Chapter 1

7.9K 69 2
                                    

Magda's POV

"INANG! AALIS NA HO AKO!" Sigaw ko sa sala. Nasa kusina kase si inang nagluluto ng agahan ng mga kapatid ko.

"Sige mag ingat ka Magda!" Sigaw din ni inang. Nilapitan ko naman yung pangalawa kong kapatid na nakaupo sa sofa.

"Dianne! Ikaw na muna bahala kay Dhea ha. O eto pambili nyo ng pagkain." Inabot ko naman sakanya ang singkwenta.

"Balik ka kaagad ate ha!" Sabi niya saken habang umiinom ng kape.

"Ito naman! Di pa nga ako naalis, pinapabalik mo na agad ako." Natatawang sabi ko pa sakanya.

"Si ate talaga! Sige na ate. Ingat ka ha." Nakangiti niyang sabi at tumango lang naman ako.

Lumabas na naman ako ng maliit naming bahay. Nabungadan ko sa harap ng kalye namin sila Patong na ang aga aga maginuman.

"Magda! Ang ganda mo talaga. Kumpleto na araw ko." Sabi pa ng isang kasama ni patong na si willy ng makita nila ako.

"Ang aga niyo na naman mag inom!" Sabi ko sakanila. Yung ibang kasama naman ni patong ay mga nakatingin sa hita ko. Naka skirt lang kase ako.

Napailing nalang ako. Mga manyakis talaga!

"Shot ka muna, Magda." Sabi pa ni Patong sabay abot sakin ng baso pero inayawan ko yon.

"Ayoko. Aalis na ako. Bye!" Sabi ko pa at nagpara na ng tricycle. Natawa naman ako ng makita ang inis sa mga mukha nila. Araw-araw naman silang ganyan, di pa ba masasanay.

Ako si Magdalena Gracia dalawamput isang taong gulang. Ulila sa magulang pero kahit pa ganon may magagandang pangangatawan at mala dyosang mukha. Oh pak!

Pupunta ako ngayon sa kaibigan ko na si Trinitty. Sabi niya kase saakin may nahanap daw siyang raket daw siyang nakuha ngayon sa amo niya at gusto niya akong isama.

Nasa kabilang baranggay kase nakatira si Trinitty, dati ay magkapit bahay lang kami pero dahil nasunugan sila kaya sila lumipat.

"Manong dito nalang ho." Sabi ko kay manong driver. Nagbayad lang ako at bumaba na.

Pumasok naman ako sa iskinita. Dahil sa dulo pa ang bahay nila.

"Hi Magda." Bati saken ng mga kapit bahay nila Trinitty. Ka close ko na din kase sila dito. Dahil lagi akong nandito kila Trinitty.

"Ay hello po. Ang dami naman po ng labahin niyo." Sabi ko pa.

"Oo nga eh. Ikaw aba ang ganda mo ngayon ah, may lakad ba kayo ni Triny?" Tanong niya saken.

"Ay opo." Sagot ko lang at kumatok na kila Trinitty. Wala pang isang segundo bumukas agad ito.

"Uy bakla nanjan kana pala." Sabi niya at pinapasok ako.

"Aba bakla ka! Akala ko ba nay gora tayo ngayon? Eh bakit hindi kapa bihis?" Sabi ko pa sakanya. Pumasok naman ako sa bahay nila at umupo.

"Mamaya pa naman gabi ang gora natin. Aalis tayo ngayon magmamall." Kinindatan niya pa ako. Jusqo! Kung hindi lang maganda itong si Triny. Baka mukha tong monggoloyd na nakindat.

"Ay kabog! Shungina may money ka ba?" Taas kilay na tanong ko sakanya.

"Abay oo namern! Libre kita. Pang wampipti lang tayo!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. May pag mall mall pang nalalaman 150 lang naman pala ang bibilhin ng gaga.

"Bakit magkano ba budget mo?" Tanong ko sakanya.

"Binigyan ako ng isang libo ng aking mayora kanina!" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Isang libo?! Ang laki naman non! Bat ka naman binigyan?" Nanlalaking matang tanong ko sakanya.

WCS2: A Long Lusting LoveWhere stories live. Discover now