♠️ - X

1.1K 29 74
                                    

After four years...

"Excited na akong makita ka ulit!" sigaw ni Ai sa kabilang linya habang kausap si Gerine.

"Sana umabot ka bago mag ala sais ng gabi dahil may gig ang Spades malapit sa 'tin!"

Ngumiti lang si Gerine. "Sige, bye na."

Iniayos niya ang mga gamit niya habang nakangiti. Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang madampot ang isang picture frame ng spades na dinala niya dati dito sa Canada four years ago.

Sa loob ng apat na taon, bukod sa pag-aaral ay naging updated pa din siya sa paborito niyang banda. Update? Si Unique na lang ang walang girlfriend.

Isinara niya ang maleta at saglit na nag-bukas ng Facebook bago tuluyang humiga.

Natas Reficul Bubezleeb

ANG POGI KO TALAGA SOBRA.
4 min ago

715 | 121 comments | share

Tinitigan ito ng matagal ni Gerine habang natatawa at nagscroll down.

Alas kwatro ng madaling araw nang umalis siya sa condominium na pinags-stayan niya at pumunta sa airport. Tahimik ang naging biyahe at nakauwi siya sa Pilipinas ng alas tres ng hapon.

Sinalubong siya ng mommy at daddy niya sa airport at saglit na kumain kasama ang mga lolo't lola niya. Tiningnan niya ang relo ay 5:30 na ng hapon.

Hindi niya alam kung paano papasok dahil baka nasa loob na si Ai at wala naman siyang ticket. Hindi din kasi available ang walk in sa pagbili ng ticket dahil mabilis itong naubos.

"Kuya, sige na po please. Kasi ando'n po talaga kaibigan ko. Nasa kan'ya po yung ticket ko," pagpapaliwanag nito pero umiiling lang ang guard. "Di po talaga pwede."

"Gerine?" nag-angat siya ng tingin at nakita si Unique na pinalilubutan ng mga marshalls.

"Unique!" nagliwanag ang mukha niya.

"Wait lang po," wika niya sa mga marshalls kaya saglit siyang binitawan.

"Nakabalik ka na pala?"

"Kanina lang.."

"Eh bat and'yan ka sa labas?"

"Na kay Ai kasi ticket ko. Nagpasabay lang kasi ako.."

"Ha?"

Napakamot si Gerine sa batok. "Di bali na, nex--"

"Kuya, kaibigan ko 'to. Binigyan ko po ng backstage pass," palusot ni Unique.

"Okay po!" wika nito at ngumiti at pinagbuksan sila ng pinto.

"Bakit ikaw lang?"

"Late kasi ako, hehe. Tapos ando'n na din sina Mama," natatawang sambit nito.

Nang makapasok sila sa loob ay nagthank you ito kay Nikkoi at hinanap si Ai sa audience.

"Bessy!!" sigaw agad ni Ai at niyakap si Gerine.

"Buti nakapasok ka? Nasa akin ticket mo, ah?"

"Ah, oo. Pinacheck ko sa kanila na under ng pangalan mo," palusot nito.

Nang maghiyawan ang mga tao ay napako ang tingin niya sa stage. Lumabas ang apat at parang pakiramdam niya ay first time niya ulit makapunta sa gig.

"Okay lang ba kayo?" panimula ni Blaster.

Ang linyang ito ay nagdulot ng pagtaas ng balahibo ni Gerine. "Shet. Si Ter.."

Mundo [ A IV of Spades Fanfic ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon