"Oh, so you're Daniel's girlfriend... No wonder, you look familiar..."

Wait?!

Kilala nya si DJ?!

Oh.My.Gulay!

Naaalala ko na kung sino sya!

He's Enrique of Black Hawks! Yung nakalaban nina DJ nung championship.

Ay hala! Nakakahiya! Naalala ko kasi nung sumigaw ako nun nung game nila na mas gwapo si DJ. Pero kasi, totoo naman di'ba? Mas gwapo ang aking labidabs. Hahaha... 

"Kath, halika na..." sabi ni DJ sa mukhang badtrip na tono sabay lahad ng kamay nya sa'kin na inabot ko naman. Hinila nya ako palabas ng Starbucks hanggang sa makasakay kami sa kotse nya.

"DJ, may problema ba?" tanong ko. Nag-start na kasi sya mag-drive ng hindi man lang nagsasalita.

"Wala..." matipid nyang sagot.

"Sus! Wala daw... Eh ba't ang tahimik mo?" tanong ko uli.

"Wala nga sabi..." mukhang galit na sya.

"Ok... Sabi mo eh..."

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa apartment nya. Ganun rin naman sya. Problema ng isang 'to? Kainis ah?!

Pagkapasok namin sa apartment nya, pinaupo nya lang ako sa sala, tapos ay dumiretso na sya sa kwarto nya. Pagbalik nya, dala-dala na nya yung laptop. Gagawa kasi kami ngayon ng program para sa JS namin. Next week na kasi yun. At every year, yung star section ng third year ang naka-assign na mag-organize ng event. Kasama na rin kasi dun yung kick-off party para sa mga 4th year students kaya 3rd year ang pinag-oorganize. At dahil nga sa ako ang Presidente ng class namin at VP ko naman si DJ, kaming dalawa ang mag-aayos ng program. Binigyan na rin namin yung classmates namin ng kanya-kanyang assignments.

Binigay nya sa'kin yung laptop at sinet-up ko naman ito, habang sya naman ay pumunta sa kusina. Pagbalik ulit nya, may dala syang isang baso ng juice.

"Dyan ka muna. Bibili lang ako ng makakain." He said in a cold tone sabay lapag ng juice sa center table.

The Man Hater vs. The WomanizerWhere stories live. Discover now