Chapter 18

13.1K 304 22
                                    

"Ginawa mo talaga yun?" Parang natatakot na tanong ni Janella kay Chienna. "Geez! Nagpapasalamat akong hindi kita nakilala dati."

Nasa launching party sila ng kumpanya ni Jerome. Magkakasama sila sa isang lamesa at nagkkwentuhan tungkol sa mga nangyari noong nakaraan. Ikinwento ni Mara sa kanila kung anong ginawa sa kanya ni Chienna nang malaman nito na mahal nya si Enrique.

"Akala ko ikaw ang kumaladkad sa kanya palabas?" Tukso ni Daniel kay Kathryn. Hindi din sya makapaniwalang nakaladkad palabas ang kapatid nya dahil kilala nya ito bilang matapang at palaban.

"At naniwala ka sa kanya?" Umirap si Chienna. "Hindi nya magagawa yun kahit anong galit nya. Iiyak lang yan sa isang sulok. Minsan nga iniisip ko pano ba yan naging kaibigan." Tukso din nito kay Kathryn.

"Hindi nyo alam kung anong klaseng kahihiyan ang naramdaman ko nung tinulak nya ko sa kalsada at tinapon sa akin ang mga gamit ko bahamg tinatawag akong traydor at na hindi ako deserving na tawaging bestfriend ni Kath. It broke my heart kasi totoo lahat yun." Kwento ni Mara.

"And I'm really sorry for that." Sincere na sabi ni Chienna.

Ngumiti sa kanya si Mara. "Naiintindihan kita. Kung ako din ang nasa lugar mo, yun din ang gagawin ko."

"Nako ano kayang gagawin mo sa kin kung nagkakilala tayo noon?" Singit ni Janella.

Nagkibit balikat si Chienna. "Aaminin kong nagalit ako sayo nung pinakasalan ka ni Jerome. I thought it was unfair, pero nung nakita ko namang mahal nyo ang isa't isa at meron pa kayong cute na anak, okay na rin. My visit here made me realize na tama ang mga naging desisyon ni Kath. Masaya na sina Jerome at Enrique sa mga asawa nila."

Natahimik silang lahat nang nakita nilang dumating sina Julia at Sam. Tiningnan ni Kathryn si Daniel at nakita nya itong nakatitig sa kapatid nya. Pero saglit lang iyon, lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Darling, halika. Iwelcome natin ang kaibigan mo." Yaya ni Jerome sa asawa.

Janella just pouted and made no move on standing to welcome the new comer.

"Janella." Tawag uli ni Jerome.

Tumayo si Chienna. "Ako na lang ang sasama sayo kung ayaw ng asawa mo." Hinawakan nya ang braso ni Jerome. "So sya pala ang kapatid. Exquisite. I like her gown." Hinawakan nya ang baso nya ng wine habang naglakad sila ni Jerome palapit kina Julia.

"Chienna." Warning ni Kathryn sa kanya.

Tatayo na sana si Kathryn para pigilan si Chienna pero hinawakan ni Daniel ang kamay nya para di sya makaalis.

"Gusto kong mawitness ang legendary bitchiness ni Chienna." Nakangiting sabi pa ni Daniel sa kanya.

"Ako din." Segunda ni Janella.

"Show time." Bulong nina Alex at Enrique.

Wala syang choice kundi maupo lamang doon at panoorin ang kaibigan nya.

Her mouth formed an "O" nang buhusan ni Chienna ng wine ang gown ni Julia. Narinig nyang nagulat si Janella. Hindi man lang pinalabas ni Chienna na aksidente ang lahat. Halos lahat ng bisita ay nakita ang nangyari. Chienna grinned evilly habang namumula si Julia sa kahihiyan. Si Jerome naman ay mukhang walang pakialam habang si Sam ay hindi alam ang gagawin. Nagsimula nang magbulungan ang mga bisita.

"Nice gown." Narinig nilang nang-aasar pang sabi ni Chienna.

Galit na tumingin si Julia kay Chienna tapos ay bumaling ito kay Jerome. "Hindi ako makapaniwalang you will stoop this low para ipahiya ako." At maglalakad na sana ito palayo.

"And I can't believe na ganito ka pala ka-weak, Julia." Sambit ni Chienna kaya't tumigil si Julia sa paglalakad. "Buong akala ko ay mag-eenjoy ako to bitch you around. I guess I'm wrong. Magaling ka lang na sirain ang kapatid mo through media. Pero madali kang sumuko sa kin to think na sa damit ko binuhos ang wine at hindi sa mukha mo."

Humarap uli sa kanya si Julia. "I dont bitch around with someone na hindi ko naman kilala."

"Ganoon ba?" Pagtataray ni Chienna. "Then I guess, I won. Kung akala mong makakatakas ka sa ginawa mo sa kaibigan ko, think again. Gusto mo bang sabihin ko sa lahat kung gaano mo kamahal ang bestfriend ng boyfriend mo habang kayo pa?" Humarap si Chienna kay Sam. "I'm surprised na may guts ka pang magpakita dito. Anyway, enjoy the party. Andun lang sina Daniel at Kathryn kung gusto silang batiin." Turo nito sa table na kinauupuan ng magkakaibigan at naglakad na si Chienna palayo.

Sumipol si Daniel. "That was some show."

"You call that a show? Sana sa mukha nya binuhos yung wine." Reklamo ni Janella.

"Janella." Saway ni Kathryn.

"Tama si Janella, Kath." Singit ni Mara. "Kanina pa nangangati ang kamay ko na sabunutan sya. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sayo, maswerte sya at yun lang ang ginawa sa kanya ni Chienna."

Nakita ni Kathryn na pumasok si Julia sa comfort room. Maya-maya pa ay nakabalik na si Chienna sa table nila with a triumphant smile on her face.

"Hindi mo dapat ginawa yun." Sermon nya dito.

"You're welcome, Kath." Sarcastic na sagot sa kanya ni Chienna.

Tumayo si Kathryn at kinaladkad si Chienna papunta sa comfort room.

"Hindi ako mag-sosorry, Kath." Inis na sabi ni Chienna. "Kung nagawa mo kong ipaghingi ng sorry kay Mara dati, hindi ko yun gagawin sa kapatid mo."

"Sabay tayong hihingi ng sorry." Seryosong sabi ni Kathryn bago buksan ang pintuan. Nakita nya si Julia na nililinis ang gown nito.

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong ni Julia.

"Julia, andito kami para..."

"Will you stop acting like an angel, Kathryn?" Sigaw nito sa kanya. "Sinadya mong gawin ito! You know what, dapat ikaw na lang ang gumawa sa kin nun. You dont need to ask this expensive whore you call friend to do it for you."

Nagdilim ang paningin ni Kathryn at bago pa sya makapagisip ay nasampal na nya ang kapatid. "Pinapalampas ko ang mga sinasabi mo sa kin, pero hindi ako makakapayag na pagsalitaan mo ng ganyan ang mga kaibigan ko." Nagulat si Julia sa nangyari. Hindi sya makapaniwalang kaya syang saktan ng kapatid nya. "Hindi ako makakapayag na tawagin mong whore ang mga kaibigan ko dahil sila ang pamilya ko." Lumabas na si Kathryn bago pa nya uli masaktan ang kapatid nya.

Kung protective sa kanya ang mga kaibigan nya ay doble ang pagpprotect nya sa mga ito. Sila ang pamilya nya noong nasa New York sya. Nahanap nya ang pagmamahal na hanap nya sa mga ito. They gave her the feeling of belongingness. Hindi sya makakapayag na may tatawag sa mga ito na whore o kahit ano pa kahit kapatid nya pa ay hindi nya papalampasin.

Chienna smiled mockingly at Julia bago nya sinundan palabas si Kathryn.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Daniel. "Okay ka lang?"

She inhales and exhales repeatedly to calm her nerves. Ngumiti si Kathryn pagkatapos gawin yun. "Okay na ko."

Niyakap sya ni Daniel at hinalikan sa noo. "Everything will be okay." Bulong nito sa kanya.

She buried her face in his chest. She hopes so.

Hiling nya na maayos na ang lahat sa lalong madaling panahon. At hiling din nyang makalusot sya sa sitwasyong ito nang hindi nasasaktan.

__________

All of MeOn viuen les histories. Descobreix ara