sa akin ang isang staff.

“Mam, may new arrival po kami na dress. Buti na lang at hindi niyo kinuha iyon dress kanina. Ngayon pa lang po namin i-didisplay.” Aniya.

“Talaga? Pwedeng makita?” tumango naman ang staff at kinuha ang dress na sinasabi nito.

Pagbalik ng staff ay may bitbit na ito na isang cream dress.

Mas maganda nga ito kaysa sa dress kanina.

Sinukat ko agad ang dress sa fitting room habang si Sander ay nakaupo lang sa isang tabi.

The dress fits perfectly on me. Parang ginawa talaga ang dress na ito para sa akin.

Pati iyon haba ng dress, tamang-tama lang para sa height ko. Above the knee pero hindi naman sobrang ikli.

Lumabas ako ng fitting room para ipakita kay Sander ang dress.

“How do I look?” tanong ko dito.

He slowly removed his shades and I must say, with his expression, he liked it so much.

Pero no reaction lang si Sander, kaya bumalik na ako sa fitting room para magpalit ng damit.

Pagkatapos magpalit ng damit ay dumiretso na ako sa counter para magbayad.

Sander stood by my side. He wrapped his left arm on my waist.

Hindi ko alam kung maiinis ako or what dahil NR si Sander kanina.

“Babe…” paglalambing nito sa akin. Wushu! Kaya naglalambing dahil may kasalanan sa akin. Hindi ko nga pansinin.

“Babe, sorry. I’m just speechless. The dress looks perfect on you.” Bulong nito sa akin habang hinihintay ko ang dress.

“Forgiven.” I smiled at him and kissed him on the cheeks.

“May bibilhin ka pa ba?” tanong nito habang palabas kami ng boutique.

“Hmmm. Shoes na lang. Ikaw? Hindi ka ba bibili ng shoes?”

“Hindi na ako bibili. Mayroon ako sa condo na black shoes.”

“Ok.” Hinatak ko siya papunta sa isang shoe boutique.

Mabilis naman akong pumili ng sapatos dahil 3 pm na.

Isang black suede satin peep toe pumps na may accent na ribbon sa likod ang napili ko. Light color kasi ang dress kaya black ang shoes ko.

Hindi kasi bagay ang silver sa kulay ng dress.

Pagkatapos kong bumili ng shoes ay dumiretso kami sa isang pizza house para mag-merienda.

Katulad ng kanina, marami na naman nakatingin sa amin.

Halos matunaw na nga kami.

Iyon iba, ang lalagkit pa ng tingin kay Sander.

After kumain ng pizza, dumiretso muna kami sa condo niya para kunin ang sapatos niya.

Doon na daw siya sa condo ko magbibihis.

Nakarating kami sa condo ko, siguro mga past 5 pm na.

Natagalan kasi kami doon sa pizza house.

Pagkadating na pagkadating namin sa condo ay agad akong nag-shower saglit para fresh ako kapag nakita ako ng mga bisita mamaya at dahil nadala na ako kanina, may suot na akong undergarment bago lumabas ng banyo. Hahaha.

Binlower ko muna ang buhok ko habang si Sander ay nasa banyo. Ilulugay ko na lang ang buhok ko.

Pagkatapos kong mag-blower ay sinuot ko na ang dress. Medyo nahirapan pa ako sa pagsara ng zipper. Kaya hinintay ko pa si Sander na lumabas ng banyo para ma-isara ng maigi ang zipper ng dress ko.

Sinuot ko muna ang sapatos ko at ang white gold earrings and cuff bracelet bago ako naglagay ng light makeup since gabi naman ang party.

Paglabas ko, naka-ready na si Sander. Doon siya sa kabilang room nagbihis. Medyo nagmamadali na rin kami dahil malayo-layo din ang biyahe papunta sa subdivision namin.

Nagkatitigan kami ni Sander.

He looked handsome on his tuxedo. Wait, handsome is an understatement. He looks way better than that.

“You look gorgeous as always, babe.” Lumapit ito sa akin at hinalikan ang kamay ko.

Pwedeng kiligin? Hahaha.

“Thank you, babe.” I smiled at him.

Bumaba na kami at sumakay sa kanyang BMW car.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang isipin si Casey.

How is he?

May girlfriend na kaya siya?

It’s been 3 years since I last saw him.

I still remember that day, that day made everything changed between us.

Lab U, Insan! (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon