⚒️LET'S START⚒️

Começar do início
                                        

"Let the game begin." sinabayan agad ni samara na itulak si cruzet sa hagdanan upang ito'y mahulog. Ngunit hindi pa ito sapat, hindi pa ito ang gusto nyang laro. Gusto nya ng brutal, gusto nyang makakita ng dugo. Gusto nyang pumatay.

---------------------------------

Hinang hinang hinawakan ni cruzet ang kanyang ulo. At ng tinignan nya ang kanyang kamay ay mayroon itong malapot na dugo. Marahil kanina pa sya nahimatay.

'Nasaan ako?' sambit nya sa kanyang isipan. Tinignan nya ang buong paligid. Madilim. Walang tao. Ngunit nakakasigurado nya ay nasa silid ito.

Akmang tatayo ito at magsisimula nang maglakad ngunit napadapa lamang ito, dahil may naka kabit na kadenang bakal sa kanyang binti at hindi lamang iyon, meron din nakakabit na bomba sa kanyang tiyan ngunit hindi pa gumagana ang orasan nito.

"Gising kana pala," anang tinig mula sa isang 'radio speaker'.

"Maganda ba ang iyong gising, cruzet?" tanong nito.

"Sino ka? Nasaan ako? Ilabas nyo ako rito! Tulong!" napapaos na sigaw ng dalaga.

"Oh. Hindi pa nagsisimula ang larong aking inihanda para sayo, cruzet." malamig na sagot ng tinig.

"Sino ka ba?!" tanong ng dalaga.

Tumawa muna ito ng napakalakas. "Samara." tipid nitong sagot.

"Hindi ganyan ang boses ni samara." maiiyak na hindi makapaniwalang komento ng dalaga.

"No other than, cruzet. Ang tanga tanga mo talaga kahit kaylan." pa iling iling na maririnig mo mula sa naglalabasang tinig na iyon.

"Hindi kayang gawin ng limang taong gulang na bata ang mga bagay na ito."

"Sino bang may sabing ako ang may gawa ng bagay na 'yan?" tumatawa ito na para bang may kamalian kang nabanggit.

"Samara, pakawalan mona ako dito. Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Wala akong makitang naging kasalanan ko sayo." pagmamakaawa ang maririnig mo sa bawat pagsambit nya ng mga salitang 'yon.

Naaawa na si cruzet sa kanyang sarili at sa maaaring mangyari sa kanya. Ngunit si samara ay hindi mo makikita sa kanyang boses ang pagkaawa na sinasapit ngayon ng dalaga. Kakaiba talaga ito pagdating sa kanyang nilikhang laro, siya lamang nakakaalam at makakapagsabi kung kaylan ito magsisimula at matatapos.

"Wala nga ba, cruzet?" nakakaloko nitong tanong.

"Wala samara, wala." pangungumbinsi nito sa sarili nya.

Alam ni cruzet kung ano nga ba ang magiging kinalalabasan ng kanyang buhay ngayon. Mukhang sa tinig palang ni samara, wala na syang balak pa itong pakawalan.

"You have a secret affairs with my beloved father, am I right cruzet?" pagtatama nito at sabay tawa pa. Kung titignan, hindi mo maiisip na kaya itong gawin ng limang taong gulang pa lamang. Kung ano ang dahilan, siya lamang ang nakakaalam.

"Hindi ko alam ang sina--sabi mo." napahikbi nitong sagot.

"Sinungaling!" galit na galit na sigaw ni samara na dahilan upang dumagundong ang boses nito sa buong silid. Agad namang nagkaroon ng pangamba si cruzet dahil iba na ang nararamdaman na galit ng bata.

"Kung ang mommy ko, kaya mong gawing tanga, ako hindi! Hindi kaylanman cruzet!" dagdag pa nito.

"Ginawa ko lamang iyon dahil mahal ko ang daddy mo!" pag-aamin nito sa bata.

Tumawa ng malakas si samara dahil sa kanyang narinig. Hindi na alam ni cruzet kung nababaliw na ba ito o ano. Iba iba kasi ang ipinapakita nitong emosyon.

Game overOnde histórias criam vida. Descubra agora