Hacking Articles Part 5

99 4 0
                                        

Hackers? Who are they?


[Disclaimer: The content of this article is for educational purposes only and some of the information in this article was the author's opinions and experiences. It was written to express the opinions and experiences of the author and to share some knowledge about Hackers.]

Hackers!! kapag narinig mo ang salitang ito siyempre papasok na agad sa isip mo na magagaling sila, mga Anonymous, naninira ng mga website through computers, right? pero itong article na ito ang magpapaliwanag sa inyo kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ito, na mali ang pananaw ng ibang tao sa mga hackers na namumuhay dito sa ating mundo.

"I am Rovic, a DeepWeb Researcher and Knowledge is my Power!"

There are many definitions for the word "hacker", subukan mong tanungin ang mga phalanx at makakakuha ka ng iba't-ibang sagot kada oras dahil nga "more mouths will have more talks" at ito ang dahilan kung bakit napakarami nang iba't-ibang depinisyon ang salitang "hacker".

Pero in the early 1990s, ang salitang "hacker" ay ginagamit upang idescribe ang mga magagaling na Programmer, ang tao na marunong bumuo ng mga complex logics. Sa kasamaang palad, habang tumatagal ay nagiging negative na sa isip ng mga tao ang salitang ito, at doon na nagsimulang sinabi ng media na ang mga hacker ay ang mga taong gumagawa ng mga bagong ways para mahack ang isang system, specifically mga computer system at mga programmable logic controller, sila yung mga taong may kakayahan na ihack ang mga banko, magnakaw ng mga impormasyon ng ibang tao tulad na lamang ng mga credit card information na siyang ginagamit ng mga carder o yung mga taong bumibili through online gamit ang pera ng ibang tao, at marami pang iba. Masama na ang tingin ng iba sa mga hackers dahil sa mga issue na lumalabas pero para sakin ito ay hindi totoo, hindi totoong ganun lang sila dahil ang pagiging hacker ay may positive and negative aspect. Ang hina-highlight lang naman kasi ng media ay yung mga negative aspect at hindi nila hina-highlight yung mga taong pinoprotektahan ang mga organisasyon sa pamamagitan ng pagtapal sa mga butas o vulnerabilities ng kanilang system.

Dahil sa napakaraming depinisyon na lumabas noong 1990s ay nahati ang salitang "hacker" sa tatlong uri:

1. White Hat Hacker - sila ay yung mga mababait at kinikilala bilang security professional o security researcher. Ang mga White Hat Hackers ay ineemploy ng ilang organisasyon para maging gwardiya nila.

2. Black Hat Hacker - Also known as a cracker, sila ay yung mga bad guys na naninira ng mga systems o websites, sila yung tunay na binabanggit ng mga media as hackers.

3. Gray Hat Hacker - Sila ay nasa pagitan ng White hat and Black Hat Hackers, example is diba ihahire siya ng mga organisasyon para itest yung system nila, aayusin talaga nila ito pero mag iiwan siya ng backdoor para makapag access at ibebenta nya yung mga confidential information, either sa mga tao o sa kalaban ng organisasyon na iyon. Kumbag they just do it for their own good.

And syempre kung meron tayong type dapat meron din tayong categories of hackers, sila ay ang mga sumusunod:

1. Script Kiddie - also known as Skid, Sila ay ang uri ng mga hacker na walang kaalaman kung paano gumagama ang pag eexploit kaya gumagamit sila ng gawa ng iba para mag exploit, oo kaya nilang mahack yung target pero hindi nila kayang idebug o imodify yung exploit kapag hindi ito gumana.

2. Elite Hacker - also referred to as 133t o 1337, sila yung tunay na magagaling at kaya nilang gumawa ng sarili nilang exploits at magmodify nito, malawak ang kaalaman nila pagdating sa hacking.

3. Hacktivist - they are defined as the group of hackers na naghahahck ng mga computer systems nang may dahilan, maaaring political gain, freedom of speech, human rights, at marami pang iba. (madalas sa kanila ay tinatawag na "defacer")

4. Ethical Hacker - the last but not the least is the ethical hacker, sila yung talagang hinahire ng mga organisasyon at binibigyan ng permis para ihack ang kanilang system upang makita ang mga buutas o vulnerabilities nito para maiwasan ang pag-atake ng mga cracker.

Yun lamang po sa ngayon and i hope mayroon kayong natutunan dito sa Part 5 ng aking Hacking articles!

Tandaan: "Be the Bad One first before the Good One" XD

Hacking ArticlesWhere stories live. Discover now