24] JS Prom

14.1K 208 13
                                    

>>>♥<<<


24


Daniel’s POV

After nung tampuhan moment namin ng Baby Labs ko ay hindi naman na ulit kami nag-away o nagkatampuhan pa sa awa ng Diyos. Siguro iniisip nyong ang OA ko. Pero isipin nyo na ang gusto nyong isipin. Hindi nyo naman ako maiintindihan eh. You see, mortal enemy ko si Enrique since elementary. We studied at the same school. At magkaribal kami sa lahat ng bagay. Schoolmate kasi kami nung elementary at lagi kaming naglalaban pag dating sa academics and extra curriculars. At hindi lang ‘yun! Mantakin nyo ba naman na pati girl na crush namin ay iisa? Oo! May crush ako na babae nung elementary. Pero noon ‘yun, nung hindi ko pa nakikilala si Kath. =___=

You see? Kaya hindi nyo naman ako masisisi kung ganun yung naging reaction ko nung nakita ko sina Kath at Enrique na magkausap sa Starbucks. Malay ko ba. Baka mamaya may gusto pala ‘yung kumag na ‘yun sa Baby Labs ko. Natakot lang ako. Hindi nyo naman maiaalis sa’kin ‘yun eh.

Anyway, hindi na ‘yun mahalaga. Ang mahalaga ay okay na kami ni Kath. Ilang araw na lang JS na. Approximately 4 days to go. Andito ako ngayon sa kwarto ko habang nagbe-brainstorming ng pwede kong maging surprise kay Kath sa JS.

Ano ba yan?! Simula nung makilala ko yung babaeng yun, parang ang gay ko na lagi mag-isip. Hayyy… Kakaiba kasi sya. I always feel the urge of surprising her. Tuloy yan, sa dinami-dami ng surprises na naibigay at nagawa ko na para sa kanya, wala na tuloy ako maisip ngayon. Tae naman oh…  =__=

After an hour ng pagbe-brainstorming, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

The next day, maaga akong pumunta kina Kath. Nag-offer ako sa Mama nya na ako ng mamamalengke at pumayag naman sya. Pagbalik ko, sakto naman ready na si Kath. Pinapag-almusal muna kami ng Mama nya bago kami tuluyang umalis papunta sa school.

“Kath, may isusuot ka na ba sa JS?” tanong ko sa kanya habang kasalukuyan akong nagda-drive.

“Uhm… Actually wala pa… Pero sabi ni Julia, sya na daw bahala… Magkikita nga kami mamaya eh…”


“Oh bakit?” tanong ko ulit. Para kasing nag-aalangan yung mukha nya.

“Wala lang… Parang nakakahiya naman na kasi kay Julia… Eh kaso, wala naman pera si Mama pambili ng isusuot ko sa Friday… DJ… What if kaya hindi na lang ako umattend ng JS?” malungkot nyang sabi sabay harap ng bahagya sa’kin.

“Ano ka ba Kath? Once in a lifetime lang ‘to nuh? Pero kung nahihiya ka kay Julia, eh di kung gusto mo ako na lang magbabayad nung susuotin mo…” alok ko naman.

“Sus! Wag na! Gagastos ka pa!”

The Man Hater vs. The WomanizerWhere stories live. Discover now