"Anong Aruhana?"tanong ko

Ngumisi lang siya sa akin saka lumapit

"Aruhana means maldita ang maldita mo kasi kaya Aruhana na ang tawag ko sayo okay?"wika niya

"Ayoko hindi ako maldita para sabihin ko sayo mabait ako"mataray kong wika

"Talaga? Bakit mo ako tinatarayan?"ngising tanong niya

"Kasi nakaka inis ka! Kung ano ano nalang ang mga sinasabi mo sakin pauso ka rin eh"inis kong wika

"Ahahahaha nag tratransform nanaman si Aruhana  ang cute mo talaga!"

~~~

Unti unti akong nanigas sa mga naalala at sa narinig
Ang alam ko si Axis lang ang nakaka alam ng salitang yun dahil isa siyang nilalang na mahilig mag pauso

Nanatili akong naka tingin sa walang malay na si Indigo saka nag salita

"Sino ka ba kasi?" Bulong ko sa sarili ko napa iwas ako ng tingin ng muli siyang gumalaw at sa pag kakataon ito gising na siya

"Oy...Ivy? Ba..Bakit nandito ka sa kwarto ko?"tanong nito at umupo huminga ako ng malalim saka tinignan siya ng mataray

"Hindi mo to kwarto wala ka sa kwarto mo idiot"wika ko saka tumayo

"Kung wala ako sa kwarto ko? Nasan ako?"tanong niya saka umupo ng maayus sa sofa

"Sagutin mo ang sarili mo"mataray kong wika saka tumalikod

"Ang maldita mo talaga tsk Aruhana"

0___0

Napa tingin ako sa kanya

"Sabihin mo nga sakin saan mo nakuha ang salitang yan?"tanong ko

"Ang alin? Yung Aruhana? Wala naisip ko lang "sagot nya saka tumayo

"Yung party!"sabay naming wika saka nag madaling nag lakad pabalik sa party pero hindi pa man ako nakaka pag lakad ng bigla akong nawalan ng balanse at akmang matutumba na ako ng saluhin ako ni Indigo dahilan para mag lapit ang mga mukha namin

0___0

*dug *dug
*dug *dug
*dug *dug

Napa iwas ako ng tingin ng dahan dahan niya akong inalalayan para makatayo ng matuwid
Ng maka tayo na ako ng tuwid binitawan niya na ako at tumingin sa akin ng seryoso

"Bakit ba kasi ang taas ng takong mo? Mag iingat ka okay? Iwasan mo ang  dumaan sa mga madudulas na daanan baka madulas ka masasaktan ka kapag bumagsak ka"sabi niya

Naka tingin lamang ako sa mukha niya ng ma realize ko na sobrang tagal ko nang naka tingin sa kanya

Napa iwas ako ng tingin

"Sa....salamat"wika ko naramdan ko ang pag hawak niya sa kamay ko at inilagay niya ito sa braso niya nag taka naman ako kaya napa tingin ako sa kanya

Naka ngiti lang siya sa akin

"Sa ngayun ako muna ang devil mo hanggang sa makarating tayo sa party at makita natin ang kapatid mo kumapit ka lang sa braso ko okay? Para kapag nadulas ka ako sasalo sayo"wika niya

*dug *dug
*dug *dug

Siya ang sasalo sakin

Hindi ko alam pero napahawak na ako sa braso niya at nag simula na kaming maglakad habang naka hawak ako sa braso niya

Ang awkward ng pakiramdam ko isang Ivy na kinatatakutan ng lahat ang bigla biglang matitiklop sa gaya ni Indigo

Habang nag lalakad kami tahimik lang ang paligid hanggang sa mag salita siya

"Alam mo ba may isang babae akong lagi napapanaginipan "wika niya kaya napa tingin ako sa kanya

"Hindi ko alam ang ibig sabihin non hindi ko alam kung bakit ko siya napapanaginipan o madalas nakikita kapag nawawalan ako ng malay"sabi niya

"Baka bahagi siya ng nakaraan mo"sagot ko sa kanya

"Siguro nga teka bakit naka sara ang pinto?"tanong niya ng maka rating kami sa entrance ng court

Isinuot na namij ang mga mask namin

"Nasa loob na ang dyosa tara na"sabi at sabay naming tinulak ang pinto

Nag bukas naman ito pero napa tigil kami ng makita ang lahat ng attention ay nasa amin nag taka naman si Indigo kaya ganon din ako

Bakit sila naka tingin sa amin? Hindi porket late kami titignan na nila kami

"Sila ang napili ng dyosa?"

"Pero sino sila? "

"Ang swerte nila "

"Ngayun may napili na ang dyosa"

Nag taka ako sa mga bulong bulungan  kaya napa tingin ako sa gawi ng Dyosa na naka tayo at naka ngiti

"Bakit?"mataray kong tanong sa lahat dahilan para mapaiwas sila ng tingin

"Si Queen Ivy"bulong ng ilan

"Sino yung lalaki?"

"Anong nangyayare?"bulong ni Indigo sa akin hindi ko siya sinagot at hinanap sila Sky nakita ko silang nasa harap at kumakaway habang naka ngiti

Bigla kong napag tanyo baka dahil ito sa nakahawak ako sa braso ni Indigo? Kaya agad kong binitawan ang braso ni Indigo at tumayo ng tuwid

Yung spotlight naka tutuk ito sa amin kaya nainis ako

"Bakit ba kayo ganyan maka tingin?"irita kong tanong

Napa tingin ako kay Headmistress na nag salita

"Ngayun may napili na ang dyosa maari niyo ba kaming samahan dito?"tanong ni Headmistress na nasa tabi ng dyosa

May napili na ang dyosa?

Tinignan ko silang lahat para makita kong sino ang napili ng dyosa pero walang gumagalaw

Napansin ko na naka tingin parin sa amin ang ilan kaya nag taka na ako

"Kayong dalawang nasa pinto pwede niyo ba kami samahan dito?"

0___0 napa tingin kami sa likod namin pero walang ibang nilalang kundi kaming dalawa lang ni Indigo ang nasa pinto nag katinginan kami ni Indigo saka napa tingin sa dyosa

"Kami?"sabay naming tanong ni Indigo

"Yes kayo nga...kayo ang napili ng Dyosa"wika ng Headmistress

0___0

WTH

"Ano?!"

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

White Tiger AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon