CHAPTER 2 - Another Brand New Day... For Us?

90 2 15
                                    


tentay14's Note: Hi guyz~ Chap 2 is here made by one and only partner in crime ko, jhayne06. Pwede nyo din makita tong story na to sa account nya... ehehehe...

Thanks pala sa mga nakabasa na nung "trip" namin magbff. 

Enjoy~♥

♥ + + + + + ♥

A blessed morning happened at the second floor of Cherry Residence... kung saan makikita ang tatlong pintuan ng bawat kuwarto na lahat ay kulay pink sa isang makitid na pasilyo. Sa unang pintuan, mapapansin agad ang signage na "ChaeYooDo" kung saan tatlong babae ang mahimbing pang natutulog sa kani-kanilang higaan. Pagbukas mo ng pinto agad na mapapansin ang pink na kulay ng paligid. Mula sa pader hanggang sa kani-kanilang mga higaan maliban sa ceiling nito at pinto ng comfort room na kulay puti. A room has one bunk bed or rather say double bed... na nakaharap at ilang hakbang ang layo mula sa pintuan. And also a single bed... sa gilid malapit ng pintuan. Makikita din dito ang iilang gamit na nakakalat sa gilid ng bunk bed malapit sa nag-iisang mini cabinet nila sa kuwarto. The room has two glass sliding window covered with a white lace curtains.

Himalang nauna at maaga nagising si Yoojung sa kanilang lahat. Nag-inat ito nang dalawang braso tsaka humikab. Lingon sa kanan.... Lingon sa kaliwa muna ang kaniyang ginawa bago ito bumangon nang kaniyang higaan sa lower part ng double bed kung saan siya naka-puwesto at natutulog. Humihikab-hikab na tumayo siya at humarap sa upper part ng higaan kung saan natutulog naman ang isang babae na mala-modelo sa tangkad at may hawig kay Jun Ji Hyun. Niyugyog niya ito para gisingin.

"Doyeon~" ina-antok na sabi ni Yoojung habang niyu-yugyog niya si Doyeon para magising.

"..."

"Gising na" sabay tapik naman sa pisngi nito.

"..."

"Maaga ang pasok natin ngayon" dagdag pa niya.

"..." - Doyeon

Tatlong beses sinubukan ni Yoojung gisingin si Doyeon, pero wala pa din siya nakuhang response mula dito. Ganoon pa man pinilit pa rin niya itong gisingin. Niyugyog niya ulit ito pero wala pa rin itong reaksyon. Ni hindi man lang ito gumalaw o nag-bago ng posisyon sa pagka-ka-higa nito sa kama. Nanatiling naka-tihaya pa rin ito at naka-taas ang kanang braso sa ulo - bahagya din naka-awang ang bibig nito na animo'y humihilik. Kahit anong pag-gising ang gawin niya kay Doyeon... bigo siyang magising ito. Naiiritang umalis siya sa harap ni Doyeon at lumapit sa isang single bed kung saan natutulog ang mala-Sleeping Beauty na si Chaeyeon. Umupo siya sa tabi nito. "Unnie~" sabi ni Yoojung. At katulad nang ginawa niya kay Doyeon niyugyog din niya ito para magising. Bahagyang iminulat ni Chaeyeon ang kaniyang mga mata at pupungay-pungay na tumingin siya kay Yoojung na nasa tabi niya at patuloy siyang niyu-yugyog.

"Ummmmm~. Bakit?" inaantok na tanong niya dito.

"Unnie, bangon na" habang patuloy pa rin si Yoojung sa pag-yugyog sa kaniya. "Diba maaga ang pasok ninyo ngayon ni Pinky-Unnie?".

"Inaantok pa ako, Yoojungie~" sagot niya kay Yoojung bago siya nag-takip ng kumot sa mukha at tumalikod dito. "...5 minutes pa" dagdag pa nito.

Katulad ni Doyeon - bigo din siya na magising si Chaeyeon. Naka-pout na tumayo si Yoojung sa higaan ni Chaeyeon tsaka pa-martsang lumabas ng kanilang kuwarto na nasa una at kaliwang bahagi malapit sa hagdanan. Pumunta siya sa kabilang kuwarto na nasa gitna at pang-limahan... kung saan natutulog sina Pinky, Yeunjung, Sohye, Mina, at Somi tsaka binuksan ang pinto ng kuwarto. Katulad nang kanilang kuwarto pink na pink din ang paligid nito... maliban ulit sa ceiling at pinto ng comfort room na kulay puti din. Meron din itong two glass sliding window covered with white lace curtains and mini cabinet. Medyo malaki at malinis itong tingnan kumpara sa kuwarto nila. Mula sa pintuan mapapansin ang isa sa dalawang bunk bed na naka-horizontal line habang ang isa ay naka-vertical line at nakaharap sa pinto. At kaharap ng horizontal line na bunk bed ang nag-iisang single bed. Mapapansin din sa pader ng kuwarto ang iba't ibang wall stickers na naka-dikit dito tulad ng butterfly, bear stuff toy, candy, ice cream at penguin... na hindi na naka-ka-pagtaka kung sino ang nag-dikit. Tahimik na tahimik pa ang buong kuwarto. Senyales na tulog pa ang limang babae na umuukupa dito. Dahan-dahan siyang pumasok at lumapit sa upper part ng naka-horizontal line na bunk bed. Kung saan naka-puwesto at natutulog si Pinky.

Colorful Heart Strings~ ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon