Chapter 1: ⚒️Thirdy⚒️

Start from the beginning
                                        

Tinignan ko naman ito. Laking gulat ko na tila ba ito'y nasaktan. Hinawakan nya kasi ang kanyang kamay at tinignan naman nya ako na may halong pagtataka.

Napakunot noo naman ako sa kanyang expresyon na para bang may mali akong ginawa. Napailing-iling nalang ako at muli kong ibinaling sa harapan ang aking paningin. Ayoko nito. Ayaw ko ng ganito.

Tumahimik naman ito na dahilan ng aking pasasalamat. Ayaw ko talagang may kumakausap saakin. Hindi ako komportable. Iiwasan ko ang mga tao kung maaari.

Natapos na ang aming klase at nagsimula nang magsi-alis ang mga kaklase ko upang magsi-uwi na. Half day class lang kami kaya may oras pa ako para makapagpahinga. Magtatrabaho pa kasi ako mamayang gabi kay manang selya. Wala na kasi akong ina at ama--wag nanating pag-usapan pa. Basta nag-iisa nalang ako sa buhay.

Sinadya kong magpaiwang mag-isa para kapag lalabas na ako ay wala ng sasabay pa saakin, ngunit ang bago naming kaklase ay nanatiling naka-upo pa, na para bang walang balak umalis. Well, wala akong paki-alam. Sinimulan ko ng ligpitin at ayusin ang mga gamit ko at akmang aalis na, pero nagsalita muna ito mula saaking likuran.

"Wala ka ba talagang alam?" tanong nito.

Dahil sa kanyang katanungan ay bigla akong napalingon at tumingin sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko rin dahil hindi ko alam ang ibig nyang sabihin.

"Wala. Wala." Ngumiti naman ito saakin. Weird. Stupid.

"Kung wala ka ng sasabihin, mauna na ako dahil wala akong panahon sayo." malamig kong sabi.

Tumalikod na ako at tuluyan ng lisanin ang silid na 'yon. Hindi ko alam pero parang ang bigat bigat sa pakiramdam.

--

Alas sais ng gabi nang magising ako. Tamang tama dahil may trabaho pa ako. Tumayo na ako sa aking higahan na isang napakatigas na papag lamang. Tinignan ko ang buong kabuan ng aming tahanan, dati isa itong masaya at buong pamilya ngunit ngayon, isa na itong tahimik at walang kabuhay buhay. Napabuntong hininga ako sa aking nakikita, walang saysay kung magiging mahina ulit ako.

Nagsimula na akong maligo. At pagkatapos ay nagbihis na rin. Tumingin ako sa salamin, ang dating masayahing bata ay napalitan na ng lungkot. Marahil mag-isa nalamang ako sa buhay. Hindi ko alam sa loob ng labing pitong taon, wala na akong ganang mabuhay. Pero tinitiis ko lahat, para sa pangako ko sa aking ina, na mag-aral ako ng mabuti at makapagtapos upang makahanap ng magandang trabaho.

Alas syete na ng gabi ng ako'y makarating na sa aking trabaho. Isa akong cowboy--napatawa ako sa aking nasabi. Nakakapagbiro pa pala ako sa ganitong sitwasyon. Isa lamang akong 'waiter' para sosyal naman kung tawagin sa karinderya at isawan ni manang selya.

"Oh iho, buti anjan kana. Magsimula kana kaagad dahil andami nating costumers ngayong gabi!" Bungad saakin ni manang na makapasok ako sa kusina. Tuwang tuwa ito sa kanyang nakikita. Tumango naman agad ako. Nagsuot na ako ng apron at nagsimula nang magtrabaho.

Marami ngang costumers kaya medyo nakakapagod at nakakalito. Biruin mo, Kahit isa lamang itong karenderya ay dinadayo pa rin ito. Masasarap kasi ang karne ni manang selya. Kakaiba kasi ang lasa nito. One time kasi pinatikim nya saakin ang specialty nitong kare-kare, napakasarap nito. Pero hindi ko rin ito naubos dahil parang masusuka ako. Weird.

Pagkatapos kong linisin ang isang lamesa. Meron nanamang paparating kaya agad ko itong pinuntahan para malaman kung ano ang kanyang order. Mag-isa lamang kasi ito.

Tatanungin ko na sana kung ano ang order nya ng maka-upo na ito, pero namukhaan ko ang kanyang mukha kaya medyo nagulat ako pero agad ding bumalik sa dati kong expresyon. Ang tinutukoy kolang naman ay ang bago naming kaklase na si Samara. Bakit hanggang dito nakikita ko ang pagmumukha nya. Ewan pero naiirita ako sa kanya. Sa mga titig nya, sa mga galaw nya. Para syang inosenteng anghel pero misteryoso na para bang maraming tinatago.

"Hello classmate! It's nice to see you again!" Masigla nitong bati ng makita ako.

"Ano ang order mo?" Bored kong tanong.

"Rude. Ganyan moba tratuhin ang mga costumers mo? Sumbong kaya kita kay aling selya?" Pananakot pa nito.

"Kilala mo si manang?" Tanong ko.

"Yes! Kaibigan sya ng aking ina. Btw, ano palang pangalan mo? Hindi mo pa sinasabi saakin e." Pout pa nito.

"Thirdy." Tipid na walang gana kong sagot.

"Nice name! Bagay. Samara plus thirdy is equal to sardinas!" Tawa nito sa sinabi nya. Sa walang kwentang joke na sinabi nya. Paano naging sardinas yon? Weird.

Tumigil naman agad sya sa kakatawa ng makita nyang wala akong paki-alam sa sinabi nya dahil hindi nagbago ang ekspresyon ko.

"Ay! Ganyan kaba talaga thirdy? Hindi kaba marunong tumawa? Or ngumiti man lang? Ang bored mo naman." Reklamo nito.

"Ano bang order mo?" Pag-iiba kong tanong.

Kung hindi lang 'to costumer kanina ko pa sya iniwan.

Napanguso naman sya at tumingin sa 'menu' sa itaas. "Yun nalang letchong paksiw. Mukhang ang sarap noon atsaka samahan mo na rin ng limang kanin! Nagutom ako sa ginawa ko kanina." Ngisi nitong komento. Hindi ko alam pero kada ngingisi ito, parang may gagawin itong masama. Weird.

Napakunot noo naman ako sa huling sinabi nya. Agad naman nya akong tinignan atsaka nagsalita ulit. "Lininis kasi namin yung bagong bahay namin kanina e. Kaya nakakapagod." Ngiti nito saakin.

"Drinks?" Dagdag ko.

"Harddrinks meron? Ha. Ha. Ha. Tawa ko na to sayo. Juice nalang." Ngiti nito.

Tumalikod na ako dahil hindi ko maatim na kausapin ito. Ewan. Ayoko lang na may matagal akong nakaka-usap.

Binigay ko naman agad ang order nya pagkatapos nitong maluto. Akmang aalis na ako dahil marami pang orders na iseserve pero nagsalita ulit sya.

"Thirdy! Dito ka muna. Mag-usap muna tayo." ngiti nito.

"Wala akong panahon sayo. Marami pang orders na naka-abang." malamig kong sagot.

"Hep!" pagpigil nya saakin. "Ang sunget mo boy! Nakikipagkaibigan lang naman e! Sinabi ko na kay aling selya, pwede ka ng magpahinga. Kaya upo kana dito. " pangungumbinsi nya.

"Hindi mo ba nakikita? Ayaw kong nakikipag-usap sa tao. Ano bang pwede kong gawin para tigilan mona ako?" Walang emosyon kong tanong.

"Nakikipagkaibigan lang naman." Nguso nitong sabi.

Agad naman kaming narinig ni manang kaya agad naman itong sumingit. "Thirdy, kausapin mo muna si Samara. Bago palang kasi sya dito. Kaklase ka rin naman nya, kaya samahan mo muna sya."

Napailing nalang ako sa sinabi nya atsaka tumango.

Umupo naman ako kung sang table sya naka-upo.

Bakit ba kasi ang kulit ng babaeng ito? Nakakairita na.

"So, saan ka nakatira thirdy? Sinong mama mo? Tatay mo? Tell me about yourself hihi." Masigla nitong mga tanong.

Interview ba ito? Hindi ako na-inform. Weird.

"Wag mo ng alamin. Marunong ka sanang rumespeto ng pribadong buhay ng isang tao." Pagsusungit ko rito. Pati si manang dinamay pa nya para lang dito. Hindi ba nya nakikita? Sobrang daming costumers, kaylangan ako dito.

Agad namang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Akmang magsasalita na ito pero pinigilan kona.

"Hindi ko alam kung bakit patuloy mo pa rin akong kinakausap kahit halatang hindi kita gustong kausapin. Kung gusto mo ng kaibigan, maghanap ka jan. Wag ako, pwede?" Pangungumbinsi ko.

Bastos na kung bastos.

Tumayo na ako at hinayahang iwanan ito. Bahala sya jan. Bumili sya ng makakausap nya. Wala akong panahon.

Game overWhere stories live. Discover now