DFB #19

172 5 1
                                    


Dear future boyfriend,

Uwaaaaaaaahhhhh!! Baby ko, heto na ata ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko! Alam mo bakit? Sinugod lang naman ako ng mga alipores ni Susan Dela Cruz sa room namin! Uwaaaahh! At alam mo anong ginawa niya? Binuhusan niya ako ng isang basong juice at sobrang init na spaghetti! As in ang init talaga boyfie kong walang ibang ginawa kundi ang pabayaan lang ako. Tshe! Napahiya ako don lengye!

At weyt, hindi yun ang pinakaworst na nangyari sa buhay ko boyfie kong sobrang sarap! Alam mo ano pa? Pinagtanggol ako ni Deib laban kay Susan at sa iba pa niyang utusan. At heto talaga ang pinakaworst! Sabi pa niya "wag na wag niyong sasaktan ang girlfriend ko. Magkamatayan man, hindi ko hahayaang may humawak sa kaniya. She's mine, no one dares to do it. You'll face the hell." YUN LANG! As in napahiya talaga ako don boyfie ko! Tapos after nun kinindatan pa niya ako! Oh sheet! Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante sa loob pero ang langyang Deib nayun, todo tawa lang! Dah! Ansarap niyang sakalin boyfie ko! Tsk, kala niya naman kinilig ako don. Humanda siya sakin bukas, sasampalin ko siya ng todong-todo!




Sobrang galit na,

Silly.


Dear Future Boyfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now