Napangiti siya. "Thank you. I missed you."

"I missed you more," anito. "Bawi ka mamaya, ha?" ang pilyo nitong wika as they watched the video presentation together.

Palihim niyang kinurot ang tagiliran nito. 'Pilyo."

Natawa lang ito.

Then she remembered something. "How's your meeting?"

Ram looked at her and winked.

"Ohmigod," aniya. "Was it successful?"

He nodded with an ear-to-ear grin.

That made her hugged him at once. Ibig lang sabihin ay nakahanap na ito ng mga investors. Matutupad na din ang matagal na nitong plano, ang makapagbukas ng ikalimang branch --- sa Singapore! His first ever branch outside the country. Oh, she was so happy! Pakiwari niya'y walang mapaglagyan ang saya sa kanyang dibdib. She felt so blessed at the moment. Wala na yata siyang ibang mahihiling pa.

Tiningnan ni Ram ang natutulog na asawa. They're on his car, driving all the way to San Gabriel. She looked so tired kanina kaya ang balak niya'y sa Maynila nalang muna sila magpalipas ng gabi at bukas na uuwing San Gabriel. Doon nalang muna sila matutulog sa condo unit nila. Yes, they still have the condo unit. Ang balak niya'y paupahan iyon tutal 'di naman nila nabibisita ngunit ayaw ni Hana.

Kahit pagod ay gusto ni Hana na umuwi silang San Gabriel kaya wala siyang nagawa kundi ang ipag-drive ang asawa. She must missed San Gabriel so much. Isang linggo din kasi itong hindi nakauwi doon, she was so busy because of the upcoming launching of her cosmetic company. Sa Maynila ito namalagi for the whole week para paghandaan ang nalalapit na launching. And now that it was over, she was dying to come home. 

They haven't seen each other for one whole week kasi nga nasa Maynila ito. He, on the other hand, was left at San Gabriel para asikasuhin ang kanyang business proposal. Kanina lang siya actually lumuwas ng Maynila for his business meeting with the investors. And he was very happy for its success. It was, indeed, an answered prayer. He felt blessed.

Medyo madilim na noong nakarating sila ng San Gabriel. Dumaan siya sa may grocery store ngunit sarado na iyon kaya dumiretso nalang sila sa bahay nilang mag-asawa. Doble na sa laki iyong grocery store ngayon at solo na din itong pinamamahalaan ni Ava. Ibinigay na actually iyon ni Hana sa kaibigan noong bago ito bumalik ng Canada. Solo na iyong pag-aari ni Ava sa ngayon.

And yes, they have their own house now. Iyong kinatatayuan noon ng bahay nila Hana, doon nakatayo ang love nest nilang mag-asawa. Hindi naman ito ganoon kalaki. It's a bungalow type house with three bed rooms and a spacious backyard. Iyon ang gusto ni Hana. She want to keep it simple. 

Buying Love (Published Under UMPRINTABLES!) Where stories live. Discover now