21-Narration

650 19 0
                                    

(A/N: Ito yung flashback kung saan si Jee ay napahamak at nanghingi ng tulong kay Lucas. Wag kayo malilito. Bold - Lucas, Normal - Min-Jee, Italics - Unknown)

🍭Flashback🍭

Min-Jee's POV

Hayssss. Kakatapos lang ng klase namin. Hihi. Pero kilig parin si aqcoe kay Lucas Oppa. Ehh kasi naman enebe. Steph ne nekekeenes nemen ehh. AHAHAHAH. De kasi ehh. Ang haba naman ng buhok ko para magustuhan niya ko. Like duhh, alam ko namang maganda ako. Charot. Like duhh, ang pangit ko kaya at sino naman ang magkakagusto sakin diba? Pero si Lucas Oppa pala yon. Hindi ko naman inakala. Pero bttt (Back To The Topic). So tapos na nga ang klase namin. Hindi ko nakita sila Chun-Hee at Seo-Yun. Saka nag-message sila na hindi daw nila ako masasamahan pauwi kasi si Seo-Yun, as usual. May blind-date. Blind-date, blind-date pa hindi naman nahahanap forever niya. Alam niyo kasi, ang pag-ibig hindi minamadali. Kung talagang gusto mong mahanap ang taong tama para sa'yo, edi mag-antay ka. Ganon lang kadali. Pero ewan ko ba sa babaeng yan. Si Chun-Hee naman, may group project daw at sa bahay ata nila ginagawa. Ako naman, wala namang akong gagawin. Gusto ko nga sanang umuwi pero nag-promise sakin si Lucas Oppa na ihahatid niya ako pauwi. 4:30 pm pa lang naman. Baka busy sila kasama NCT. Alam niyo naman, dance group ng school namin ang NCT. Madalas silang lumalaban sa mga Dance Contests ng iba't-ibang schools. Pero anyway, makapunta nga sa Dance Studio. Dito kasi nagpa-practice ang NCT ng mga sayaw nila. Sa ngayon, 18 members sila pero pwedeng madagdag pa. Depende kasi yon sa kanila. Ginagawa kasi nila lahat ng steps nila, at mahirap din ata mag-aadjust sa formations kasi dami na nilang kanta na may sayaw. Pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sa akin. Pero kapag tumitingin naman ako sa likod ko wala naman. Hindi ko alam. Nandito na ko sa harap. Kaso parang wala naman sila. Nakapatay ang ilaw ehh. Hala. Asan si Lucas Oppa? Asan ang NCT? Hala. Natatakot ako. Lumabas na ako at saktong may nakita akong taong papalapit sa akin. Natatakot ako. Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Nahihilo ako. Hindi ko na kayang tumayo, napaupo na ko sa sahig. Hindi ko na talaga kaya, ang hirap huminga.

"W....w....a....w-wag-g m......m-mo a-ak-ko-n-ng s-sa-sa-sakta-an."

"Hayss. Ang dali lang pala patulugin nitong gagang 'to ehh."

🍭🍭🍭

Lucas's POV

Ang tagal naman ni Jee. Jusq. Kanina pa ko nandito sa harap ng room namin kahit wala ng tao. Umaasa ako na baka dadaan siya. Pero ang tagal niya talaga. Biglang tumunog ang phone ko. *Insert yung convo ni Min-Jee at Lucas in #18* Teka?! Naliligaw siya?! Bakit naman nangyari yon?!

🍭🍭🍭

Nagising ako na hindi ako nakatali. Pero bakit ganon? Sino naman yung tao na yun kanina? Sus. Pero natatakot ulit ako. Ima-message ko muna si Lucas Oppa. Hindi ko alam kung nasaan ako. Bumibilis ang hininga ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naninikip na naman ang dibdib ko. Pero sabi ni Lucas Oppa na kumalma ako. Alam kong darating siya nangako siya saken.

Ilang sandali pa ay dumating na si Oppa. Hindi ko na mapigilang umiyak kasi natakot talaga ako. At, nagsisimula na naman akong hikain. Pero hindi ako nag-iistutter ngayon.

"Oppa, akala ko hindi ka na dadating!"

"Ano ka ba naman Jee, tahan na. Diba sabi ko sa'yo. Sabihin mo lang kung nasaan ka at dadating ako."

"Oppa, salamat. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari ngayon. Basta may nakita lang ako na tao kanina palapit sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina!"

"Shhhhh, shhhh, tahan na love. Wag ka na umiyak. Kasi gusto ko, ang mga luhang iyan ay lalabas lang tuwing may masaya tayong alaalang dalawa."

Nag-patuloy na ako sa iyak ko. Kinapa ko ang inhaler sa bag ko. Buti nandito pa siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ang inhaler ko.

🍭🍭🍭

Hinatid na niya ko pauwi at laking pasasalamat ko talaga na nandiyan siya para sakin kanina.

"Mag-ingat ka sa sususnod. Wag ka na kasi magpunta samin. Sabi ko naman sa'yo ako ang pupunta sa'yo. Susunduin na kita lagi sa classroom natin. Wag mo ng uulitin yon Jee, please."

Tumango ako at ngumiti. Niyakap niya ako at hinagod-hagod niya ang buhok ko.

"Goodnight love, wag ka na matakot. Nandito lang ako. Matulog ka na. I love you."

Pagkatapos non ay hinalikan niya ako sa noo. Napangiti ako. Muli niya akong niyakap.

"I love you too. Goodnight Oppa. Thank you."

Lollipop | w.ykTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon