Chapter 1

16 2 0
                                    

Shayne's POV

"Hoy! Ikaw na malandi! Wala kang hiya! Inagaw mo ang boyfriend ko. Nakipaghiwalay siya sa 'kin dahil sayo!!" sigaw ng isang bobitang babae sa harap ko.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng wattpad sa cellphone ko.

"Are you f*cking listening to me? 'Wag kang magmaang-maangan na wala kang alam. Two months pa lang kami ng boyfriend ko but now break na kami nang dahil sayo" ngayon naman ay umiiyak na yung babae. " Hayop ka talagang mang-aagaw ka!!"

I rolled my eyes. Ang ingay naman ng bunganga ng babaeng ito. Hindi na ako makapagfocus sa pagbabasa. Intense na intense na sana yung mga pangyayari eh. Kainis! Makaalis na nga.

"Hoy bitch! Mang-aagaw! Flirt! Slut! Whore!" hindi ko nalang siya pinansin. Baka maissue nanaman ako. Buti sana kung sa magandang paraan, hindi pa naman.

"Kaya siguro ka ganyan dahil mana ka sa nanay mo. Mang-aagaw!"

Sa sinabi niyang yun. Nakuha niya ang atensyon ko. Hinarap ko siya.

" Una sa lahat hindi ko inagaw ang boyfriend mo dahil hindi ko naman siya kilala. Pangalawa, bakit ka sa kin nagagalit. Ako ba ang nangloko sa'yo? Ba't di mo tanungin ang boyfriend mo -- opps! Ex boyfriend pala." Pinagdiinan ko talaga ang pagsabi ng 'Ex'. " Kung mahal ka talaga ng gagong yun, hindi ka niya iiwan ng basta-basta. At huli sa lahat, okay lang naman sakin na tawagin ako kahit anong gusto mo. Huwag mo lang talaga idamay ang nanay ko."

Nag-uusok na ang ilong niya ngayon. Nakakatawa talaga ang isang to. Parang natatae na ewan. Tinalikuran ko na siya. Pero may nakalimutan pala ako. Hinarap ko siya ulit at --- Booogshhh!!

Then I punch her face.

"Ba't mo ginawa yun?!" galit na sigaw niya. Nagdurugo na din ang ilong niya.

"Just don't mess with me again!"

~●~

" Anak, hindi ako makapaniwalang suspended ka na naman ng isang linggo." pailing-iling na sabi ni daddy.

" Dad, mabuti nga 'yun eh. Makakapagpahinga ako ng ilang araw." sagot ko naman sa kanya.

"Oo nga noh?" nakangiting sang-ayon ni daddy.

Kung ganito pala ang mangyayari, edi mas maganda siguro kung manununtok nalang ako palagi para palagi rin akong suspended. Pero baka magpaulit-ulit pa ako ng high school. 'Wag nalang pala, masamang ideya ata yun pagnagkataon.

Dumating si mommy galing sa kusina na may dalang merienda.

" Ikaw Alberto ha, 'wag mong pangaralan ng ganyan ang anak natin. Kaya kahit sino nalang ang inaaway niyan dahil sa'yo. Masamang impluwensya ka sa kanya!" pinagalitan ni mommy si daddy. Ganyan naman sila palagi. Pero pustahan tayo, magkakasundo lang din yan mamaya.

Ibinaling ni mommy ang tingin niya sa'kin. " Anak, ba't mo ba sinuntok ang schoolmate mo?" mahinahon na niyang sabi.

" Mom, dakilang pasaway lang talaga ako. At isa pa po, hindi ko na po natiis nung sinabi niyang mang-aagaw ang nanay ko. Okay lang naman sana sa akin nung tinawag niya ako ng ganun. Pero nung dinamay ka na niya, sinuntok ko na. Hindi ko na po kasi napigilan ang sarili ko." pagpapaliwanag ko sa kanya.

" Aba! Mapuntahan nga yang batang yan." akmang aalis na si mom pero pero pinigilan siya ni dad. " Wala siyang karapatan na tawaging ganun ang anak ko."

" Anak natin! Mabubuo ba yan si Shayne kung walang tatay." singit naman ni dad.

Napalingon naman si mommy kay daddy, " Sa bagay. Pero dapat talaga sugurin---" hindi ko na pinatapos si mommy. Alam kong mahaba-haba pa ang sasabihin niyan.

Unforgettable RegretsWhere stories live. Discover now