Chapter 15: Who are you?

98 4 0
                                    

                              Shot

Nakakabanas talaga ang isang yun! Palagi niyang pinapainit yung ulo ko!

Badtrip na lumabas ako ng aking kwarto at nakitang wala yung tatlo sa sala. Malamang ay lumabas sila para bigyan kami ng space na hindi naman kinakailangan.

Si Gun ang dahilan ng pagkamatay ni Meirin.

At hanggang ngayon ay hindi ko parin siya mapapatawad.

*Flashback 2 years ago*

Sunday morning.

Since weekend naman ay maari kaming makalabas sa Matté High basta may consent sa adviser.

Nakasakay ako sa aking motor na halos one month din na nakatambay sa garage ng school. Mabuti na lang at umaandar pa ang isang 'to.

Excited na akong makauwi sa bahay at makapunta kina Meirin.

Girlfriend ko si Meirin at almost 3 years na kami.

Malapit na ako sa subdivision ng street na kinaroroonan ng bahay namin ng makareceive ako ng call mula kay Meirin.

Inihinto ko muna yung motor ko para makapag usap kami ng matino.

"Hello babe?"

Sagot ko sa tawag niya.

"Babe? Nasaan ka? Nasa Matté High ka ba ngayon? Nandito kasi ako eh"

Sa sinabi niyang iyon ay nawala yung ngiti sa aking mga labi.

"Bakit ka nandyan? Anong ginagawa mo dyan?"

Sunod sunod kong tanong sa kaniya.

"Eh kasi pinapahanap sa akin ni Gun yung enigma niya. Nawala daw kasi noong nakaraang araw. Alam mo naman yun, tamad maghanap"

Matté HighWhere stories live. Discover now