Chapter 5 (With important note)

21.8K 340 82
                                    

Note: Hi! I will put my important note here, 'wag na sa dulo para mapansin agad.

Since you, guys, are asking me na i-unlock 'yong whole story ng MPMB and MEPINMH, hindi ko pwedeng gawin 'yon since under Exclusive contract siya sa kabilang platform. But!

Yes, there's a "but". You can unlock the chapters now by watching ads! O, 'di vuh? Madamot, who? Char! You can still pay for the story if you don't want to watch the ads. It's your choice naman. If you don't want to spend your money, you can watch ads. If you're rich-enough naman to spend money for the whole story, then unlock it using your money. Buhay niyo 'yan, choice niyo 'yan. Lol!

Thank you for patiently waiting na ma-complete ko dito sa Wattpad 'yong story, pero it will take years pa talaga. Hindi ko maiba-balik this year, next year, or even the next-next year. Depende na lang kung mabayaran ko agad ang advanced payment, hehe.

Ayorn lang. Hindi ako madamot nor "mukhang pera", sasampalin kita ng pera kapag ganiyan. Charet. Thanks!


Chapter 5:Fight

"She's inlove!"

"Inlove? Kanino?" Takang tanong ni Daddy.

"Kay A-" pinutol ko yung sasabihin ni Mommy.

"Wala po yun! Matagal na yun! Dati pa naman akong inlove kay Shaun, ah?" Depensa ko.

Magsasalita pa sana si Mommy kaso mabilis akong lumapit sa tabi ni Mommy at yumakap sa kanya.

Jusko naman. Ipapahamak pa yata ako ng Nanay ko!

"Tss. I know you're inlove," Dad grinned.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ako!? In love? Hindi, ah!"

"Kanino? Sabi mo kanina matagal mo na s'yang gusto?"

Para akong mahihimatay sa kad-depensa sa sarili ko ngayon. Lalo nang hindi ko mawari kung sino ba iyong tinutukoy niya. Gusto ko nalang maglaho na parang isang bula para maiwasan ang mga tanong niyang gumagasgas sa dignidad ko ngayon.

"She's inlove with Ar-"

Pinutol ko ulit ang sasabihin ni Mommy gamit ang pagtakip sa bibig niya gamit ang mga kamay ko. Para na kaming timang dito. Nahihiya na ako lalo't narito pa ang Llaneza family na takang-taka na sa asta namin.

"Ar? Sinong Ar?"

"'W-Wag n'yo na lang pansinin si Mommy!"

May tinuturo si Mommy kaya tinignan ko nang mabuti kung sino yun. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Sir iyong tinuturo niya. Nilingon ko si Sir na kunot noong nakatinging sa akin. Mukhang naw-weird-uhan na s'ya sa akin dahil sa reaksyon ng mukha niya. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Mommy at mabilis na ibinaba iyon.

"Mommy, naman! Sige ka, isusumbong kita na nagwagwapuhan ka kay Sir," bulong ko.

Natahimik si Mommy kaya napangisi ako.

"Nothing," Mommy shrugged her shoulders.

Napangisi ako nang mapansing hindi na kumibo si Mommy. Tumahimik na siya na mas lalong ikinataka nina Daddy.

"Sinong Ar yun, Catriona?"

"Wala yun, Daddy. Ano yun, ah. 'Arf arf' lang yun. Tama, tama! 'Arf arf' lang yun kasi naglalaro kami ni Mommy, hehe," palusot ko.

"Arf arf?? Ate, you're so funny," tuwang-tuwang ani Arden.

Matalim akong tinitigan ni Daddy kaya ngumuso lang ako. Mukhang napansin niyang hindi na kumibo si Mommy kaya binalingan niya na ang mga kasama niya. For sure, they're talking about business again.

My Professor, My Boyfriend (Professor Duology 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora