You and I Beneath the Sky

111 17 15
                                    

YOU AND I BENEATH THE SKY
One-Shot Story
by Sky_Supreme

Written: March 8, 2018
Revised: Year 2020





Allieah's P.O.V.


Minsan...may mga bagay kang gusto pero kahit anong pilit mo, hindi pwedeng mapasa'yo.

Bakit? Dalawa lang ang pwedeng maging rason. Una, maaaring hindi pa ito ang tamang pagkakataon...

O kung hindi naman kaya, ay marahil nakatadhana na ito sa iba at hindi talaga para sa'yo...

“Good morning, Allieah.” Pababa na ako mula sa kwarto nang salubungin ako ni Mama at saka ito humalik sa pisngi ko.

“Good Morning, Ma. Ohh si Jane?” tanong ko habang binubutingkal ang sling bag na suot-suot ko.

“Ano pa ba? Ede nasa Flower Shop na. Mabuti na nga yan at may mapagkaabalahan 'yang kapatid mo, hindi puro cellphone,” tugon sa'kin ni Mama. Lumapit naman siya sa may vase na nasa centre table nitong sala namin habang inililipat ang dala-dala niyang mga green rose. Amoy na amoy ko pa ang halimuyak nito.

May pag-aari kasi kaming flower shop—ang Cabrera's Flower Shop. Ipinundar ko ito matapos maka-graduate sa college noong nakaraang dalawang taon matapos kong maka-graduate sa college, at swinerte naman, dahil napalago namin ito. Kasalukuyan itong mina-manage namin nina Mama. Hindi ko naman ma-handle nang mag-isa ang shop dahil bukod sa pagiging manager nito, lead vocalist din ako ng isang banda na talagang passion ko rin.

“Uyy! Ano yan ha? Narinig ko yata ang pangalan ko?” nakangiting bungad mula sa kabilang pinto ni Jane—ang kapatid ko. Magkarugtong kasi ang shop at bahay namin kaya for sure narinig niya na naman si Mama.

“Puro ka raw cellphone, hmmm...Nagjo-jowa ka na siguro noh?” pangsisermon ko sa kapatid ko. Napataas naman ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

“Wow ha? Jowa talaga? Hindi ba pwedeng nai-enjoy ko lang ang social media world? Hmm...” Napairap pa siya. “Ang bitter mo kasi Ate dahil NBSB ka pa."

“Aba—” Susungitan ko pa sana siya pero agad akong sinaway ni Mama. Wala na akong nagawa nang magtago siya sa likod ni Mama at saka ngumiti-ngiti sa akin. Nakakainis!

“Hayaan mo na 'tong kapatid mo, Allieah. Sigi na at baka ma-late ka na naman sa rehearsal niyo.” Magpapaalam na sana ako ako para umalis pero bigla na namang suminggit si Jane.

“Ayyyyiie! Sa practice pala ng band ang punta mo, Ate?”

“Oh bakit na naman?”

“Wala naman, Kamusta mo ako kay Kuya Patrick ah. Yiie...”

“Para kang baliw,” sita ko sa kaniya. Alam ko na kasi kung saan ang patutunguhan ng pangungulit niya. Halos araw-arawin nga nito ang pangi-echos sa'kin na bagay raw kami ni Patrick, ang lead male vocalist ng banda namin.

Hindi ko na lang pinansin pa ang mga pinagsasabi ng kapatid ko at saka na nagpaaalam kay Mama. Dumiretsyo ako palabas sa Flower Shop namin at agad ko namang nakita si Joshua—ang boybestfriend ko since highschool. Parang nakababata ko na ring kapatid 'to at kasalukuyang rumaraket sa flower shop namin. Halos pamilya na rin ang turing naman sa kaniya.

"Uyyy, Josh!"

"Oh saan lakad mo?"

"Practice po!” Natawa na lang ako sa kaniya. “Huwag masyadong protective ah. Mas matanda kaya 'to sayo!" pangbibiro ko rito.

“Eh?Bahala ka diyan!” pasinghal niyang sambit pero sa huli napangiti na lang siya dahil sa pagngiti ko.

“Oh sige na, bye! Kayo nang bahala." sabi ko sa kaniya at saka nag-thumbs up. Napa-thumbs up na naman siya pabalik sa akin at saka-saka umiling. Hindi talaga ako matiis ng mokong na 'yon.

You and I Beneath the Sky | Oneshot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon