70 NR

446 12 2
                                    

Lucas's POV

"Love birthday mo na ngayon. Kamusta ka na ba? Happy birthday Love! 18 ka na. Debut mo na at dapat magpaparty. 18 roses kami ng NCT Members. Kapag nagising ka na saka tayo magpaparty ng Debut mo. Kaya gumising ka na ahh."

"Jisung, lalabas muna ako."

Nasa may garden ako ng ospital. Nagmumuni-muni. Naalala ko yung mga times na masaya kami ni Min-Jee. Sana talaga gumising na siya. Nakakita ako ng matanda na nandito rin sa garden.

"Iho, may nobya ka na iniintay na magising ano?"

"Paano niyo ho nalama?"

"Palagi kitang nakikita dito. Sa ospital. Birthday niya ngayon ano?"

"Opo. Sana po magising na siya."

"Hayss. Ganyan din ako noon. Naalala ko yung kami ng asawa ko."

"Talaga po?"

"Oo, nag-antay ako na magising siya pero hindi siya nagising. Pero malakas ang kutob ko na magigising ang Nobya mo. Wag ka mawawalan ng pag-asa Iho."

"Salamat po Lola. Magpalakas po kayo."

"Oo sige Iho."

🍭🍭🍭

Bumalik na ako sa kwarto ni Jee. Nandon parin siya.

"Buti bumalik ka na Hyung. Ihi muna ako." - Jisung.

"Love, please. Gumising ka na. Miss na miss na kita."

Hawak-hawak ko ang kamay niya at umiiyak na ako. Hindi ko na talaga kaya. Miss na kita Love. Napayuko ako at naramdaman ko na may humahagod sa ulo ko. Tumingala ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Min-Jee sa akin. Nagulat ako at napatakbo sa labas para maghanap ng doktor.

"Dok! Gising na po si Min-Jee."

Maya-maya ay pumasok si Tita, Jisung at ang Doktor.

"Itetest pa namin siya kung talagang okay na siya. At kung magiging okay na siya ay unti-unti natin siyang ite-therapy para sa recover niya. Excuse us."

"Salamat Love at gumising ka na."





A/N: One chapter to go. Awwww. HUHUHU

Lollipop | w.ykWhere stories live. Discover now