Candy (OneShot)

409 36 51
                                    

  

1st OneShot Story ko. Sorry kung lame ang pagkagawa. ^.^

 

 - -

Candy (OneShot)

 

  

Natutuwa ako sa Candy na to kasi naman ee. Sa tuwing bumibili ako nito tinitignan ko lagi kung ano ang nakasulat sa likod. At minsan sinusunod ko yun kasi diba puro positive lagi ang nakasulat dun.

Tapos sa tuwing sinusunod ko yun may nangyayare. Ewan ko ba pero nagiging successful ako sa isang bagay o nagiging swerte ako sa tuwing sinusunod ko to.

Ako si Hazel Marie Rivera at ito ang kwento ko

..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

 ..

Nagsimula ito nung 2nd year highschool ako. Nandito ako ngayon nakaupo sa may bandang dulo ng Canteen actually di lang pala ako kasama ko rin yung mga kaibigan ko. At ang nasa lamesa ? hindi pagkain kundi puro mga gamit pampaganda mga beauty products kumbaga. Wala pa naman kasing tinda dito ngayon kasi bukod sa maaga pa di pa time ng recess namin. Nagsisimula na nga yung klase ee. Pero heto kami tumatambay lang walang pakialam sa buhay. Hindi ako gaya ng ibang mga estudyante na pumapasok para mag-aral, nandito lang ako para ipagmalaki sa mga babaeng to na tinatawag kung 'kaibigan' kung gaano kami kayaman sa kanila. Katulad ko ganun rin naman ang kanilang paniniwala sa buhay. Kaya nagkakasundo kami.

Di nagtagal dumadating na ang mga worker dito sa canteen. Isa-isa na silang nagbukas ng kanilang mga stand kasi mayamaya ay lalabas na ang mga ESEP (binubuo sila ng mga matatalinong estudyante ng aming paaralan ). Sila kasi ang unang magrerecess para mamaya di na sila mahihirapan pang bumili kasi madami ng estudyante.

"Girls look may bagong salta ang ESEP. Infairness Ang Pogi." sabi ni Camille

"Yeah right." sabi ko nang di nakatingin pero ang ingay talaga nila.

Narinig ko pang nag 'Hi' si Raiza. Tapos tumili. Tae ang ingay nila -__-

CandyWhere stories live. Discover now