SPECIAL CHAPTER - Thump... Thump...

56 2 11
                                    

tentay14's note: Karog po ng Chapter 6... Enjoooooyyyy!!!! ^_____^v


+++++

Peach Residence

Kasalukuyang nasa sala ang mga maknae kasama ni Jisung at Jaehwan para pag-usapan at pag-planuhan ang celebrasyon na gagawin nila para sa darating na kaarawan ni Ha Sungwoon.




Nasaan ang iba?





Si Minhyun, Seongwu, Daniel at Sungwoon naman ay pumunta sa grocery para bumili ng mga pagkain nila.

"So, ano ng plano?", tanong ni Jisung na prenting naka-upo sa single sofa.

"Ano nga ba?", tanong ni Jaehwan na naka-upo sa pahabang sofa na busy naman sa pag-strum sa kaniyang gitara.

...

...

...

"Wala naman pala tayong mga kausap", salita ni Jisung kay Jaehwan sabay tingin sa mga maknae. Napatingin din si Jaehwan sa mga ito.

Una nilang nakita ang dalawang lovers... este mag-bestfriend kuno na si Daehwi at Jinyoung na naka-upo sa sahig at magkaharap habang busy sa The Musician na laro.

"Yah!"

"Hahahahaha", tawa ni Jinyoung.

"Madaya ka Hyung!", naka-busangot na salita ni Daehwi.

"Hindi kaya~. Hahahahaha".

Sunod na tiningnan nang dalawa si Woojin na ilang dangkal lang ang layo mula kay Jaehwan. Naka-upo din kasi ito sa pahabang sofa habang busy sa pag-tatype sa kaniyang cellphone at halata sa mukha nito na kinikilig.

"I smell something fishy", salita ni Jisung kay Jaehwan.

Huling tiningnan nila Jisung at Jaehwan sina Kuanlin at Jihoon na naka-upo sa sahig at nakaharap sa center table dahil busy sila sa pagkain ng ramen.

"Hyung, patikim ako ng ramen mo", salita ni Kuanlin sabay kuha ng ramen ni Jihoon at tinikman ito.

"Yah!", sita ni Jihoon. "Huwag mo ubusin", dagdag pa nito.

Napabuntong hininga nalang tuloy ang dalawa dahil sa mga ito.

Lumipas ang ilang oras...

"GUYS!!!", sigaw ni Woojin kaya agad silang napalingon dito.

"Bakit?", nagtatakang tanong ni Jisung.

"Sabi kasi ni Sohye may plano na raw sila para sa birthday celebration ni Sungwoon-hyung".

"Talaga?", - Jaehwan

"Ano raw ang plano nila?", - Daehwi

"Baka naman kalokohan iyan", - Jinyoung

"Hindi naman sila magpa-plano ng kalokohan", - Kuanlin

"Baka kayo pa ang gumawa ng kalokohan", - Jisung

"Basta maraming pagkain... walang problema sa akin kung ano man ang plano nila", - Jihoon

"So, anong plano nila?", tanong ulit ni Jisung.

"Ganito raw...", at sinabi ni Woojin ang plano ng mga taga-Cherry.

Kinagabihan...

Tahimik na kumakain ang mga taga-Peach. Ni isa walang nagsasalita or rather say walang gustong magsalita sa kanila para mag-kuwento or what. Napansin naman ito ni Sungwoon na siya na rin ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanilang lahat.

Colorful Heart Strings~ ♥Where stories live. Discover now