Darkness no.14: The True Liar

Start from the beginning
                                    

Agad ko siyang hinawakan sa braso. Ni ayaw ko siyang umalis para gawin ang mga sinasabi niya.

"Ano ba saver! Bitawan mo nga ako!" Wika nito habang tinatangka niyang tanggalin  ang kanyang kamay sa pag kakahawak ko.

"Hindi." Sabi ko.

"Aba at bakit? Alam mo ang sarap mong iletchon sa araw. Umayos ka nga Saver. So gusto mong i ispoiled itong si Troy ganun bayun?'' Wika nito.

"Ang gusto ko lang naman eh mag kusa siya." 

"Haii nako ikaw talaga oo! Kung may konsensiya nga yun. Lahat pa nadamay sa ginawa niya." Pagpapatuloy ni Katrina.

Panandalian kaming nanahimik ng dalawa. Tila sa round of discussion na ito eh pareho kaming talo kaya naman eh para walang away eh mabuting mute muna ang aming mga bibig.

"O siya siya hindi na. Kung yan ang gusto mo." Wika nito habang naka cross arm.

Tinignan ako ni Katrina ng panandalian at sabay tanong ng.

"Maiba tayo. Uminom ka naba ng enegy drink mo?" Sa normal na boses.

HIndi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa tanong niya na yun? Energy drink daw ohhh! Siguro ang tinutukoy nito eh ang energy drink ko na dugo.

"Hindi pa." Sa normal kong boses. " Bakit mo naman natanong?" Pagkagulat ko.

"He he wala lang." Wika niya sabay tawa. " O siya at aalis na ako at issumbong ko pa itong si Troy." Wika ni Katrina sabay tayo.

"Sabi ng wag na eh." Sa mataas ko na boses. Na sa puntong yun eh napatayo narin.

"Sus parang di naman to mabiro. JOKE LANG!" Sabay hawak nito sa bibig na pinipigilan ang tawa.

Tuluyan na itong naglakad patungo sa pintuan. "Alam mo Saver ang cute mong magalit." Sabay ngiti nito.

Umalis na si Katrina. Kasalukuyan na akong nasa kama noon at nagmumuni muni ng naalala ko na may nakalimutan akong ibilin kay Katrina kaya naman ay lumabas ako para sabihin sa kanya iyon. Agad kong sinuot ang aking tsinelas at nagtungo sa pintuan. Buhat doon ay marahan kong binuksan ang pinto.

Ngunit pag bukas ko rito ay tama namang papanik ng kwarto niya si Troy. 

Nakatungo lamang ito sa akin. Tila may hiya papala siya pagkatapos ng nangyari. Pero sa pagkakataong ito eh gagamitin ko parin ang respeto ko bilang pagpapakatao. Kaya naman eh hindi nalang ako nagsalita.

Dire direcho lang si Troy sa pag lakad pagkatapos ng tagpong yon. Marahan siyang nagalalakad sa harapan ko na hindi nagmamadali. Hanggang sa pagtalikod niya ay hindi kona napigilang magsalita.

"Troy." Wika ko sa marahang boses. "Kung may problema ka sa akin eh handa kitang tulungan. Pero ayoko ng ganito. 

Napatigil si Troy mula sa kanyang paglalakad pero hindi lamang siya nagsasalita. Parang talagang sinadya niya yun para marinig ang panig ko.

"Kung ginawa mo yun dahil sa taas ng ranggo na issue na yan eh. Napaka babaw mo. Alam mo Troy kahit na ialok yan sa akin eh hindi ko tatanggapin. Dahil alam ko na mas deserving ka sa posisyon nayun. Saka ayokong madamay ang lahat sa silakbo ng damdamin mo. Kung ako lang ang maapektuhan mas gusto ko payun." Wika ko sa marahang boses.

Unti unting nilamukos ni Troy ang kamay niya. Kita ko yun buhat sa aking harapan. Pagkatapos ng salita kong yun ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang pag lalakad patungo sa kanyang kwarto. Ni anong salita eh wala akong narinig buhat sa kanyang labi.

X~X~X

 

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now