CHAPTER 1

75.2K 832 29
                                    

MILES


"Calm down, Jared."


Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na iyon sinabi sa kanya. Pagdating namin dito sa cafe, hindi na siya mapakali sa kinauupuan. Maya't-maya ang inom niya ng tubig at pabalik-balik sa banyo. Kapansin-pansin din ang pamumuo ng pawis sa noo niya. 


"I'll meet your friends today."


My forehead creased. "So? It's not the first time that you'll meet them. You already met them countless times, remember?"


"Today is different."


"How come meeting them today is different from other meetings before?" I asked, frowning even more.


He let out a deep sigh before turning his gaze at me. "Sa mga kaibigan mo pa nga lang ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag sa parents mo na 'ko humarap?"


"Baka himatayin ka na," sarkastikong sagot ko. "Though, you're cool and calm the first time you met my parents. You even had fun talking to my little brother as well. Nagkasundo agad kayo," dagdag ko pa.


A soft smile formed on his lips. "Right. I had to look cool and calm in front of them. But deep inside, I was nervous as hell."


"Really? Hindi halata. Seriously, bakit ka ba kinakabahan diyan? It's not a big deal to meet my friends today."


"Of course, it's a big deal."


I raised my eyebrow. "And why is that?"


"Basta," aniya bago muling uminom ng tubig. Muli siyang tumingin sa 'kin. "Okay naman ang hitsura ko, 'di ba? Hindi naman nakakahiya? Guwapo pa rin?"


Imbes na sagutin ang tanong niya, "You're acting weird," kunot-noong sabi ko.


"I know. Minsan ang guwapo, nagiging weird din," nakangising sagot pa niya.


"Now, you're really weird," I stated, shaking my head.


Mahigit isang taon na rin nang maging magkaibigan kami ni Jared. I remember the day we first met. Kahit tinulungan niya 'ko no'n, medyo nainis at nayabangan ako sa kanya. 


Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng graduation namin, naghanap at nag-apply na ako ng trabaho. Katatapos ko lang sa isang job interview at bago umuwi, may nadaanan akong bagong bukas na fast-food chain kaya doon ko na lang naisipang bumili ng pagkaing ipapasalubong ko sa mga magulang ko at kay Miller.


Sa take-out counter ako pumila para mabilis. Babayaran ko na sana ang orders ko nang mapansing limang daan na lang ang nasa wallet ko. Hindi ko naman magawang maglabas ng card dahil may signage sila na cash pa lang ang tinatanggap nila. Bakit ba kasi hindi muna ako nag-withdraw bago pumunta dito? Akmang sasabihin ko na sana na babalikan ko na lang ang orders ko nang isang kamay na may hawak na pera ang sumulpot sa gilid ko.

Always Be My Miss Number 1 [MN1IMH BOOK 2 COMPLETED]Where stories live. Discover now