♠ - IV

1.4K 41 27
                                    

[THIRD PERSON]

"Ano apelyido no'n?"

"Ewan ko, dapat ikaw nagtanong eh."

Sumimangot si Blaster at binalik ang headphones sa tainga. Kinalikot niya ang cellphone niya at nakita ang isang text message na sinend ni Gerine nang hiniram ang phone niya.

Tinawagan niya ito at agad na sinagot ni Ai. "Hello, tito? Wala po si Gerine dito eh."

Ibinaba agad ni Blaster ang tawag. "Bakit Tito?" sa isip isip niya. Itinext niya ang number ni Ai ng "Pa-forward naman number ni Gerine, na-delete ko."

Napakunot ang noo ni Ai nang makita ang text pero agad ding ipinasa ang number ng kaibigan.

"Thank you."

Hindi niya na 'to nireplyan at pinagpatuloy ang pagagawa.

Si Blaster naman ay hindi mapakali. Iniisip kung tatawagan ba o hindi ang number ni Gerine. Kung kanina, iniisip niya kung paano nagkakaroon, ngayon, iniisip niya kung ano ang sasabihin.

Sa huli, hindi niya na tinext at hinayaan na lang. Nilibang niya ang sarili gamit ang gitara na palagi niyang bitbit.

Nag-perform sila nang matagal at pagkatapos ay dumiretso na sa hotel na pags-stayan nila hanggang sa kinabukasan.

"Uy, pre congrats nga pala!" wika ni Zild kay Blaster.

"Yieee, may graduate na tayong isang SHS na 'Ang Bogus Musician'" pangaasar ni Zild.

Pinakita ni Zild ang picture ni Blaster na naka-toga sa dalawa. Napangiti sila na sa isang shot sa kaliwa ay gitara ang hawak-hawak nito.

 Napangiti sila na sa isang shot sa kaliwa ay gitara ang hawak-hawak nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Salamat," nakangiting sambit nito.

Inayos nila ang mga gamit nila pati ang hihigaan. "Ter," pagtawag ni Badj.

"Pupunta ba siya?"

"Sino?"

Nagkibit balikat lang si Badj at iniwan si Blaster na nakakunot ang noo. Humiga si Blaster at isinaksak ang earphones sa tainga. Ipinlay niya ang paborito niyang pampatulog at nakalimutang hindi pa pala nakasaksak ang earphones niya sa cellphone.

"Johnny, Johnny? Yes Pap--"

"HAHAHAHAHAHA!" pagtatawanan nung tatlo. Mas nakakatawa ang reaction ni Blaster na gulat na gulat ang reaksyon.

"Tunay nga! Pampatulog nga!" panloloko ni Unique. "Johnny, johnny? Yes Papa?" pagkanta pa ni Zild.

"Mga loko, matulog na nga kayo!" hindi napigilang matawa ni Blaster.

Saglit siyang lumabas at pinilit na ikalma ang sarili para sana matawagan si Gerine.

"San punta?"

Mundo [ A IV of Spades Fanfic ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon