"Tss. Parang magkasama lang tayo kahapon.."

"Pero, you're physically present but emotionally absent," maarteng sagot ni Erianne.

"Let's go."

Napagdesisyunan na naming tumungo sa loob. Sa last floor agad kami dumeretso, doon sa sinehan dahil iyon naman talaga ang plano namin kanina palang. Manonood kami ng sine. Horror ang genre dahil iyon ang malimit naming panoorin kaysa sa mga love stories, e, pare-pareho lang naman kaming mga bitter pagdating doon. Baka kapag naglandian na iyong mga mag-partner sa movie, ang mga tao ay kilig na kilig habang kami ay napapangiwi nalang.

Natatawa ako sa sarili ko dahil bitter ako pagdating doon ngunit patay na patay naman ako sa ex kong ghinost lang ako. Nang makapasok kami ay mag i-istart na ang movie kaya nagmadali na kami, apat nalang din ang bakanteng upuan dito sa itaas kaya dun na kami umupo. Ako ang nasa dulo at ang katabi ko naman ay si Erianne, napag-gitnaan ni Erianne at Thea si Keith. Habang nanonood ay nadidistract ako dahil tumutunog nang tumutunog ang phone ko.

Kinukulit ako nung unknown number na iyon! He/she keeps on saying that were 'bagay' daw. Tss. Bagay his/her face. Hindi ko na siya ni-reply-an. Sana mawalan siya ng load katetext sa akin.

Habang nanonood ako ay may liwanag na nanggaling sa tabi ko kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko.Binuksan n'ya yung phone n'ya at gayon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino iyong taong katabi ko ngayon.

Bakit ba sa dinami-rami ng mall sa mundo ay dito ko pa siya makikita? O, gosh.

Nawala na yung ilaw dahil pinatay n'ya na yung phone n'ya at sakto namang nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at nakitang may text na naman.

Kailan kaya ako tatantanan nito? Hindi ba siya nakakaramdam ng hiya lalo't hindi naman ako nagrereply sa kaniya? Hindi niya ba makuhang ayaw kong makipag-mabutihan sa kaniya lalo't hindi ko naman siya kilala?

Unknown Number:
You're so beautiful.

Inirapan ko ang message na iyon at inalis. Pumunta ako sa number ni Shaun at naisipang i-text iyon.

Ako:
Hey! Movie date with friends :) They miss you a lot :)

Ang totoo niyan, ako lang ang nakakamiss sa kaniya. Alangan namang sabihin ko sa kaniya miss ko na siya? Ayoko, magmumukha akong desperadang nakikipagbalikan sa kaniya. Kahit ang totoo ay iyon naman talaga ang gusto ko. Gusto kong bumalik siya sa akin kahit pa napaka-imposible na.

Sari-saring tili na ang naririnig ko sa buong sinehan pero binalewala ko na lang iyon at muling hinintay kung sasagot ba si Shaun. Papatayin ko na sana ang phone ko nang bigla itong dumulas sa kamay ko. Napamura ako dahil doon.

Yumuko ako at kinapa-papa ko yung phone ko pero wala akong makapa kaya nagsimula na akong gapangan ng kaba.

"Bwisit naman," bulong ko.

Sinubukan ko ulit kapain iyong sahig ngunit kahit anong signs ng phone ko ay wala akong makapa. Naiinis na naman tuloy ako.

"Uy, anong ginagawa mo?" Pabulong na tanong ni Anne pero 'di ko muna pinansin at nag-tuon ng pansin sa pagkapa.

Habang kumakapa ako ay may nakakapa akong rubber shoes. Inalis ko yung kamay ko dun at muling naghanap. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Sir iyong rubber shoes na iyon.

"Sheez naman talaga, o!"

Bumalik ako sa kinauupuan ko at iginala ang paningin ko. Tsaka lang ako dumikit kay Anne at bumulong.

"Pahiram phone."

"Ano?" Bulong niya pabalik.

"Pahiram ng phone, ipangf-flashlight ko lang."

My Professor, My Boyfriend (Professor Duology 1)Where stories live. Discover now