CHAPTER 4

67.3K 807 152
                                    

MILES


"Oh? Natulala ka na diyan. Anong nangyayari sayo?"


Napatingin ako sa nagsalitang si Max. Kasama niya si Sam at pareho pa silang kunot-noong nakatingin sakin.


Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa company na pinapasukan ko. Lunch break namin kaya pinapunta ko sila dito para makausap since wala naman daw silang ginagawa.


Dalawang araw na rin ang nakakalipas after my birthday. At hanggang ngayon, naaalala ko pa rin at nag-eecho sa pandinig ko ang tinig nung lalaking nakausap ko sa phone ni Jared - which is his best friend named Ethan.


Was it possible na yung Ethan na yun ay si Nate?


Pero, imposible eh. Kung siya yun, makikilala niya ako. Matatandaan niya ang pangalan ko. At pati na rin siguro ang boses ko kung hindi pa niya nakakalimutan.


Kung hindi niya ako nakilala, does it mean kinalimutan na niya talaga ako? Pero pano kung magkaibang tao sila? At hindi talaga ako kilala? Hay, ang gulo!


Bumuntong-hininga ako.


"Para saan ang buntong-hininga na 'yan, bhest?" tanong ni Sam


"Pinapunta mo kami dito para makausap diba? Hindi para titigan ka lang diyan," sabi naman ni Max.


"I think narinig - no. I think nakausap ko si Nate."


Max rolled her eyes at me. "Saan? Sa panaginip mo? Ano bang bago do'n?"


Naikukuwento ko kasi sa kanila na minsan napapanaginipan ko si Nate.


"Nope. Nakausap ko sa phone ni Jared. Kaboses ng best friend niya si Nate."


Biglang naupo yung dalawa at seryosong tumingin sa 'kin.


"Seriously? Baka naman nabobosesan mo lang sa sobrang pagkamiss mo kay missing guy?" - Sam


"Oo nga. At sa phone pa ha? Iba naman talaga minsan ang boses ng tao sa phone." - Max


"Hindi eh. Sigurado ako. Kaboses ng Ethan na 'yon ang boses ni Nate."


"So, Ethan ang name ng best friend ni Jared?" - Sam


Tumango ako. At saka waring nag-isip sila.


"Hm... Come to think of it, Ethan ang name ng best friend ni Jared. Parang hindi nalalayo sa real name ni Nathan na Errol Nathaniel, di ba? Posible kayang iisang tao lang sila?" - Max


"At kung siya nga si Nathan at nakausap mo, hindi ka ba niya nakilala?"


Always Be My Miss Number 1 [MN1IMH BOOK 2 COMPLETED]Where stories live. Discover now