Chapter 14: Gun

92 5 0
                                    

                           Shot

Ang aga aga pa lang eh badtrip na agad ako. Kakatapos lang ng Foundation Day namin kahapon since 1 day lang naman ito.

Pero what itches my throat is the truth na mamayang hapon lang ay makikita ko na naman si Gun'tot. -_-

Tamad akong bumangon mula sa aking kama at lumabas ng kwarto ng hind manlang nag aayos.

"Good Noon"

Napatigil ako dahil sa boses na yun.

Ang diwa ko ay agad na nagising nang marinig ang boses ni Kyrie.

"Kyrie?!"

Masayang bulalas ko nang makita si Kyrie na nakaupo sa sofa ng sala habang nagbabasa ng libro.

"Truly Yours"

Sabi niya at ngumiti.

"Waaahh, Kyrie! Namiss kitang tukmol ka!"

Sabi ko at humahangos na lumapit sa kaniya at ginawaran siya ng malutong sa suntok sa balikat.

"Oy, wag naman dyan pre, binugbog na nga ako ng girlfriend ko, dadagdagan mo pa"

Sabi niya naman.

"Ah! Walang'yang Kyrie ka! Tumakas ka dahil sa girlfriend mo? Pinag alala mo kami"

Bulyaw ko sa kaniya at nagpeace sign lang ang loko.

"Ano ba naman Shot! Ang ingay ng bunganga mo"

Inis na sabi ni Caiter sa akin.

"Hi Caiter, Hi Nashi"

Bati ni Kyrie at natulala naman silang dalawa.

"Kyrie?!"

Sabay na sigaw nila.

                          Zhiane

"Kailan ka pa bumalik?"

Tanong sa akin ni Caiter habang busy siya sa pag aayos ng mga gamit niya.

"Kaninang umaga lang habang tulog pa kayo"

Sagot ko naman sa kaniya.

"At bakit ka naman lihim na umalis at sumulpot?"

Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Shot.

Binatukan naman siya ni Nashi.

Natawa naman ako dun.

"Kasi trip ko?"

Patanong na sagot ko sa kaniya.

Pinandilatan niya naman ako ng mga mata.

"Ayan ka na naman sa 'kasi trip ko?' eh!"

Inis na sabi niya sa akin.

Hinawakan siya ni Caiter sa leeg at tsaka pabirong sinakal.

"Pagpasensyahan mo na, badtrip kasi ang ugok dahil pupunta si Gun dito mamaya"

Paliwanag ni Caiter.

Ang kaninang masayang atmosphere ay nawala dahil sa pangalang Gun na binigkas ni Caiter.

Tumahimik silang tatlo at nagulat na lang ako ng biglang sinipa ni Shot yung upuang malapit sa kaniya.

"Sinabi nang wag banggitin yung pangalan niya eh!"

Sigaw ni Shot kay Caiter.

Imbis na humingi ng tawad ay ngumisi pa ang loko.

"Sinabi na ngang magtino ka eh!"

Matté HighWhere stories live. Discover now