39 -Narration

420 16 0
                                    

(A/N: Bold - Mark, Normal - Min-Jee, Italics - Others)

Min-Jee's POV

Hehez, monday na naman. Katamad bes! Bakit kasi 5 araw pa pasok. Pwe. So ayun nga, tapos na ko mag-ayos pero eto, masama parin ang kutob ko dahil....hindi ko rin alam. Basta masama ang kutob ko. Pero I just shrugged. Baka wala lang naman ito. Bumaba na ako at nag-almusal. Pero himala, wala pa rin si Lucas. Baka hindi niya ako mahahatid. Walking distance lang naman, kaya maglalakad na ko.

"Eomma, labas na po ako. Byee!"

Paglabas ko, si Mark nakita ko.

"Ohh, Oppa, bakit ka nandito?"

"Ayaw mo bang nandito ako?"

"Hindi naman. Pero nagulat lang ako kung bakit ka nandito."

"Anyways, tara na."

Inalok niya ang kamay niya at masaya ko namang tinanggap ito. Naglalakad na kami papuntang school. Masaya naman kami. At heto nga nakapasok na kami, pero hindi talaga maiiwasan na pagtinginan ng mga tao. Haysss, kada ba may nakakasama akong lalaki ganyan na agad sila titingin? Tas magbubulungan na nga lang sila maririnig ko rin. Taena, whisper pa more. AHAHAHAH

"Ano ba naman yan, pagkatapos kay Lucas Oppa si Mark Oppa naman."

"Tirador siya ng NCT. Omyghad."

"Social climber."

"Hindi naman siya maganda, wala ngang ka-class class."

"Omyghad. Lahat yata ng NCT members lalandiin niya."

"Ewww. Such a low-class."

Gusto ko ng maiyak. Hindi ako makahinga. Naiiyak na talaga ako. Tumingin ako kay Mark, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Hindi na talaga ako makahinga. Nakita ko namang nataranta si Mark. At inaalalayan niya ko papuntang clinic.

"Omyghad, umacting pa talaga siya para lang alalayan ni Mark Oppa."

"Omyghad. Such a flirt."

"Baka binayaran niya lang si Mark para gawin yan."

"Huwag mo na silang pansinin. Relax ka lang, nandito lang ako Jee."

I smiled at him and then everything went black.

Lollipop | w.ykWhere stories live. Discover now