Chapter 2

21.8K 473 63
                                    


Chapter 2:Here Comes Trouble

Gulat na nakatingin sakin yung mga kaklase ko lalo na si Anne. Hindi ko pinansin iyon at sinamaan naman ng tingin si Sir at tuluyan ng dumeretso sa Dean's Office. Yare na naman ako kanila Mommy nito.

Nakatayong hinintay ko si Dean sa loob ng office. Ilang minuto pa ay dumating na rin sya at si Sir. Masama ang tingin sakin ni Dean, si Sir naman ay pa-cool lang. Napairap tuloy ako.

"Ms. West, ano na namang gulo 'to!? Tumigil ka na 'di ba? Bakit nangyari na naman 'to?"

Kasalanan naman kasi ito ni Sir! Kung hindi niya lang ako pinuno, e 'di sana ay hindi mangyayari ang lahat nang ito. Hindi ko sana siya masasagot, hindi ko sana siya mababastos, at mas lalong hindi sana kami aabot dito.

"S-Sorry, M-Ma'am.."

Marahan akong napatungo para magpakumbaba. Hindi naman nakaligtas sa akin iyong pagngisi ni Sir nang makita ang ginawa ko. Hindi ko muna yun pinansin at tumingin muna sa mga daliri ko para paglaruan iyon.

"Sorry!? Nambastos ka na naman ng Teacher mo! Wala ka talagang galang na bata ka! Ipapatawag ko ang magulang mo!"

"W-What? No!"

"Miss Jaycee, pakitawagan ang parents ng batang ito."

At ganun na nga ang ginawa ni Miss Jaycee. Nakasimangot kong hinintay sila Mom sa office ni Dean. My Professor is smirking at me the whole time.

Uh! He's really annoying!

Makalipas ang trenta minutos ay dumating na din sila Mommy. Bakas ang galit sa mukha ni Daddy at si Mommy naman ay nagaalalang nakatingin sakin. Naka-corporate attire si Dad at mukhang galing pa siya sa kumpanya. Malalagot talaga ako kapag nalaman kong naabala pa sila sa kumpanya para lang puntahan ako dito at ang gulong pinasok ko.

"Mrs. and Mr. West, nangbastos na naman ng Teacher iyang anak n'yo! Sinigawan at pinagsabihan ng kung ano-ano si Mr. Llaneza. Tumigil na ho yan pero inulit nanaman..." Si Dean.

Bumaling sakin sila Mommy na para bang naghihintay ng sasabihin ko. Hindi naman ako kumibo at nanatiling tahimik na para bang hindi nakikinig sa sinasabi sa kanila ni Dean.

"Is it true?" Kalmado ngunit bakas ang galit na tanong ni Dad.

"Y-Yes, D-Daddy."

"Anong usapan natin kapag nangyari ulit 'to, Catriona!?"

"Calm down..." awat ni Mommy kay Daddy pero 'di pa rin s'ya nagpaawat.

"S-Sorry.."

"Bukas na bukas ay ihahatid na kita sa America. Aayusin ko nalang yung mga forms mo dito." Serysong sabi ni Daddy kaya nainis ako.

"I don't wanna live there, Dad!" Sigaw ko.

Nagtangis ang kaniyang bagang at sinamaan ako ng tingin. Napanguso ako.

"Bakit hindi mo gayahin ang Kuya mo!? Mag aral ka nang mabuti kagaya nya hindi yung kung ano-ano ang pinaggagawa mo! Nasaan ang Kuya mo ngayon? The best Architect na sa New York! Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

That's the reason why I hate my Dad. He always compares me to my older brother, Kuya Tyler. E kung tutuusin ay mas matanda naman sa akin si Kuya Tyler kaya malamang ay may naabot na 'yon. E, ano ngayon kung Architect na si Kuya doon? Ikayayaman ba ng Pilipinas 'yon?

"But, Dad! I'm not like him! Hindi ako si Kuya Tyler."

Bumuntong hininga ako kasabay ng pangingilid ng luha ko. I maybe a stubborn child but I'm really soft. Kaunting bagay ay nagpapaiyak sa akin. I'm really sensitive na maski pagsigaw lang ay pakiramdam ko, inaapi na ako.

My Professor, My Boyfriend (Professor Duology 1)Where stories live. Discover now