Prologue

588 11 0
                                    

My former teacher, is soon to be my lover.

Can't wait for that day.

Two years have passed.

Maayos na ang lahat ngayon.

Grade 1 na si Solhee.

Grade 10 na si Roxanne.

Going strong sina Lyn at Johnny. Pati si Kuya Sidney at Maureen. Akalain niyo yun, may lovelife na ang bitter.

Nagkakaroon na ng improvement si Kuya Simon, dahil sa tulong namin at lalo'ng-lalo na dahil kay Ate Irene.

Si Rica may manliligaw na. Alam niyo kung sino? Si Valerio lang naman.

Si Suzy? Huling balita ko sa kanya, nasa ibang bansa na siya. Alam ko trainee siya sa isang sikat na entertainment dito sa pinas. Ewan ko ba do'n at nasa ibang bansa.

Kami ni Anthony?

Ewan.

AHAHAHAHHAHA!

Biro lang. Going strong din kahit walang kami.

Lol.

1st year college na ako. Business Management ang kinuha kong course. Well, ako kasi ang tagapagmana ng CLS Clothing Company, humbly speaking.

Yep, 'yon ang business ng pamilya namin, kilala ang clothing brand namin sa Asia at Western.

Si Anthony gano'n pa din, homeroom teacher ng 9-Reguero. Sana nga di na siya ilipat. Malay niyo ma-promote kasipag kasing magturo.

Nasa bahay na kami, kakagaling lang namin sa puntod nina Kuya Henry at Ate Sam. At ang lalaki'ng ito nagiinarte na dahil ilang araw nalang ay back to school na.

"Huk!" Nagulat ako nang bigla nalang akong yakapin ni Anthony sa likod.

Hinampas ko ang braso niya. "Bigla-bigla kana namang nangyayakap diyan."

"Gusto ko eh." sagot niya at hinalikan ang pisngi ko.

"Umuwi kana." sabi ko sa kanya at hinarap siya. "Gabing-gabi na."

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko. "Matulog kana agad ha!" tumango naman ako sa kanya at hinatid na siya hanggang sa may gate.

Nagtaka ako nang nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang sinasara ko na ang gate. "Ba't hindi ka pa naalis?"

"Pumasok ka muna sa loob." natawa nalang ako sa kanya. Humawak ako sa gate at tumingkayad. Tsaka ko siya hinalikan ng mabilis.

"Goodnight. Ingat ka." sabi ko sa kanya at tumalikod na pabalik sa loob.

Pagka-lock ko ng pinto, narinig ko ang pag-andar ng kotse niya. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko.

Kahit kailan talaga, he never fails to make my heartbeat fast.

Napangiti ako.

Sana ganito nalang kami palagi.

Pero nawala ang ngiti ko nang mapagtanto ko ang isang bagay.

Kahit anong anggulo, hindi pa rin maitatangging...

...teacher siya, estudyante ako. Nasa iisang school kami.

Pero nalagpasan naman namin diba? Magagawa naman namin hanggang sa makapagtapos ako diba?

Diba?

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para matulog. Pero may napansin akong bagay na nasa ibabaw ng mini table.

Napangiti ako at napatawa nang mapagtanto ko kung anong iniwan ni Anthony. Kinuha ko yung note na nasa tabi ng teddy bear.

Hindi na naman tayo masyadong magkikita kaya iniwan ko na sayo 'yang teddy bear. Natatandaan mo pa ba kung saan galing 'yan?

"Couple bear na napanalunan mo sa opening ng Arcade, four years ago." sagot ko sa tanong niya sa note nang nakangiti.

Kinuha ko ang teddy bear kasama ang note at umupo sa may tabi ng bintana.

Akalain niyo 'yon. Parang kailan lang nung nakilala ko siya sa room, nakalaro sa Arcade. Tapos eto na kami ngayon.

Iniwan ko sa'yo 'yan para kahit papaano lagi mo pa rin akong kasama. Sayang nga lang at wala na si Pichi. Hinayupak kasi 'yang kuya mo eh.

Napahagalpak ako ng tawa. Hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari dun sa teddy bear ko.

Pero anyways, ingatan mo 'yan ha. Iyan lang ang kaisa-isang ala-ala ko sa'yo. Ikaw na din magpangalan. Kung gusto mo. :)

Mahal na mahal kita.

Niyakap ko ang teddy bear habang nakangiti sa note na binasa ko.

"Mahal na mahal din kita."



Riddles Of The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon